14: The Chariot |part one|

43 7 17
                                    


Suga's

Simula nang magising ako ay hindi na nila ako tinantanan ng tanong, pero tuwing magtatanong sila wala akong ibang ginawa kung hindi itaboy ang mga tanong nila. Hindi ko muna iisipin ang tungkol sa bagay na iyon. Kailangan muna naming isipin ang tungkol sa misyon namin.

"OYYYYY TARA SA CROWN!!" Biglang sigaw ni Red. "ano naman gagawin natin don?!" angal ni Ian na nakahiga sa kama niya at tila patulog na. "eh! Pano ba naman halos one month na tayong hindi nag gagala!" ani ni Red "Nakakatamad!" ani naming anim, at humiga na rin sa kanya kanya naming kama. "Naman eh!! Malay niyo may piraso don! Edi mahahanap na natin yung pangatlo! Mga men! Isang buwan na tayong naghahanap! Dalawa pa lang ang nasa kamay natin!" hindi namin napigilang tumawa dahil sa inasal ni Red.

"ANONG NAKAKATAWA!" singhal nito "wa-la hahahah tara na" ani ni Avhrie at hinila si Red palabas ng silid. "Siguro okay na din yon,para makapagliwaliw naman tayo" ani ni Ian, tinanguan namin siya at sumunod na kila Red, nagtungo muna kami Sa guard house at humingi ng pass para makalabas ng Academy.

"Oh San tayo sasakay?" Mayroon kasing tatlong uri ng sasakyan ang pwede naming gamiting, Kung gagamit kami ng pampasaherong kotse oh sasakay kami ng Chueford, isang underground tree Train at Gundelfer,isang sasakyang pang himapapawid. "Chueford na lang, namiss ko na sumakay don" ani ni Kean, nagsimula na kaming mag lakad patungo sa Fordambell station, ang pinakamalapit na station Sa Academy,

Makalipas ang Hindi hihigit Sa kinse minuto Ay nakarating na kami sa station at pumila para bumili ng tickets.

        Fordambell  Station Ticket

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        Fordambell  Station Ticket

"Wow ah umaasenso, ganda na ng ticket nila ngayon ah" Ani ni Kean

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow ah umaasenso, ganda na ng ticket nila ngayon ah" Ani ni Kean. "Tara na!" Ani ni Ian, "TEKA!" biglang sumigaw si Vince na nasa likuran ko "Bakit kuya?" Tanong ni Kean, "Bili tayong pagkain" nakangiti nitong sambit, malimutan na niya lahat wag lang ang pagkain. "Aish, baka malimutan mo na ko yung pagkain hindi" napailing na lang ito at hinila ang kapatid niya papunta sa tindahan ng mga pagkain, sa tabi ng ticket booth.

"Dala niyo naman siguro mga card niyo dba!?" Tanong ko "oh yeh nasa wallet ko Lang naman yun" sabi ni Ian ganon din ang sinabi nila, naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang tren at matapos bumili ng pagkain ang magkapatid.

Raven  Academy For specialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon