10:A Piece and a fact
--
Nagising ang Anim na kalalakihan sa kwebang kanilang tinuluyan. Ngunit walang bakas ng kasiyahan sa kanilang mga mukha. Puno ito ng lungkot at pagod."Nawawala si Basti" malungkot na ani ni Ian. Lahat sila ay Nanlumo ng makitang kulang sila, ngunit nadagdagan ang panlulumong ito sa kadahilanang Makita nila ang pang gigilid ng luha sa mga mata ni Red.
Naupo ito at tumungo nang magsimula ng tumulo ang mga luha niya. Luha na dahil sa hirap at pagod, na dinagdagan pa ng sakit na mawala sa paningin niya ang isang matalik na kaibigan.
Gayon na lang din ang nagawa ng mga kasama niya. Lumipas ang mga minutong puno ng katahimikan at ang Hagulhol ni Red ang naririnig.
Nanahimik ang lahat nang biglang isang liwanag ang pumukaw sa atensyon nila. Isang liwanag na tila kulay kidlat. Nagmumula ang liwanag sa paanan ni Red kung saan pumapatak ang mga luha niya.
"Red..." Sinserong ani ni Avrhie. Nakuha nito ang atensyon ni Red at napabaling na rin ito sa Paanan niyang nagliliwanag. pinunasan niya ang kanyang mga mata at kinuha ang nagliliwanag sa paanan niya.
Isang piraso ng Arken stone ang nakita niya. Nang hawakan niya ito ay mas lalo pa itong nagliwanag at lumutang papunta sa kaniyang amulet at doon nawala ang liwanag.
Red.
Hindi ko inaasahan ang nakita ko, marahil ito ang isa sa mga Piraso ng Arken stone. "Wala akong ideya na Naririto ang isa sa mga piraso" napalingon kaming lahat at nakita si Ma'am Athena kasama si Sir Raven. "Miss, Sir. si Basti wala po siya dito!" Ani ko. My voice cracked. "Kung nasaan man siya ay sigurado akong ligtas siya." Ani ni Sir Raven na siya namang ikina-kunot ng noo ko."Paano niyo naman po nasabi iyan?" Singhal ko. "Nasabi ko lang, tayo na. Athena." Ani nito at sa isang iglap ay nasa silid kainan na kami ng mansyon. "Mag kwento kayo habang kumakain, maupo na kayo" Ani ni Miss Athena. Sinimulan ni Avhrie ang pagkukwento at hindi ko alam kung ako Lang ba pero tila nakangisi si Ma'am Athena.
"Ang punong iyon ay si Galfan, isang Wallker. Ang mga wallker ay mga punong mayroong kakyahang magsalita at umasta na para bang tao, bata pa ako noong huli silang nagising at nasasaad na sa tuwing gumigising sila ay mayroong hindi kaaya-ayang mangyayari" ani nito. Napasagi sa isip ko si Basti? Paano kung hindi Siya Ligtas? Paano kung may masama nang nangyari sakanya?
"Kaya dapat ready kayo sa lahat ng pwedeng mangyari" tugon ni Sir.Raven, nagkwentuhan pa sila ngunit hindi ko na binaling ang atensyon ko. Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na ko at pumunta sa kwarto. At hindi ko inaasahan na makakita ng isang papel na nakalapag sa kama ko, isang papel na naglalaman ng sulat ni Basti.
Red, Siguro sa panahong mabasa mo ito ay nasa lugar na ko ng dapat kong puntahan. Sorry hindi na ko nakapagpaalam, sarap ng tulog niyo eh, tulo laway Ka pa hehehehe.
Ibang klase talaga, Hindi niya ba alam na nag-salsa kami?
Siguro sinesermonan mo na ko sa isip mo. Way ganon Bad yon. Ilang araw akong mawawala kaya sana mamiss niyo ko. Wag kayong mag-alala dahil hindi ko hahayaang May mangyaring masama sa pogi kong pagmumukha.
Nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti dahil sa sulat na toh. Napaka yabang niya talaga.
Sigurado akong iniisip mo na nagyayabang nanaman ako, at sure ako na kung magkaharap tayo baka nag-aaway na tayo. Safe ako kaya don't worry. Magtraining kayo ah! Ingat.!
-Poging Basti
Isa sa hinahangaan ko ay yung confidence level ni Basti. Masyadong mataas. Pero masaya na ko at ligtas siya pero hindi mawawala ang pag-aalala ko.
-
Isang linggo na ang lumipas ngunit wala pa rin kaming balita patungkol kay Basti, patuloy lang ang training namin at ngayon ay makikilala namin ang asawa ni sir Raven, si Miss Rissa Nightingale.
"Magandang araw sainyo, marahil ay kilala na ninyo ako at ganon din naman ako sainyo kaya naman hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa,narito ako upang ituro sainyo ang shadow technique" sabi niya at tumapat sa anino ni Sir Raven at sa isang iglap ay nasa likuran na namin siya.
"Kung magagawa ninyo ito ay madali kayong makapagmamasid sa kalaban ninyo. Sa totoo lang ang isa sainyo ay kaya na itong gawin ngunit hindi pa ganong kaperpekto ang pag galawa niya, yung lost ability user" Ani ni Miss Rissa, Kung isang lost ability user kung ganon si Basti ang tinutukoy niya, nagkatinginan at kami at halata sa mga mukha namin ang pagkalito.
"Si Jhon Basti Navarro po ang tinutukoy ninyo? Ang kaibigan naming time arc user" Ani ni Avhrie, ang time arc ay isang uri ng lost ability dahil bibihira lamang ito at kaunti pa lamang ang nalalaman dito.
"Oo, si Navarro kilala ko ang tatay niya dahil ang pamilya niya ay nagagawa ito" Hindi ito nasabi sa amin, pero alam Kong may dahilan.
"Magsimula na tayo!" Anunsyo ni Miss Rissa.Someone's point of view
"Sir! Mayroon pong nakapasok! Naroon po siya sa main hall at papunta na rin po ang mga tauhan natin!" Hindi ko ito inaasahan. "Sabihin mong mag ingat sila at wag masyadong gumawa ng ingay" utos ko kay Emilia, isa sa mga pinagkakatiwalaan ko.
Paniguradong siya ang may gawa nito, Mawawala siya sa mundong ito at mahihirapan ang mga itinakda nila. Pagsisishan nila ito .
**
UNEDITED
BINABASA MO ANG
Raven Academy For specials
FantasíaThe oracles says that there are seven guys to save our world, Will the oracle be fulfilled?