Suga's POV
Pagmulat ko tumambad sa akin ang isang lugar na tila ba pamilyar ngunit bago sa aking paningin,Nakatayo ako sa harapan ng isang fountains at napaliligiran ng mga gusaling kulay puti na mayroong disenyo ng balahibo ng anghel. Pero, nasaan ako? Nakasisiguro akong wala ako sa Raven."Bata!" Napalingon ako, isang lalaking maaring kaedad lamang nila Miss Athena. Napako ako sa kintatayuan ko nang mapansin kong may pakpak rin siya ng tulad sa akin. "Delikadong lumabas ang mga tulad mo iho sumama Ka muna sa akin!" ani nito at hinila ako papunta sa isang bahay na kakaiba sa lahat, mas matingkad ang kulay nito kumpara sa ibang mga gusali, naging disenyo na nito ang halamang tila ba lumot na nakapaligid sa dingding ng kabahayan, Sa pintuan ay mayroong nakadisenyong Espada sa gitna ng isang pakpak, Masarap sa mata na tingnan ito.
"Manong, Ang ganda naman ng disensyo sa pintuan ninyo" ani ko, napatigil naman siya Sa pagbubukas ng pinto at nabitawan ang kamay ko. "Nakikita mo?" Tanong nito at tumango naman ako "Kakaiba po sa lahat ang disenyo ng bahay ninyo pero mas maaliwalas tingnan ang bahay ninyo" ani ko, mayroong bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha, iniwas niya ang tingin niya sa akin at hinila ako papasok sa loob. Kung sa labas ay tila ba normal lamang ito pero mahiwaga ang loob ng bahay. Mayroong mga sandata sa kaliwang bahagi ng dingding at mga gawa ng sining sa kanang bahagi. Kapansin pansin rin ang malaking salamin na nasa harap ko,napalilibutan ito ng Crystal, bukod doon ay normal na ang lahat.
"Gabriela! Nakikita niya ang Sagisag!" Sigaw manong, sagisag? Sino naman si Gabriela?. "TAY!!" Isang batang lalaki ang tumakbo papunta kay manong, parehas kami ng kulay ng buhok pero hindi ko maaninag kung ano ang itsura ng mukha niya. "Tay!! Si nanay nag aayos ng gamit kailangan na daw nating umalis Tay! Ay Sino siya tay!" Napatigil ako ng makita ko ng buo ang mukha ng bata. "Tay kamukha ko siya! Parehas kaming pogi Hahahaha!" Nakangiting ani niya sa akin "Hello kuya! Ako nga po pala si Gabriel! Suvellian Gabriel Demetria! Nice to meet you kuya!" Hindi ko inaasahan na nasa harapan ko ang sarili ko ang batang ako at ang lalaking humila sa akin ay ang totoo kong ama at ang Marissa na tinutukoy ay ang nanay ko. Pero anong nangyari at napunta ako Sa nakaraan? "Kuya!" Hindi ko namalayan na hinhila na pala ng batang ako ang damit ko. Pero hindi nila dapat malaman na ako ito, dahil maaring mabago ang hinaharap. "Ian ang pangalan ko Gabriel! Magkamukha tayo ah!" Ani ko at ginulo ang buhok niya. "GABRIEL! Tayo na!" Isang babae ang lumabas mula sa isang pintuan. "Nay si kuya Ian po!" Napatingin naman ang babae sa akin. Napakaganda niya nakuha ko ang mga mata niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit. "Kuya! Nanay ko yan!" Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ng batang ako at nagpatuloy lang kahit na pinagtataksilan
na ako ng mga luha ko. "Iho anong nangyari? Ayos ka lamang ba?" Ani niya sa akin at tinapik ang likuran ko. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko. "Pasensya na po kayo, naalala ko lang po ang nanay ko sainyo." Ani ko, ngumiti siya ay ginulo ang buhok ko "Ayos lang iyon iho, ako nga pala si Gabriela at sigurado ako na ang asawa kong si Savil. Base sa pananamit mo ay hindi ka taga rito sa Îngerii?" ani nito sa akin."opo hindi po ako dito taga Ra-" pero naputol ako sa sinasabi ko nang biglang sumigaw mula sa labas.
"LUMABAS KAYO SA BAHAY NINYO! HINDI KAYO NARARAPAT DITO!" Sinundan pa ito ng ilang masasakit na salita.
"Umalis na kayo dito Gabriela!" sigaw ng tatay ko "sumama ka sakanila!" ani niya sa akin at tinulak ako papunta sa dereksyon ng nanay ko. "Pero! Paano ka! Kaya kong lumaban!" sigaw ko sakanya. "Hindi ma-" hindi na Niya natapos pa ang sasabihin ng biglang mayroong panang tumama sakanya mula sa likuran.
Doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko, naririnig ko rin ang paghagulgol ng batang ako at ng nanay ko. "Tay... tay!!" paulit ulit kong sinigaw ngunit huli na ang lahat
-
"SUGA!" napabalikwas ako at napaupo sa hinihigaan, pawis na pawis at hinahabol ko ang hininga ko. Nakapalibot sakin ang mga kaibigan ko, at halata ang pag alala mula sa mga mukha nila, napatingin ako sa binta na nasa kaliwang bahagi ko, malalim pa ang gabi at nagliliwanag ang buwan.
"bigla Ka na lang nagsisigaw ng 'tay' binabangungot Ka" ani ni Ian sa akin.
Umiling ako at sinapo ang ulo ko."Galing akong Îngerii"
**
UNEDITED
Îngerii is a Roman word that means Angels.
BINABASA MO ANG
Raven Academy For specials
FantasyThe oracles says that there are seven guys to save our world, Will the oracle be fulfilled?