12: Red Montrial's Pain (The cure)

40 6 13
                                    

A/N: This is a very fictitious chapter, Some things that are mentioned here do not exist in the real world. This is a revised chapter and unedited.
**
Suga's POV

Lumipas ang isang linggo mula noong aksidente, at ang libing ng kapatid ni Red. Namatay ito dahil sa isang gunshot sa dibdib, at ang Hindi namin inaasahan ay mayroong kinalaman ang mga kalaban namin sa insedenteng iyon. Ayon Kay Red ay nagkaroon ng isang malaking utang ang tatay niya noon sa isang organisasyon at Hindi nabayaran. At ang naging kabayaran ay ang buhay ng nakababata niyang kapatid.

Sinadya na panain si Red upang ipahatid ang mensahe, Hindi bumuti ang lagay ni Red kahit na isang linggo na ang nakalipas, Lahat kami ay naawa sa kanya dahil sa sugat na tinamo niya, pisikal at emosyonal. Patuloy pa rin ang buhay niya, nakikipag asaran pa rin ngunit alam namin na isa lamang iyong pilit na emosyon. Sa ngayon Nasa dorm lang si Red at namamhinga. Ipinatawag kami ni Miss Athena kaya naman nagpaalam muna kami Kay Red.

"Bakit niyo po kami ipinatawag,Miss?" tanong ni Basti. Ngumiti ng matamis si Miss Athena, "Nais kong gumawa kayo ng Gamot para Kay Red" nakangiti nitong sambit, napamaang kaming anim at Hindi alam ang gagawin. "Heto ang listahan ng mga sangkap, makikita ninyo lahat yan sa pupuntahan natin" nakangiti pa ring sambit ni Miss Athena. Kinuha ko ang inaabot niya pero wala pa ring nagsasalita sa amin. "Sumunod kayo sa akin" ani niya at nagsimula nang maglakad papunta sa library. Sumunod na lang kami hanggang makarating kami sa loob ng library.

"Pano po kami makakagawa ng gamot eh puro libro po dito? Saan po ba talaga tayo pupunta?" Nagtatakang wika ni Vince, Pumunta sa isang sulok si Miss Athena at tumingin sa pader, sumunod kamiand sa likuran niya, inilahad niya ang palad niya sa ding ding.

" O cameră pentru un leac" Napakunot ang noo namin dahil sa sinabi ni Miss Athena, tumingin siya sa amin at ngumiti. Nagulantang kaming anim dahil unti-unting nagyeyelo ang paligid, Ang mga dating lagayan ng libro ay ngayon ay puno na ng mga mahihiwagang bagay at sangkap. Tila kaming mga bata sa sobrang paghanga sa lugar, Napaka ganda ng lugar dahil mukha itong mahiwaga. Nababalot ang lugar ng puti at asul na kulay na napaka sarap tingnan.

"This is Raven Academy's Cure Room, lahat ng sangkap ay makikita rito, sundin ninyo mabuti ang nakalagay sa papel na iyan, Ang bagay na iyon ang gagamitin ninyo sa paggawa" itinuro niya ang isang palayok na nakapatong sa isang lamensa. "Sa oras na lagyan ninyo iyan ng sangkap na gagamitin niyo ay magsisimula na yang uminit, kayo na ang bahala. Nasa kamay ninyo ang kaligtasan ng kaibigan ninyo." Sambit nito at ngumiti, hindi na niya pa kami hinintay na makapagsalita, lumabas na siya ng pintuan.

"Magsimula na tayo! Patingen nga nyan Suga!" Samibit ni Ian at kinuha ang papel na hawak ko. Binuklat niya ito at kumunit ang noo niya. Sinilip ni Kean kung ano ang nakasulat at tulad din ni Ian ay kumonot ang noo niya. "Ano bang nakasulat!? Bakit ganyan yang mga itsura niyo?" Tanong ko at hinablot ang papel sa kamay ni Ian at binasa ito.

"Mga sangkap para sa lason ng Panang metal, Tatlong kutsara ng Luha ng isang higante, Tatlong pirasong ugat ng halamang Rosetta,isang piraso ng Bulaklak ng Dwendeng Pula at.." Napatigil ako dahil hindi ko inaasahan ang pang huling sangkap. "At? Wag pasuspense!" Singhal sa akin ni Basti pero tininganan ko lang siya ng walang emosyon, na siyang ikinainis niya at inagaw sakin ang papel. "Aish! At limang piraso ng balahibo ng anghel, Oh eh Limang balahibo-POTA LIMANG BALAHIBO NG ANGHEL!?" nanlaking mata niya akong tiningnan.

"Magsimula na kayong maghanap ng mga sangkap" utos ni Vince at sumangayon naman kami. "Bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Miss Athena. "Nalimutan kong sabihin, mayroong mga sangkap na makukuha ninyo sa mystical garden at pasensya na dahil isa Lang ang makukuha ninyong sangkap dito." Sabi niya at lumabas na ulit.

Raven  Academy For specialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon