Athena's Point of View
Nasa mall ako ngayon dahil kakatapos ko lang bumili ng mga kailangan sa bahay namin.
Dahil imbis na samahan ako ng magaling Kong asawa yung mga babae nya malamang ang kasama niya ngayon.
d-_-b
Habang naglalakad may naaninag akong hindi magandang tanawin..
Lumapit ako sa dalawang tao malapit saakin.
Kinalabit ko yung babae at humarap naman ito.
"Yes?" sabi nito ng nakataas ang kilay kaya napatingin yung lalaki sakin ng walang emosyong makikita
"Anong ginagawa mo dito?" cold na tanong sakin
"Babe you know her?"
"Yes."
"Ano mo siya?" maarteng sabi nito. Nakatingin lang naman ako kay Zion pero agad naman din akong napaiwas dahil sa cold na titig niya.
"She's my wife.." sabi nito ng walang kaemo-emosyon. Ako naman ay gulat sa sinabi niya ,Sinabi niyang mag asawa kami!
"Whaaaaat?! Omy ghad!" nakita ko namang nagpaypay yung babae gamit yung mga kamay niya
Arte. Akala mo maganda .
d>,<b
"My stupid wife." Dagdag ni Zion habang nakatingin sakin . Agad namang napaawang ang bibig ko at ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko .
"Ha! Good to know.." Humarap sakin yung babae "Back off ,it seems like your husband doesn't love you." sabi nung babae kaya umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan kahit sobra na akong nanlulumo pero pinipigilan kolang wag ipahalata.
"Hoy makating linta,layuan mo ang asawa ko baka kung anong magawa ko sayo!" banta ko pero hindi yan totoo hindi ako marunong makipag away ng pisikalan lalo na ngayon at nanghihina ang tuhod ko.
"What did you just say?!" Maarteng sabi nito
"Makating linta?" patanong kong sagot .Pilit akong nagtatapang tapangan dahil ayokong matawag ng babae niya na talunan ako at kaawa awa kahit ganun naman talaga ako .
Nagulat nalang ako ng may dumamping palad sa pisnge
Sinampal ko rin siya pabalik pero mas ikinagulat ko ang pagtulak sakin ni Zion na dahilan ng pagsalampak ko sa sahig at halos pinag titinginan na kami lalo na Ako!
"You have no rights to hurt my girl.." sabi nito ng nakatingin sa mga mata ko na dahilan ng unti unting pagbuhos ng luha ko na kanina kopa pinipigilan.
'His Girl' hahaha ...... Ang sakit!
Nakita kong nakangiti yung babae.
"You look so pathetic. Pinagtatabuyan ka na nga naghahabol kapa." sabi pa nung babae .Napayuko nalang ako dahil alam kong mugtong mugto na ang mga mata ko
"Let's go.." cold na sabi ni Zion kaya umalis na sila at naaninag ko pa yung babaeng pinandilatan ako
Habang papalayo sila napa hagulgol nalang ako habang naka salampak parin sa sahig ,wala nakong paki alam sa mga nakatingin sakin .
Ang sakit,sobra. Para akong sinaksak ng labinlimang beses sa sobrang sakit.
Hindi ko alam kung ilang minuto pa kong nakasalampak sa sahig ng may magsalita sa harap ko.
"Take this.." rinig kong sabi ng isang lalaki at iniabot sa akin ang panyo nya
Inabot ko ito at pinunasan ang mata kong namamaga na..
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)
JugendliteraturAthena Reyes is a 17 years old and a Senior High School student .She is just a simple girl, living in a peaceful life. Walang ibang hinangad kundi ang maging maayos ang kanyang pamilya at mabuhay ng tahimik sa kabila ng pagiging mayaman nila. Pero a...