CHAPTER 12

353 13 0
                                    


"Oh ayan ,higupin mo nang matigil yang kabaliwan mo" sabay abot saakin ni Jessica ng mainit na sabaw nagpaalam kasi siya na pupunta ng Canteen eto lang pala ang bibilhin.

Nasa Garden kami ngayon actually kanina pa inabot na din kami ng recess dito ,dito kami tumatambay kapag vacant katulad ngayon . Tatlo lang kaming nandito ngayon si Clark kasi may practice daw ng Basketball kaya hinayaan na namin. Kinuha kasi siya ng Head Coach ng Basketball team dahil nalaman niya na dati palang MVP si Clark sa ibang bansa ..

"Iniisip mo nanaman ba si Riana at Zion?" Tanong ni Cassandra sakin habang humihigop ng sabaw pero hindi ako sumagot

"Nako ,yang mga ganyan mong itsura? Halatang halata namang yun eh. " sabat ni Jessica

"Naman pala eh ,tinanong niyo pa." saka ko inirapan si Jessica

"Hindi naman ako ah! Yang kapatid kong yan oh , Parehas sila ng barkada ng asawa mo ,slow!"

"Sinong slow ha?!" Singhal naman ni Cassandra sakanya

"Yang mga halaman ,ang i-slow nila!" inis na sabi ni Jessica "Baliw kaba? Edi syempre ikaw! Napaka mo talagang babae ka ,kapatid ba talaga kita? Myghad!"

"Hoy ate mo padin ako wag mokong ginaganyan tatamaan ka sakin!"

"Che. Magsama kayo ni Jayden ,parehas na slow! "

"Magsama din kayo ni Clark ,parehas na bungangero't bungangera!"

"Yuck! Eeew .." Kunwaring nandidiri si Jessica kaya natawa naman ako

"Tumigil nga kayo ,ikaw naman ang pumalit na kaaway ni Jessica hahaha"

"Bwesit kasi eh. Ang ayos ayos ng tanong ko tapos sasabihan ako ng slow? Pigilan moko ,Kakalbuhin koto!"


"Eh bakit totoo naman ah!"


"Halla sige tama na nga. Baka mamaya magka pisikalan pa kayo."

"Anong oras naba Athena? Isa't kalahating oras na tayo dito eh baka may next subject na." Napatingin naman ako sa relo ko


"10:05 na ..Tara na baka nandun na si Maam" inayos na namin ang mga gamit namin saka tuluyang nilisan ang Garden


Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta ng room. Grabe ang init tirik na tirik ang araw at pinagpapawisan na ako. Teka ,asan ba yung panyo ko?


Huminto ako saglit saka binuksan ang bag ko at patuloy na naglakad habang hinahanap sa loob ng bag ko ang panyo ko. At sa wakas ay nahanap ko rin-----

BLAAAAAGGG





"Aray!" sabi ko nang natumba ako at agad napahawak sa pwet ko

Awwww. Huhuhu ansakit ng pwet ko!

"Athena?! " agad na napatakbo sakin sila Jessica at inalalayan akong tumayo

My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon