CHAPTER 5

375 12 0
                                    

Athena's Point of View

Kinabukasan...

Nagising ako ng maaga dahil bigla nalang sumakit yung puson ko hays. Mukhang malapit na ang dalaw ko ayaw kopa naman nun dahil nakakatamad kumilos alam niyo yun? Pero wala eh problema nating lahat yan girls,buwan buwan.

Magluluto nalang ako ng maaga para mag pipi-prapare nalang pumasok ang gagawin ko.Kaso pag bukas ko ng refrigerator ay panay Frozen foods lang ang nakita ko.

Napaka takaw mo kasi Athena eh ,kaka grocery mo lang nung isang araw ubos na naman ang ulam niyo!

Bahala na..

Nasa hapag kainan kami ngayon kumakain .Eto namang si Zion halos lamunin nako ng mata niyang nakatingin sakin!

Malamang naiinis yan kase jindi ko siya nilutuan ng paborito niyang Adobo. Eh sa wala nga akong mailuto .

"Bat ba hindi ka nagluto ng mas maayos dito?! tsk." inis na sabi nito at pinaglalaruan ang pagkain

"Wag mo ngang paglaruan yang pagkain." suway ko sakanya ambastos talaga ng lalaking to

"Eh anong gagawin ko dito? tss."

"Edi kainin mo!" sagot ko saka sinubo yung hot dog at ham ng sabay

"Ayoko. Bat ba kasi yan ang niluto mo? Andami namang pagkain diyan sa ref ah." nagpanggap akong walang narinig at sumubo lang ng sumubo

'Ang dami kasing arte ,di nalang niya kainin!'

"Wag mong sabihing ....." Napatingin ako sakanya at alam kong alam na niya na kung bakit

"Nagugutom kasi ako eh ." sabi ko at yumuko sabay tingin sa pagkain ko

"Lagi ka namang gutom eh. Sabihin mo nga sakin .." Napatingin naman ako bigla sakanya

"May buwaya ba diyan sa tiyan mo?" seryosong tanong nito kaya binatukan ko, sinamaan niya naman ako ng tingin pero dinedma ko.

"Wala ah! " sagot ko saka kumain nalang

Napatingin ako sakanya dahil hindi niya ginagalaw ang pagkain niya pero halos maibuga ko na yung pagkain ko dahil sa masamang titig nito sakin kaya imbes na maibuga ko ito ay dire-diretso ko itong nilunok kaya nabulunan ako.

"T-tubig!!!" Sabi ko saka tinapik tapik ang dibdib ko kaya napatayo ito kaagad at natatarantang kumuha ng tubig sa Ref.

Pagkasalok niya ng tubig ay agad agad siyang lumapit sakin at binigay ang tubig .Pagkabigay niya ay dali dali ko itong kinuha at ininom.Napaubo ako ng sobra at maluha luhang tinignan siya.

"M-magdahan dahan ka nga kasi sa pagkain mo,para kang patay gutom eh!" masungit na sabi nito

"Hindi n-naman kasi ako mabibilaukan kung hindi moko tinignan bigla ng masama!" singhal ko ,aba kahit iyakin ako pagdating sakanya .Natatarayan ko pa din siya no.

"Ampanget mo kasing kumain,nakakawalang gana." Sagot nito at agad naman siyang tumayo saka kinuha yung bag niya at kinuha yung cellphone niya . Ang ganda ko kaya psh.

Bago ko pakasalan ang gwapong halimaw na yan ,napaka raming gustong manligaw sakin kaya nga lang busted lahat dahil nga may fiancée na ako.Pasalamat nga siya pinakasalan niya ako este ipinakasal kami ,dahil kung hindi wala siyang magandang asawa ngayon bwahahaha.

Napatingin ako sa ginagawa niya sa cellphone niya at ayan games again..Yan naman ang lagi niyang ginagawa tuwing kukunin niya yang phone niya eh .Adik din yan pero mabibilib kayo sa galing niyan maglaro ,Actually hula ko lang eh kasi naman satuwing mag lalaro silang tatlo nila Jayden at Shawn ,reklamo sila ng reklamo hahaha.

Bumalik ang tingin ko sa ginagawa ko at liligpitin ko na sana yung mga pinggan na pinagkainan naming nang bigla akong napatingin sakanya.

"Hindi kapa ba aalis?" Tanong ko dahil madalas siyang umalis agad after kumain himala lang at may gana pa siyang maglaro.

"Bat moko pinapaalis?Bahay koto....natin " Walang emosyong sabi nito

"H-hindi naman ,diba kasi umaalis ka kaagad---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito ulit

"Bilisan mo ,sumabay kana. Wag ka ng dumada diyan. " masungit na sabi niya na agad ikinalaglag ng panga ko

"H-huh?" Yan lang ang tanging naisagot ko dahil nag si-sink in palang ang sinabi niya sakin

Bilisan mo ,sumabay kana.

Bilisan mo ,sumabay kana.

Bilisan mo ,sumabay kana.

Bilisan mo ,sumabay kana.

Nagpaulit ulit yun sa utak ko at parang akong ewan na otomatikong napangiti.

"Ano ba?Bilisan mo bago magbago ang isip ko!" Inis nitong sabi kaya nagmadali nakong mag ligpit .

Shet.Nananaginip ba ako o ano? Magsasabay kaming pumasok!!

Waaaaaah! Diyos kopo ang aga naman talaga ng pamasko niyo ,maraming salamat poooo.More blessings to come pa po sana sakin Hihihi .Hindi ko talaga mapigilang hindi ngumiti habang naghuhugas ng pinggan.Agad kong natapos ang paghuhugas ng pinggan dahil excited talaga ako.

"Ay kalabaw!" sigaw ko sa gulat dahil sa nakapamaywang na lalaki sa harapan ko pagkatapos kong maghugas.

Nakita ko naman si Zion na nakatingin sakin na para akong kakainin pero pramissss ang gwapo niya sa pwesto niyang yan!!

"Ang kupad mo,halika na!" Bulyaw nito na nagpabalik sa diwa ko

"A-ah O-oo!"  sagot ko at binilisang kumilos

Ngayon nya lang ako inayang sabay kami pumasok at grabe ang saya ko hahaha

Mukhang good mood ata siya ngayon ah kahit medyo nagsusungit.Para saakin kasi yan ang Good mood niya hahaha

Sana ganyan nalang siya palagi, sana..

^___^

***

ADD / COMMENT / VOTE / FOLLOW

~Kpopislife_18

My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon