CHAPTER 16

287 10 0
                                    


Athena's Point of View

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at puting kisami ang bumungad saakin . Bigla din akong napahawak sa ulo ko dahil bigla nalang itong kumirot nagulat ako ng bigla kong maramdaman ang bukol sa likuran ng ulo ko , masakit siya kapag hinawakan kaya binitawan ko nalang. Teka? Ano bang nangyari ? And where am i?

"Thank God ,you're awake.." biglang sulpot ni Clark sa tabi ko halata sa itsura niya ang pag aalala , mukha din siyang bagong gising at galing  sa couch malapit sa hinihigaan ko at ngayon ko lang narealize na nasa Clinic ako.

"Omyghad... Athenaaaaaaa buti gising kanaaaaa akala namin hindi kana gigising!" naiiyak na sabi ni Jessica binatukan naman siya ni Cass

"Ang O.A mo!"

"Kasi naman eh! Alalang alala kaya kami sayo day!"

"T-teka ano ba kasing nangyari sakin? What am i doing here?"

"Nag aaral teh nag aaral!" Sarkastikong sabi ni Jessica kaya sinamaan namin siya ng tingin ang sakit na nga ng ulo ko dinadag dagan pa nito

"Tsk syempre ,you're here para magpagaling ,dahil bigla bigla ka nalang humahandusay doon sa entrance ng canteen imbes na sa exit kasi lalabas ka diba? Mag wo-walkout? Pero ang ending ayun nag collapse ka teh,feeling mo pa may sasalo sayo kahit wala naman kaya ayan malaking itlog yang nasa ulo mo ngayon!" Pagtataray nito ng walang tigil sinamaan ko naman siya ulit ng tingin ,makapag salita to parang hindi ako kaibigan ah.

"Hoy manahimik ka nga!Ang ingay mo nanaman eh!"

"Nangingialam ka din nanaman eh"

"Pwede ba?! Mamamatay kaba kapag walang nailabas yang bunganga mo kahit isang word lang ,ha?!Napaka ingay mo"

"Paki-alamero! Impakto!"

"Ssssh. " suway  ng nurse na nasa may table niya dahil sa ingay ng dalawa  kaya natahimik sila. Buti nga dalaga na yung bagong nurse dahil baka kung yung dating nurse ang nakakarinig sakanila malamang
ay napagalitan na sila at pinalayas dito sa loob

"Halos dalawang oras ka ng tulog ,hindi mo naman kasi sinabi saamin na masama pala ang pakiramdam mo ,nag aapoy kana din sa lagnat dahil sa sobrang init mo. Mabuti nalang dinala ka kaagad dito ni Clark" hindi ko alam pero bigla nalang kumirot ang puso ko sa narinig kong sinabi ni Cassandra

Akala ko ....

Siya...

Naalala ko kanina, bago ako mawalan ng malay , I saw him......... I saw him  staring at me.. P-pero bakit hindi niya man lang ako tinulungan kahit dalhin man lang dito. Hays , ang tanga mo talaga Athena ,edi nabuking kayo at pag chichismisan ng pag chichismisan  ayaw pa man din niyang mangyari yun.. Inerase ko nalang sa isip ko ang bagay na yun baka kasi nakabusangot nanaman ako dito maghapon tsk

"G-ganun ba? " yun nalang ang nasabi ko at hindi na ulit nag salita . Hinawakan ko ang mga kamay ko at ulo ko hindi nadin naman na ako nilaglagnat pero masakit padin talaga ang mga katawan ko lalo na ang ulo ko para pading binibitak.

Actually ,kagabi pa masama ang paki ramdam ko pero hindi ko nalang pinansin dahil gusto ko talagang pumasok kahit na nahihilo ako. Boring kasi sa bahay lalo na't mag isa ako dun ,kahit naman kasi sabihin ko kay Zion na nilalagnat ako sasabihin lang nun 'then,take your medicine ..no need to tell me ' tsk.  Alam na alam kona ugali nun hays.

"Magpahinga ka muna diyan okay ,dito lang kami." nakangiting sabi ni Jessica kaya napangiti ako

"Call my name if you need something okay?Just take a rest ." sabi naman ni Clark kaya nginitian ko siya .

"Thank you..... Thank you for bringing me here" pagpapasalamat ko he just smiled at pinisil ang pisngi ko...

"No need to thank me .." He said smiling then bumalik na siya sa couch

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakatunganga lang ako habang nakatitig sa kisame. Hindi na din  nakapasok yung tatlo dahil binabantayan ako kinukulit ko silang pumasok kanina pero ayaw nila kaya hinayaan ko nalang. Napatingin ako sa ginagawa nila dito sa loob  ng clinic .

Si Cass ay natutulog habang nakasaksak ang earphones sa magkabilaang tenga like what she always does ,Si Jessica naman ay nag aayos ng mukha then saka siya mag seselfie lahat na ata ng sulok dito sa clinic ay napicturan na niya tsk tsk. Napatingin naman ako kay Clark na busy' ng busy na naglalaro sa cellphone niya tapos nakikinig ng music sa headphone niya .

Bigla nalang akong napangiti habang  nakatingin sa kanila. I'm so thankful that i have them ,thankful that they are my friends ,mga kaibigan na laging nandiyan para saakin .Mga kaibigan na lagi mong matatakbuhan sa oras ng problema.  I'm so thankful that God gave them to me. Hindi ko alam kung ano nalang ang mangyayari sakin kapag nawala sila.

I took a deep sigh at naisipan ng magpahinga para naman marelax ako .Baka hindi pa ako makapasok nito bukas kung ganito ako eh ,ayaw na ayaw ko pa naman nakaka-miss ng mga lessons dahil ang hirap humabol kaso wala eh ngayon pa ako nagkaganto ,okay lang sana kung walang pasok tsk. Baka nga sobrang dami ko ng uban nito dahil sa dami kong iniisip ,ang bata bata kopa pero ang dami ko ng problema.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang bumukas ng malakas ang pinto kaya lahat kaming nasa clinic ay nagulat. Pinilit kong bumangon kahit nahihirapan para lang makita kung sino ang bastos na nilalang na balak atang manira ng pinto ng clinic .Pwede naman kasing kumatok diba? Inis akong sumilip at napatingin sa pinto dahil nahihirapan talaga akong bumangon ansakit kasi talaga ng katawan ko ,pero pagtingin ko ay halos kumalabog ang puso ko sa lakas ng pagpintig nito shet andami ko na atang dugo nito. Gulat at laglag ang panga kong tinignan kung sino ang taong nasa may pinto .....

Ghad!?


What is he doing here???

**********

ADD / COMMENT / VOTE / FOLLOW

*******************

*KpopIsLife_18

My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon