CHAPTER 24

279 11 0
                                    


Athena's Point of View

"Make sure na masarap yan ah. Kundi kila Riana ako kakain!" pananakot niya. Pero syempre ,hahayaan koba yun? Hindi no! Ano yung babaeng yun siniswerte? Mukha niya!Pagkatapos niya akong pag initan ng buong linggo dahil sa kakahatid ko ng pagkain at tubig kay Zion every practice ,neknek niya!

"Hindi mang yayari yun. Just wait ,baka maubos mopa tong niluto kong paborito mo." nakita ko naman siyang umirap. Kalalaking tao ,ang galing umirap psh.

Inayos ko na yung table at inihanda na yung niluto kong paborito niyang adobo.

"Zion ,The food is ready. Let's eat na!" Tawag ko sakanya habang nanunuod siya ng Avengers sa may sala. Binibilisan kona ding kumilos dahil ako naman ang susunod na manunuod .Hindi naman pwedeng siya lagi ang manood maghapon porket wala kaming pasok at wala siyang practice tsk..

Nakita ko namang naglakad siya palapit sa may dining table ,nakita ko na din ang maaliwalas na mukha nito at hindi salubong ang kilay. Gutom na 'to.

"Wow ah ,dika naman gutom sa lagay na yan?." Natatawang sabi ko kay Zion . Akala mo hindi nakakain ng isang buwan eh ,ang bilis kumain .

Naka tatlong kuha ng rice lang naman po siya . Dineadma niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain ,nasarapan siguro ang loko. Napangiti nalang ako at nagtuloy sa pagkain.

Inaasar asar ko lang siya habang kumakain at tawa naman ako ng tawa dahil nag mi-make face siya sakin habang punong puno yung bibig dahil sa pang aasar ko.

After naming kumain ay agad naman akong naghugas ng pinggan. Siya naman ay busy'ng busy pading nanonood . Adik din kasi yan sa panonood lalo na kung mga Heroes yung mga panood. Yung inaabangan ko kasing movie ipapanood maya may na kaya ako din ang nandiyan mamaya.

Agad namang nagring yung phone ko after kong maghugas ng pinggan. And its Jessica ,ano nanamang kelangan nitong bruhang to?

"Oh ,bakit?"

"Let's shopping!!!!" Bungad nito

d>,<b

"Shopping ka diyan. Tinatamad ako!"

"If i know, gusto mo lang masolo ang asawa  mo maghapon ,may nalalaman kapang tamad tamad diyan!"

"Hindi yun! Tinatamad talaga ako." umakyat muna ako sa kwarto habang kausap ko siya dahil magsusuklay ako. Jusko!Mukha na kaya akong losyang! "Pero isa nadin yun hihi." Dugtong ko

"Ang landi mo ,grabe!"

Sakit nun ah!

"Grabe ka naman !Tyaka asawa ko naman siya, kaya hindi landi tawag dun!"

"Whatever landi padin yun. Tara na nga kasi!"

Ano bang magagawa ko kung ganto ka-kulit ang kaibigan ko?

"Fine ,papaalam lang ako kay Zion."

"Wow ah? Kahit magpaalam kapa diyan ,wala namang paki alam yan. Baka nga kahit sa langit kapa pumunta , "enjoy" lang sasabihin niya eh." nalaglag naman agad ang aking panga sa sinabi niya.

"Ang sama mo naman ,Langit agad?!"

"Halimbawa lang naman! O siya. Wait nalang namin ni Cass ang sagot mo later baboooh!"

"Teka---"

d>,<b

Bastos talaga ,pinatayan ako!

Bumaba na ako para  puntahan si Zion at magpaalam na. Kahit alam kong wala naman siyang paki alam kahit saang lupalop pa ako magpunta .

Nakakainis  naman din kasi,  wrong timing!Wala na hindi kona maabutan yung papanoorin ko. Yung Meteor Garden every morning? Ayaw ko din kasing manood online mabagal.  Hays!

Dumiretso nalang ako sa may living room .Umupo naman ako malapit sa kanya pero hindi masyadong malapit. Baka masipa pa ako nito ng wala sa oras  eh.

"Zion?" sambit ko.

"Hmm?" Yan lang sagot niya .Pano ,tutok na tutok sa panood .Basagin ko na ata tong TV eh .

"Sila Jess kasi ,Niyayaya akong mag shopping kaya maiwan ka muna dito ha---" kunot noo itong humarap sakin at tinaasan ako ng kilay kaya napatikom agad yung bibig ko

Taray.

"Iiwan moko dito?" Otomatiko akong napanganga sa sinabi niya.

"Hoy!" Napabalik naman agad ako sa tamang pag iisip sa biglang pag 'Hoy' nito.

"A-ah. Mabilis lang naman kami e---"

"No."

"Ha?" Takang tanong ko.

"I said no. You'll stay here........ with me." Walang ganang sabi nito at nagpatuloy sa panonood. Ako naman ay nanlalaki ang mga mata at laglag pangang nakatingin sakanya.




You'll stay here........ with me.

You'll stay here........ with me.

You'll stay here........ with me.

Sampalin niyo 'ko ,Now naa!!!

"Stop staring." Kaya naman napaiwas ako ng tingin at tumingin sa kabilang side saka ako napapikit ng mariin at napakagat sa lower lip ko na kinikilig .Shems!

"O-okay." nauutal kong sabi. Yan nalang ang nasabi ko dahil lumulundag na ang aking pusooooo!Baka masabunutan ko siya kapag nagsalita ulit ako  .

Natahimik nalang ako , hindi nadin siya nagsalita.

***********

Please Don't forget to---

(VOTE / COMMENT / ADD / FOLLOW)

***************

--KpopisLife_18

My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon