CHAPTER 9

320 12 0
                                    


Zion's Point of View

"Babe ,let's go sa canteen .I'm hungry na kasi eh." sabi sakin ni ,teka sino nga ba ulit to?

Hays paki alam koba. Hindi ko hilig tandaan ang mga pangalan ng mga nakakasama kong babae,tyaka kahapon ko lang to nakilala sa bar at hindi nako tinantanan at nalaman ko nalang kanina na dito pala nag aaral .Tumango lang ako sakanya at tinignan ko naman yung dalawa na busy na naglalaro gamit ang mga cellphone nila

Tsk , naglalaro din sana ako ngayong vacant namin kung hindi lang lumapit tong babaeng to.

"Let's go." tawag ko sakanila kaya napatigil sila sa paglalaro

"Saan?" Tanong ni Shawn sakin at halatang nabitin sa paglalaro

"Canteen." tipid kong sagot at saka tinanggal yung nakapulupot na kamay sakin ng babaeng to.

"Sige ,tara gutom narin ako eh." sagot naman ni Jayden. Hindi na ako nagsalita ulit at tumalikod na saka nag umpisang maglakad palabas ng Room

"Babe ,wait ang bilis mong maglakad. I'm using heels okay?baka mapudpod ang paa ko ehhh"

Arte mo. Kung bat ba kasi naka heels kapa ,alam mo namang eskwelahan to! Gustong gusto ko isigaw yan .Ang arte arte kanina pako nagpipigil ng inis sa babaeng to ang sarap paulanan ng sapak sa sobrang ingay kundi lang siya babae .

"Then ,remove it." seryosong sagot ko dinig ko naman na nagtatawanan sila Shawn at Jayden sa likuran ko .

"WHAT?? Hell no! its dirty kaya!!Just wait for me nalang kasi ."

"Tsk. Ewan ko sayo."

"What are you two laughing at?!"

Konti nalang talaga ,bwisit rinding rindi nako!

"Baliw." Rinig kong sabi ni Shawn

"What did you say?!!"

"Wala."

Diretso lang akong naglalakad at hindi pinapansin yung babaeng sigaw ng sigaw sa likuran ko. Nakakairita ,naiwan ko pa yung cellphone at headset ko sa bag letse kasi tong babaeng to ginulat pako sa biglang pagpasok sa room kanina ,dina nahiya .Sabagay ni hindi nga mahiyang dumikit dikit saakin na akala mo linta.

Pagpasok namin sa canteen ay dinig na dinig ko nanaman ang mga babaeng nagsisigawan pati bakla tsk . I'm used to it ,kaya wala na akong paki alam at dini deadma nalang sila .Agad kong hinila yung maarte sa likod ko ng matahimik at inakbayan ,yan naman ang gusto ng mga babae eh para matahimik ,pakiligin mo sila tsk.

Mas lumakas ang bulungan syempre diyan din magaling ang mga to eh.

Kasalukuyan kaming pumipili ngayon dahil sa dami ng estudyanteng umu order .Ayoko namang gamitin ang pagiging sikat ko para sumingit ,ayokong maging unfair.

May kung anong sinabi saakin si Jayden pero hindi ko na maintindihan dahil  biglang nahagilap ng mata ko si Athena .

Agad umakyat ang dugo ko ng makita kung sino ang walangyang umaakbay sakanya.

Lahat nalang ba talaga ay balak niyang agawin? Nung una ang tiwala ng parents ko ,ang mga kaibigan ko tapos ngayon pati asawa ko?!

Nakita ko rin ang pagkagulat ni Athena nang makita niya ako. Tsk hindi ko alam na marunong din pala siyang manlandi ng ibang lalaki ,at sa pinsan ko pa talaga. Napansin ng mga kaibigan niya ang pagtitig sakin kaya napatingin silang lahat sakin at sa kasama ko pero hindi ko sila pinansin at tinitigan lang siya. Ilang segundo kaming nagtitigan at siya ang unang nag iwas ng tingin nakita ko ring tinanggal niya ang pagkaka akbay sakanya ng Hinayupak na yun..

"Zion?? Oy tol?"

"Hoy,ayos ka lang?"

"Babe?! Are you okay?" Yugyog nito sakin kaya agad akong natauhan at napatingin sakanila

"Ayos ka lang? " tanong nila alam kong nakita nila ang tinitignan ko kanina pero hindi nila binanggit dahil sa babaeng kasama namin ngayon .

"I-order'an niyo nato . Nawalan na ako ng gana." walang emosyong sabi ko sakanila .Naririnig ko silang tinatawag pero hindi kona pinansin at tuluyang lumabas ng Canteen at ramdam na ramdam ko ang pagkuyom ng kamao ko

Hindi ko alam na ,katulad ka din ng ibang babae psh,ano yun kunwari Maria Clara? Hahaha sinong niloko mo?

Tsk ibang iba ka sakanya .

P*tcha magsama kayo ng gag*ng lalaking yan!

Ito lang ang gusto kong sabihin  .....I will never fall for her. NEVER!

Hindi ko namalayan na nasuntok ko na pala ang pader sa likod ng building dahil sa galit na nararamdaman ko na hindi ko alam kung bakit ,napayuko ako at nakita ang dumudugong kamay ko .

My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon