Athena's Point Of ViewNagulat nalang ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko sa kalagitnaan ng mahimbing kong pagtulog .
"Istorbo." Nakapikit kong sabi saka hinanap ang cellphone ko sa side table na malapit sa higaan ko na hanggang ngayon ay patuloy na nag ri-ring
"Hello?" nakapikit ko pading sagot
"MRS. ATHENA FUENTABELLA ASAN KANA BA?! WALA KABANG BALAK PUMASOK HA?!" halos ilayo ko na ang speaker sa tenga dahil sa sobrang ingay. Iminulat ko ang mga mata ko at inis na tinignan kung sino ba ang maingay na caller at napailing nalang ako ng makitang si Jessica nanaman. Siya lang naman kasi ang mabungangang tumatawag sakin
"HOY! NARIRINIG MO BA AKO??"
"OO! " singhal ko sakanya ang ingay kay aga aga psh. "Umagang umaga sigaw ka ng sigaw! Oo papasok ako .Ang aga palang tsk."
"Gaga , Alas otso na maaga pa bayun?! Dalian mo na pasalamat ka wala pa si maam dahil may inaasikaso pa siya saglit sa office kaya dalian mo bago ka niya maunahan dahil paniguradong masasabon ka nanaman!" agad akong napabangon sa sinabi niya
Bakit ba kasi hindi nagring tong alarm clock ko. Napatingin ako dito at kinuha .Kaya pala eh,hindi na gumagana. Malas naman oh.
"Sige 10 mins. " sabi ko at ibinaba na saka nagtatakbong dumiretso sa banyo at naligo
Hays ,napagod siguro masyado ang utak ko kakaisip kahapon kaya hindi ko naalalang may pasok pala ngayon .Kainis naman oh.
Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat kong gawin ay bumaba na ako ,hindi na ako kakain dahil wala ng oras at nagmamadali ako .Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng pagligo ang ginawa ko pati pag aayos hindi ko na nagawa, nag suklay lang ako.
Bubuksan kona sana ang pinto ng maalala ko si Zion. Umuwi kaya siya? Dali dali akong lumabas at nakitang wala sa garahe ang kotse niya. Nakaalis na siguro....o baka hindi nanaman umuwi. Napayuko nalang ako at naglakad palabas ng gate at sakto namang may dumaang taxi kaya pinara kona ito.
Hingal na hingal ako pagdating ko sa Classroom dahil talagang tumakbo at halos makahinga ako ng maayos nang makitang wala pa naman si Ma'am. Agad naman akong nilapitan nila Clark ,Cass at Jessica.
"Oh kamusta ka naman? Himbing na himbing ang tulog ah." pambungad ni Jessica
"Tsk .Bitin nga eh."
"Here.." Abot saakin ni Clark ng isang iced espresso ,kaya inabot ko naman
"Para san to?"
"For you ,baka antukin ka sa klase eh .Sakto lang pala ang pagbili ko kanina sa Starbucks." nakangiting sabi nito
"Thankyou." sagot ko at ininom ito medyo antok padin kasi ako eh.
Nagsi-upo na kami sa kanya kanya naming upuan nang dumating na si Ma'am .
"Rein Delacruz?" kasalukuyang nag aattendace ngayon si Ma'am. Nawala nadin ang antok ko ,salamat sa binigay ni Clark
"Present."
"Cassandra De Vera?"
"Present.."
"Jessica De Vera?"
"Present"
"Clark Montereal?" Agad namang umingay ang room dahil sa mga babaeng kinikilig kay Clark .Ngumiti lang si Clark at sumagot.
"Present."
"Athena Reyes?"
"Present.."
"Oh Ms. Reyes ,congrats for having the highest score sa last long quiz natin. Keep up the Good work." Sabi ni maam kaya ngumiti ako. Nagsitinginan naman yung tatlo at nag thumbs up sila ng sabay sabay ,natawa nalang ako.
Nag discuss lang ng nag discuss si ma'am at nakikinig lang ako.
"Omyghad . Alam mo bang si Riana ,sobra na kung makadikit kay Zion. " napatigil ako sa pag susulat ng marinig ko ang pangalan ng asawa ko na pinagki-kwentuhan ng dalawa kong kaklase sa likuran ko
"Oo nga eh ,siya lang naman daw yung naghahabol .Dapat si Zion ang naghahabol sakanya dahil sa sobrang ganda niya." Ang tinutukoy nila ay yung kasamang babae kahapon ni Zion sa Canteen .Patuloy lang akong nakikinig
"Kahapon ko lang silang nakitang magkasama ,sila kaya?"
"Siguro ,inakbayan siya kahapon ni Zion eh. Bagay kaya sila "
"Yeah i agree.. Ang ganda ganda ni Riana dahil siya ang isa sa sikat na estudyante dito ,ganun din si Zion."
"Ang kaso nga lang ,kilala naman natin si Zion .Walang nagtatagal na babae sakanya."
"How i wish na isa din ako sa maging girlfriend niya kahit 1 hour lang hihi"
"Asa tsk. Makinig ka na nga lang baka makita pa tayo ni ma'am eh"
Napayuko nalang ako dahil sa mga narinig ko. Tama nga sila, mukha naman silang bagay eh Maganda at Gwapo tapos sikat pa. Ano namang laban ko kay Riana Buenavista? Sikat siya sa Loob at labas ng School dahil model din siya.
Hindi na ako nakapag concentrate sa pakikinig dahil lutang nanaman ako.
"Hoy!" Biglang alog saakin ni Clark
"Ano bang nangyayari nanaman sayo at tulala ka nanaman habang nagsusulat?" Kinuha naman niya ang notebook at nagtaka ako ng makitang kumunot ang noo nito pati sila Clark at Cassandra
"Zion?" Takang tanong sakin ni Cass kaya agad kong hinablot ang notebook ko at halos lumuwa ang mata ko nang makitang punong puno ng pangalan ni Zion ang Binder ko. Mabuti nalang at wala na kaming kaklaseng naiwan dito sa loob. Pinunit ko ito at patakbong itinapon sa basurahan.
Ghad. What's happening to me?
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)
JugendliteraturAthena Reyes is a 17 years old and a Senior High School student .She is just a simple girl, living in a peaceful life. Walang ibang hinangad kundi ang maging maayos ang kanyang pamilya at mabuhay ng tahimik sa kabila ng pagiging mayaman nila. Pero a...