Jayden's Point of View"Hoy ano yun pare?bakit mo kasama si Cassandra ?" Halata palang sa tono ng mokong nato na mang aasar na naman tsk.
"Wala." tipid kong sagot at tumabi kay Zion na tahimik at nakatingin lang samin. Lagi namang tahimik to eh ,Buti nga di napapanis laway niya psh.
"Sus ,wala raw. Ulol! Sinong niloko mo !"
"Wala nga ,bakit ba ang kulit mo. Kumain kana nga diyan ,sayang lang yang mga binigay ng mga Fangirls mo!"
"Ayoko ng mga yan ,Panget ng lasa! Wag mo ngang ibahin ang usapan bakit magkasama kayo? Kayo naba? Ha? Ha?!!" Binato ko nalang siya ng isang bottle ng tubig dahil wala namang laman.
"Nagkasama lang kami , Kami na agad? Wag ka ngang praning diyan!" Inis kong sabi saka ko dinampot yung bottled water na katabi ni Zion pero agad naman niyang tinabig yung kamay ko.
"That's mine." Tipid niyang sagot at inilayo iyon sakin.
Anong meron sa taong to? Lagi naman kaming humihingi sakanya ni Shawn ah ,ngayon lang nagdamot.
"Pahingi ,naiinom na ko eh."
"Hindi."
"Ha ,Bakit? Palitan ko nalang mamaya ,Dali na kasi!" Pag mamakaawa ko. Naiinom na talaga kasi ako pagkatapos kong asarin si Cassandra medyo napagod kasi ako.
"I said ,No.Wag ka ngang makulit diyan. Ayun si Cassandra oh ,pabili ka sakanya!"
Isa din to. Tsk!
"Yan na nga kasi .Teka nga ,ano ba kasing meron sa tubig mong yan at ayaw mong ibigay?" Inis kong tanong sakanya
Ang labo talaga ng taong 'to.
"Eh kasi pare ,first time siya bigyan ng asawa niya ng tubig sa practice .Kaya ayaw niyang magpahingi Hahahaha" biglang sulpot ni shawn kaya agad naman akong natawa sa mahina niyang sinabi
Kaya naman pala.
"Shut up ,Shawn!" Suway naman ni Zion sakanya kaya mas natawa ako at saka siya siniko.
"Hindi mo naman sinabi agad tol . Hindi na sana kita pinilit Hahaha."
"Enough! tsk."
"Ano kayang nakain mo tol at nagkakaganyan kana? "
"Wala! Tigilan niyo nga ako kundi malalagot kayo sakin!"
"Sus. Wag ganyan ,tinatakot mo naman kami .Labeeeeer boy!" Panganganchaw ni Shawn kaya binato siya ng tuwalya
Sira ulo talaga tong lalaking 'to. Lakas mantrip Hahaha.
"Tigilan moko diyang bakla ,uupakan na talaga kita." Agad namang natahimik si Shawn dahil sa biglang pag seryoso ni Zion. Patay ka hahaha.
Napailing nalang ako sakanilang dalawa. Tinignan ko naman si Zion na ngayon ay umiinom sa binigay ni Athena na tubig. Napatingin din ako sa pasimple niyang tinitignan .And there ,i saw Athena laughing with her friends.
Mukhang nagbabago na ang ihip ng hangin ah? Tsk tsk.
Nahagip naman ng tingin ko si Cassandra na ngayon ay tumatawa habang kasama sila Clark.
She's beautiful when laughing kaso pag sakin di man lang ngumiti. Last na ngiti niya nung nasa park kami at hindi din siya masyadong nagsusungit nun ,ngayon naman nasobrahan sa sungit. Tsk
Well,kaya ko lang naman siya inaasar dahil ang cute niya pag naiinis ewan koba ,Natutuwa lang talaga ako kapag nakikita ko siyang naaasar . And I'm enjoying Teasing her. Mas lalo na kapag nagsusungit din siya Hahaha.
Thats why i want to tease her everyday . :')
*********
Maraming thank you po sa mga nagbabasa ^___^
Kindly please---
VOTE / COMMENT / ADD / FOLLOW
************
*KpopisLife18
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)
Teen FictionAthena Reyes is a 17 years old and a Senior High School student .She is just a simple girl, living in a peaceful life. Walang ibang hinangad kundi ang maging maayos ang kanyang pamilya at mabuhay ng tahimik sa kabila ng pagiging mayaman nila. Pero a...