Jessica's Point of View"Cass halika naaaa."tawag ko sa kapatid ko dahil napaka bagal kumilos dinaig pa ang pagong
"Sagliiit ,ang hirap naman kasing ayusin tong necktie nato" iritaong sabi niya kaya napailing nalang ako at lumapit sakanya
"Akin na nga ,napalaki mong damulag pati ba naman pag neneck tie dimo pa magawa?" Sermon ko sakanya habang inaayos ang necktie niya mas matanda pa siya sakin ng isang taon pero mas marunong pako sakanya mag necktie tsk. Kahit nga elementary kaya ng mag lagay ng kurbata eh hahaha
At kung nagtataka kayo kung bakit same kami ng Grade level kahit mas matanda siya sakin well, sabay na kaming nag kinder dahil takot siyang pumasok dati ng mag isa at iyak ng iyak. Ewan koba sa babaeng to napaka iyakin dati pero ngayon?Jusko,ni hindi kopa yan nakitang umiyak.
"Teka wala paba si Athena?"
"Wala pa nga eh." Sabi ko at kinuha na ang bag ko sa sofa
Bat kaya wala pa ang babaeng yun? Lagi kasing nauuna yun samin mag ayos at after niyang gawin lahat ng tungkulin niya sa bahay nila ng magaling niyang asawa ay dumidiretso yun dito sa bahay at sumasabay na saming pumasok lagi .Himala at wala pa siya hanggang ngayon eh anong oras na.
"Hmmm antayin nalang natin ,baka inutus utusan nanaman ni Zion yun"
"Sabagay .Loko talaga yung lalaking yun,ginagawang alila si Athena dina naawa psh. " sambit ko
"Dapat kasi ,umpisa palang tumutol na si Athena sa kasalang yun eh"
"Pero hindi naman niya alam na si Zion ang pakakasalan niya eh Hays,naawa talaga ako sakanya .She deserves to be happy pero mas pinili niyang magpaka martir sa lalaking yun." Inis kong sabi
"Sus ,samantalang dati botong boto ka sakanya at naiinggit pa dahil napaka gwapo ng pakakasalan niya hahaha"
"Tsk dati lang yun hindi ko naman alam na ganyan pala talaga ang ugali niya napaka salbahe psh. Buti pa si Clark magkaibang magkaiba sila ng ugali."
"Oo nga eh. Pero teka nga? Hindi natin siya nakita nung kasal ni Athena ah" agad naman akong napatingin sakanya
"Oo nga no? Mga relatives nila ang lahat ng nanduon pero wala akong nakitang presensiya ni Clark. Itanong nalang natin sakanya mamaya." Tumango naman si Cass
"Antagal naman niy---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa pagtunog ng Cellphone ko
Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag at si Athena yun kaya sinagot ko agad.
"Hello?Asan kana?"
"Sorry,ngayon lang ako nakatawag ah. Nauna na kasi ako dito sa School "
"Ha?Iniwan mo kami?"
"Hindi naman ,biglaan lang kasi .S-si ano kasi..."
"Sino?" takang tanong ko narinig ko naman siyang tumawa ng mahinhin na parang kinikilig
"Si Z-zion kasi ..Haha inaya akong sumabay sakanya."
Halos lumabas na ang eyeballs ko sa mata dahil sa narinig ko
"T-totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ko
"Oo nga, ako nga nagulat din pero grabe talaga ang saya ko" masayang sabi nito
"Wag masyado ,oh siya kwento mo nalang samin mamaya .Alis na kami ha bbye.."
"Sige ,nasa room nako ngayon" sabi nito at binaba na niya
****
"Ano daw sabi?" Tanong naman ni Cass
"Nauna na raw." Sagot ko at dumiretso na sa labas ng bahay
"Ha?bakit?"
"Kapag sinabi ko ,hindi ka maniniwala"
"Ano nga kasi?" Pangungulit nito kaya sinabi ko sakanya at katulad ng reaksiyon ko kanina .
Gulat ..
Sino ba naman kasing hindi magugulat ko yung Zion na yun eh niyayang sumabay sakanya si Athena? Aba, dati nga hindi nanga niya maisabay sabay si Athena eh nakukuha niya pang talsikan ng putik dahil sa sadya niyang pagpapabilis ng sasakyan . Tapos ngayon isasabay niya? Kung may sakit man yun ,hindi niya padin magawang isabay si Athena.
"Ano naman kayang pumasok sa utak ng lalaking yun? Psh. "
"Basta wag niya lang talagang paiiyakin ulit si Athena tsk. Tara na nga ikukwento nalang daw satin ni Athena"
"Di ako interesado kung yung lalaking yun ang pinag uusapan." walang ganang sabi niya at nauna ng lumabas kaya napailing nalang ako
Hindi ko siya masisisi kasi pati din naman ako ay galit sa Zion na yan. Well dati talaga gustong gusto ko siya para kay Athena kasi ang gwapo pero hindi ko naman alam na ganyan pala talaga ang ugali niya. Ayan namang si Cass dati pang ayaw si Zion para kay Athena pero hindi naman niya pwedeng pigilan dahil alam niyang gusto ni Athena si Zion hays.
*SCHOOL*
"Kyaaaaah ,ang saya ko talagaaa!" Pagtitili ni Athena dahil sa kakakwento niya. Ngayon lang nanaman siya kinilig ng ganyan at sobrang saya .
"Nako sana lang talaga at hindi mamaasa yan ,puputulin ko talaga yung kwan ng lalaking yun!" Pagbabanta ko agad naman akong binatukan ni Cassandra
"Ambastos mo talaga. Athena basta kapag may problema ka andito lang kami okay? " tumango naman si Athena at ngumiti kaya napangiti naman kaming dalawa ni Cass " Mag review na nga lang tayo ,baka ma zero pa tayo sa Physical science na yan mamaya eh psh. " dagdag ni Cass
"Speaking of Physical Science, nakakainis talaga yang teacher natin dun tsk. Bigla bigla nalang bubunot sa mga index card natin tapos magtatanong ng kung ano ano kahit hindi pa natin alam yung lesson at hindi niya pa tinuturo -_-" reklamo ko
"Naka isang 75 na nga ako sa Recitation eh ,bumabawi lang ako sa Quizes tsk" sabi naman ni Cass
"Ireklamo kaya natin?" Suhestiyon ko
"Baliw kaba? Irereklamo mo eh ang liit liit na bagay. Sige magreklamo ka tignan natin kung ano mapapala mo" masungit na sabi ni Cassandra
"Eh nakakainis kasi eh .Buong klase niya salubong lagi ang kilay ko " natawa naman si Athena
"Nakikita pa nga kitang nag mi-make face sakanya tuwing nagkaklase siya hahaha buti hindi ka napapansin."
"N-nakikita mo yun?" Gulat kong tanong
"Hmm." Pag sang ayon niya at tumango
Hindi ko kasi talaga mapigilan ang inis ko eh psh.
"Wag ka na nga kasing dumaldal diyan at mag reviewka nalang tapos sa Quizes ka nalang bumawi." sabi ni Cassandra
"Whatever tsk."
Hindi nalang ulit ako nag salita at nag umpisa nalang mag review para kahit papano eh may makuha naman ang sa subject na yun.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)
Novela JuvenilAthena Reyes is a 17 years old and a Senior High School student .She is just a simple girl, living in a peaceful life. Walang ibang hinangad kundi ang maging maayos ang kanyang pamilya at mabuhay ng tahimik sa kabila ng pagiging mayaman nila. Pero a...