Athena's Point Of ViewMonday na monday ay busy'ng busy na ang karamihan sa mga Students ng Thompson University simula nung i-announce nung friday ang gaganaping Intrams except kami dahil wala naman kaming gagawin eh ,manonood lang at kakain sa Intrams Hahaha. 1 week nalang din kasi ang aantayin namin at gaganapin na ang Intramurals 2018 kaya excited na kaming lahat.
"Grabe nakakahilo na tong mga estudyanteng to ,hindi man lang mapakali sa isang tabi .Ka-stress!" Reklamo ni Jessica sa mga estudyanteng paulit ulit na naglalakad sa harap namin dahil inaayos ang Basketball court .Nasa isang bench kasi kami malapit sa Gym nakatambay dahil vacant namin pati kasi teachers ay medyo busy na din.
"Ikaw naman nag aya saming magpunta dito eh ,baka naman kasi namimiss mo na si Clark!" Sambit ni Cassandra kaya naman natawa ako agad at nagsimulang asarin siya.
Nakakamiss din kasi yung lalaking yun eh ,wala ng dumadagdag sa ingay nitong babaeng to. Kahit kasi nakakairita yung kaingayan at bangayan nila ay nakakamiss din. Hindi na kasi namin nakakasama masyado si Clark dahil busy na sila masyado ,puspusan na ang practice nila dahil lahat ng kalaban nila ay magagaling.
Naaawa nadin ako sa asawa ko dahil sa tuwing uuwi siya ay pagod na pagod ni hindi na nga makakain eh diretso na siyang nagpapahinga sa kwarto niya. Hindi na din niya ako nahahatid sa school parang kanina dahil maaga dapat sila sa practice lalo na siya dahil isa siya sa pag asa ng team Hays.
Gusto kong pumasok sa loob ng Gym para naman mapanood ko siyang magpractice pero bawal daw kasi busy sa loob at strikto yung coach nila hmmp! Kaya nandito lang kami ngayon sa labas.
"Duhhh! Mas masaya nga kapag wala yung tukmol na yun ,walang kontrabido sa buhay ko -__-"
"Sus ,deny deny pa kahit deep inside mis---" pinutol naman agad ni jess ang sasabihin ni Cass
"Deep inside ,gusto ko na siyang ipalapa sa Pating!"
"Pating raw Hahahaha"
"Tumigil ka nga diyan Athena ,miss mo lang yang yelo mong asawa"
"Syempre naman hihi"
Ilang minuto pa kaming tumambay doon ay napagdesisyunan naming umalis na muna doon at dumiresto na muna sa canteen dahil nagugutom na kami lalo na ako :3
Pagpasok na pagpasok namin ay may narinig akong nakapagpatigil sa aking paglalakad.
"Matt ,galingan mo sa game ah, ikaw pag asa ng team natin ipakita mo sa mayabang na Zion na yun na hindi tayo magpapatalo."
"I know ,but we need to be prepared .Hindi siya madaling kalaban. Hindi siya matatawag na 'King of the court' kung wala lang."
"We trust you Matt as our captain ball . You will definitely win the game."
That name.....Matt yung nagbibigay ng pink envelope sakin na may sulat, naka tatlo na nga siya eh. Pero isa lang ang sinabi niyang tumatak sakin.
'You will finally know me after the game :) Please cheer for me ,Athena :) '
From: Matt Sntlln <3
Yan yung pangatlong letter na natanggap ko kanina. At sure akong basketball ang tinutukoy niya. But the hell , who is this guy?Pinalitan niya na din yung 'youradmirerMatt' at maybe clue na yun sa real name niya. Agad akong napalingon sa mga nag uusap kanina about sa game at nabanggit yung Matt .Alam kong siya yun at alam kong nakita niya ako!
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Playboy Husband(On-Going)
Teen FictionAthena Reyes is a 17 years old and a Senior High School student .She is just a simple girl, living in a peaceful life. Walang ibang hinangad kundi ang maging maayos ang kanyang pamilya at mabuhay ng tahimik sa kabila ng pagiging mayaman nila. Pero a...