Cindy (p.o.v)
Isa akong multo.
Marami ang takot samin eh nang hihingi lang naman kami ng tulong siguro yung iba masama pero hindi lahat.
Hindi ko maalala kung pano ako namatay , hindi ko rin maalala kung anong apilido ko basta ang alam ko lang Cindy ang pangalan ko wala akong maalala kahit ano sa buhay ko
Nandito ako ngayon sa isang school hindi ako nanggugulo ha pinapanuod ko lang sila
Mukang masaya mabuhay gusto ko ulit mabuhay , gusto Kong maging katulad nila
Nakaupo ako sa isang bench dito sa may gym pinpanood ang crush ko hehe
Gusto ko silang mahawakan , gusto ko ng kaibigan
May isang babae na paupo sa inuupuan ko
Madalas akong maupuan kasi nga hindi ako nakikita tsaka tatagos lang naman sila
Agad akong umalis don
Lumabas ako ng school ng biglang may matanda na nagsalita
"Gusto mong maging tao" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya
Teka ako ba kinakausap nya pero teka imposible
"Oo , ikaw ang kinakausap ko" sabi nya at ngumiti
Tinuro ko ang sarili ko para masigurado , tumango naman sya
Oh my god nakikita nya ako , nakikita nya ako
First time may kumausap sakin na tao i mean ng buhay na tao
"Tutulungan kitang maging tao" ngumisi sya hindi nako matatakot dyan mas nakakatakot kasi ako
"Sa ika-sampung araw mula ngayon tumapat ka buwan upang matupad ang iyong kahilingan... Pero may hangganan ito , limang buwan ka lamang magiging tao pag katapos ng limang buwan tapos na ang pagiging tao mo"Tumalikod nalang ako at naglakad na muli . Hindi na ko naniniwala dyan , pag namatay kana hindi ka na pwedeng mabuhay. Tsaka hindi ba sya natatakot na baka isipin ng mga tao na baliw sya??
Ano kaya ang apilido ko tsaka pano ako namatay at ano ang buhay ko noong hindi pa ako patay
Huminto ako sa isang malaking bahay . Hmm kanino kaya tong bahay?
Pinasok ko na ang bahay diba walang kahirap hirap kaso wala ka naman mahahawakan
Maya maya bumukas ang gate
Teka kilala ko to ah sino nga ba yun?
After ng ilang minutong pagiisip ay naalala ko din , sya si Dave Keaton
Oh diba naalala ko pa isa kasi sya don sa varsity team
Ang alam ko sa kanya sya ang MVP tapos hearth-throb din sya , galing galing ko talaga!!!!
Kanya pala tong bahay dito nalang rin ako titira tutal hindi naman nya ako nakikita , siguro nga nararamdaman nya ako nakikita rin kami sa picture minsan
Uy teka wala ako nung may mga dugo sa katawan ha malinis ako
Ewan ko ba kung bakit natatakot samin yung mga buhay hindi ba sila matutuwa na nakakakita sila ng kaluluwa tsk.
Nakita kong papunta sya sa isang kwarto kaya sinundan ko
Kaya pala kwarto nya pala tong napasukan ko
Nilibot ko ang paningin ko . Uy!!may sarili syang banyo galing . lumapit naman si Dave sa isang closet at may kinuha dun
Ilang minuto ang lumipas ng tumayo sya , may dala na syang damit at dumiretso sa banyo hindi ko na sya sinundan , malamang hindi ko sya susundan naliligo sya eh!!!
Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas sya sa banyo
Napansin ko wala palang ibang tao dito bukod sa kanya , kawawa naman pala sya mag-isa lang pala sya sa bahay nya ang laki-laki pa naman
Buti nalang ako hindi nag-iisa sa pagiging multo wahahahahah
Narinig ko ang buntong hininga nya at nag suot ng jacket at lumabas ng kwarto ano pang gagawin ko edi sumunod
Dave (p.o.v)
Kanina pa ako nilalamig ah
Naglalakad-lakad ako ng makasalubong ko si Kevin best friend ko
"Uy , bat balot na balot ka ang init-init" sabi nya kaya nagtaka ako , hindi ba sya nilalamig
Nilagpasan ko nalang sya at pumunta ng grocery , mamimili nalang ako
Wala akong kasama sa bahay kahit katulong wala ako lang mag-isa pero si daddy ang nag babayad ng kuryente tubig at iba pa
Pero..... Wala naman akong kasama at lagi ko lang kinakain ay delata o kaya naman noodles
Mayaman nga ako pero hindi ako nakakatikim ng pangmayaman na pag Kain kasi hindi ako marunong magluto
Kahit nandyan ang daddy ko parang wala naman sya , patay narin naman ang mommy ko kaya wala na talaga akong kasama
Matapos Kong bumili dumiretso ako sa counter
Maya-maya may kumalabit sakin
"Kuya ahm may sumusunod sayo" sabi ng babaeng nasa likod ko
Tiningnan ko ang paligid ko pero wala namang tao. kumunot ang noo ko ng makita na wala namang sumusunod sakin
Tumingin ako sa babae "Isang multo ang sumusunod sayo , wag kang mag-alala mabait naman eh" sabi nya at ngumisi at nilagpasan ako
Natulala ako , kaya ba kanina pa ako nilalamig teka hindi na dapat ako natatakot mabait naman daw
Hinde hinde hinde , hindi yun totoo nilalamig lang talaga ako
Tama hindi yun totoo baka maluwag lang ang turnilyo nung babae
"Uy!!! Ikaw na bilisan mo at madami ang nakapila!!!!" sabi naman sakin ng isang lalakeng kasing edad ko lang
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala