Dave's P.o.v
Nandito lang ako sa kwarto ko at iniisip kung anong yung naramdaman ko kahapon
Flashback :
Hinila ko na paalis si Cindy.
Habang na'sa sasakyan ay naguusap kami
“Nakita mo ba yung muka nya. Epic!!! Wahahahahahahahahahahahahah”
“Oo nga eh. Lintek ang muka. Wahahahahahahahahahahahahah”
Sige lang kami sa pagtawa ng napatitig ako sa kanya. Bakit sya lang ang nakikita ko? Bakit parang ang ganda ganda nya?
*dug dug *dug dug *dug dug*
Napatingin sa harap si Cindy at nanlaki ang mata.
“Dave!! May bata!!” nabalik lang ako sa huwisyo ng sumigaw sya.
Nakalimutan kong nandito kami sa kalsada. Mabuti na lang at napreno ko agad ang sasakyan ko.
Bumaba kami ng kotse at tiningnan yung bata.
“Ayos ka lang ba??” nakatitig naman sa kanya ang bata, dahil siguro nakagown sya.
Siguro na'sa 5 years old lang toh “Princess ka pu ba ate??” dumako naman ang tingin nya sakin “Ikaw pu ba ang prince charming ni ate ganda?? Bagay po kayo, ikukwento ko na nakakita ako ng totoong princess and Prince”
“Ah bata, una sa lahat hindi kami bagay ta----” binatukan ko naman si Cindy dahil sa kagaguhan nya.
End of flashback
Napabuntong hininga nalang ako. Ang gago nya.
Maya-maya may kumatok. “Dave!! Kelan tayo mamamasyal”
“Bukas na!!” para kasi syang timang, nung nakaraan pa nya tinatanong yan.
“Gusto ko pumunta sa play ground” masayang sabi nya.
“Don lang?? Ilang beses mo kong kinulit tapos don lang?? Aba cindy”
Nag-pout sya, ang cute “Hindi lang naman doon ko gustong pumunta!!”
“Saan pa!!” iritang sigaw ko.
“Sa orphanage!! Gusto ko makita at mapasaya ang mga bata don. Kahit wala na silang magulang, kaya mamimili muna tayo ng laruan at magluluto ng pagkain!!” natigilan ako sa sinabi nya.
Ang akala ko, gusto nyang pumunta sa kung saan saan. “Bakit mo naman naisipang pumunta sa orphanage?”
“Kasi.... Nakita ko sa t.v na maraming bata ang inabandona ng magulang nila, at karamihan sa kanila nalulungkot. Naaawa ako sa kanila” masayang sabi nya.
Napangiti ako at ginulo ang buhok nya kaya napa-pout sya. “Sige.” lumiwanag naman ang muka nya.
“Yehey, your the best bestfriend!” tumakbo na sya sa pababa.
Naaawa sya?? Napakabait naman nya.
***
“Kyaaaaaaaaaaa!!! Exo. D.o, sehun, xiumin, kyaaaaa, baekyhun!!!! We got that powe----”
“Ano ba yan!!! Napaka-ingay mo!!! Pupunta na lang tayong mall kaylangan mo pang manuod nyan!!!”
“Lalake ka kasi kaya hindi mo ko naiintindihan!!”
“Malamang. At kayong mga babae nakakairita, gusto nyo under sa inyo ang mga boyfriend nyo!! Atsaka, minsan pinapasa nyo ang Gawain nyo sa mga lalake!!!”
“hmp! Mas nakakabwisit kayong mga lalake!!! Yung iba sa inyo manloloko!!! Gago na nga wala pang silbe!! Tapos gusto nyo nasusunod kayo!!!”
“Bakit mo nilalahat?”
“Eh mas tanga ka pala sakin eh!! Hindi mo ba naintindihan yung sinabi Kong iba. O baka naman gusto mo pang i-spell ko sayo yon?”
Uminit naman ang ulo ko. “Shut up!! Mas tanga ka kaya. Dinamay mo pa ako! Tsaka alam ko ang spell ng iba!!” sigaw ko.
“Ows talaga?? Sige nga i-spell mo nga”
“I-B-A!! IBA!!!” inis na sigaw ko. Maya-maya bigla syang tumawa na parang baliw. “Hoy, nabaliw ka na ba??” nag salubong naman ang kilay nya.
“Engot! Nakakatawa ka lang kasi” akala ko na-baliw na sya ng tuluyan eh.
Alam nyo ba kung saan sya nanonood? Sa cellphone ko lang naman.
Ow, I forgot to say na nagda-drive ako papuntang mall para lang bumili ng laruan. Ang panget naman ng sentence ko! English tapos magkakaroon ng Tagalog.
“Oh! Nandito na tayo!!” natigilan ako ng maisip ko na wala pala syang pera pangbili. “Oy, pano ka bibile eh, wala ka namang pera?”
“Huh? May sinabi ba akong ako ang magbabayad? Wala naman ah” anak ng tilapya!!
Kung ganon ako pala ang magbabayad ng lahat?? What the heck!! Ang baliw talaga ng babaeng to!
***
“Yan na lang ba?” tanong ko habang nakatingin sa mga paper bags na puro laruan ang laman.
“Nah, hindi pa natin mabibigyan ang kalahate ng nasa orphanage” sabi nya habang naniningen.
“Tss, hindi naman natin bibigyan ang mga Madre”
“Tanga! Orphanage yon malamang maraming bata!!! Isip isip din kase!!” bigla syang pumasok sa isang toy store.
Kung ano anong kinuha nya. May Barbie, robot, Teddy bear, at kung ano ano pa.
Pumunta din sya ng book store at bumili ng mga pambatang libro. Ang bait nya.....hindi sya katulad ng iba na iniisip lang ang sarili.
Cindy POV
Yaw! Ang siraulo ng kasama ko!
“Yan na lahat!!” sabi ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis tamis. “Bayaran mo na”
“Wow ha, ang galing mo ren e no?” tumango na lang ako. Tatanggi pa ba ako eh sinabihan na nga akong magaling. Hihi.
Magkasalubong ang kilay na naglakad sya sa counter. Ang bait naman yata ng lalaking yon. Kaso nga lang tanga.
May narinig ako sa kalye na: aanhin ang kagwapuhan/kagandahan kung wala ka namang utak. Diba lahat ng tao may utak, yun pala ang meaning ng walang utak ay tanga o kaya naman bobo.
Ang galing galing mag-imbento ng mga tao ng kung ano anong kabalastugan ano.
“Tara na, gagabihin tayo kapag hindi pa tayo umalis.”
“K”
Dave POV
Pagkadating namin sa orphanage, bumungad sa'min ang mga bata. Ang iba nag-lalaro. Merong mukang malungkot. Merong nagbabasa ng libro.
Fast forward
Napatingin ako sa tulog na tulog na si Cindy. Pagod na pagod siguro to. Maging ako din naman napagod.
“Hmm, Dave nakauwi na ba tayo” nakapikit at halatang bagong gising na sabi nya.
“Malapit na”
“Hehe, balik tayo don ha?”
“Oo” napatingin ako sa kanya sabay bulong ng....“Tinamaan na nga ako”
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala