Cindy's (P.o.v)
*Dream*
Ang daming umiiyak. Merong dalawang batang lalaki. Merong hindi katandaang lalaki na gwapo. Merong kasing edad lang ng gwapong lalaki na magandang babae
Nakakakita ako sa morge ng bangkay. Hindi ko matukoy kung babae ba Ito o lalaki
“Gu-gusto k-ko syang ma-makita” mugto na ang mga mata nila kakaiyak. Parang pamilyar sakin ang mga muka nila
Lumapit sila sa bangkay at unti-unti nilang tinanggal ang nakatakip na puting tela dito
Mas lalong lumakas ang iyakan sa paligid. Lumapit ako sa kanila para makita ang bangkay
Nagulat ako sa nakita ko. Nakatingin ako sa isang babae. Im looking at my ......
......self
Ako ang babaeng iniiyakan nila. Ako toh at wala ng iba
Napatakip ako ng bibig mga bes dahil sa gulat
“Cindy”
Nagpalinga linga ako para hanapin kung sino ang tumatawag sakin
“CINDY!!!!”
End of dream
“CINDY!!!!!”
“Ay palakang kabayo!!”
o_o
-_-
“Kanina pa kita tinatawag tapos makita kita ko Matutulog ka pa. Alam mo ba kung anong oras na!!!!”
“Hindi” sagot ko. Alangan namang sabihin Kong oo ehh.. Hindi ko naman talaga alam “Teka nga??? Galit ka ba???”
“Hindi, hindi ako galit. Natutuwa pa nga ako ehh!!!!” sigaw nya
Ngumiti naman ako. Hindi naman pala sya galit ehh, hahahahaha
“Maglinis ka na. Aalis muna ako”
Nag pout naman ako. Sabi nya kasi mamamasyal kami “Sabi mo mamamasyal tayo!??”
“Hindi ko namang sinabing ngayon!!! Napaka shunga mo!!!”
Arouch mga bes. Pero sabagay same lang naman kami heheheAgad akong tumayo at pumunta sa mumunti Kong cabinet wehehe
Alam nyo ba kung pano ako nagkadamit. Jusko Napakadali ng sagot, binili nya ako sa ukay ukay. Mura daw kasi don. Ang damidami nyang pera tapos ukay ukay lang!!!??? Yan ang ikinaiinis ko pa, pwede namang sa mall di'ba??
Agad akong naligo malamang sa banyo alanganamang sa harap nya di'ba
Pagkatapos ano pabang gagawin ko?? Edi ang maglinis ng napaka laki nyang bahay
Kinakawawa nya talaga ako!!! Waaaahhhhhh ang sama sama nya mga bes!!
May sasabihin akong sekreto ko at ni Dave...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang panget nya at ako maganda!!!! :))Kala nyo na naman kung ano noh!! Wahahahahahahahahahahahahah
Pero joke lang pogi syaMaya-maya may nag doorbell ng doorbell na nag be-bell kapag pinindot ang doorbell Para malaman kung may tao na pumindot ng doorbell kaylangan syang labasin ng nasa loob ng bahay!!!
Ano?? gets nyo??
So.... By the way binuksan ko ang gate at tumambad sakin si bespren, sino pa ba edi si Kevin
Sino pa'ba tatawagin Kong bespren si Kevin lang naman ahh
“Bespren!!” tinaas ko ang kamay ko para makipag apir sa kanya
“Excuse me, do i know you??” takang tanong nya. Hala!! Ilang araw lang ang nakalipas nakalimutan nya na agad ako??
“Ako toh, yung kausap ni Dave nung party ni Elene!!! Sandali nga.. Kahapon si Elene tapos ngayon ikaw”
“Ahh ikaw pala yun. Bakit ka nandito tsaka anong bespren??”
“Ay!! Ang sama din ng ugali mo noh!! Parehas kayo ni Dave tsaka kaya ako nandito ay....” ngumiti muna ako ng malapad sa kanya “.....ginawa nya akong katulong kapalit ng pagtira ko dito!! Tulungan mo naman akong makaalis dito kasi ehhh....pinapahirapan nya ako” may paiyak effect pa ako nyan ha
“Hahahaha, nakakatawa ka. Hindi naman masama si Dave ehh. Talagang iniinis ka lang nya. Wala kasi syang kasama lagi kaya hindi sya sanay. Babalik na lang ako kapag nanadyan na sya, sige ba-bye” nag wave lang ako ng kamay tsaka pumasok sa loob
Ang FC naman nya. Parang ako hindi noh yahahahah
Dave's (P.o.v)
Nandito ako sa parking lot at inaantay ang daddy ni Cindy. Ayaw kasi akong papasukin sa loob eh
Nang makita ko sya agad ko syang nilapitan “Mr. Morforri” napalingon naman sya sakin
“May gusto lang sana akong itanong”
“Wala akong oras” papasok na sana sya sa kotse nya ng magsalita ako
“Tungkol po sa anak nyong si Cindy. Alam ko pong pupuntahan nyo sya sa garden of peace sementery” sabi ko
“Anong bang kaylangan mo?? Pera??”
“Hindi ko Kaylangan ng pera dahil marami ako non, ang kaylangan ko impormasyon sa inyong anak” napabuntong hininga nalang sya
“Sige sumunod ka sakin” sumakay na sya sa kotse nya kaya sumakay na rin ako sa kotse ko
Few hours later
Nang makarating kami sa sementeryo agad Kong pinark ang kotse ko sa tabi ng kotse ni Mr. Morforri
Naglakad sya sa isang sulok kaya sinundan ko sya
Nandito na ko ngayon, sa harap mismo ng pinaglibingan ni Cindy
Umupo sya sa damo kaya umupo din ako
“Ano bang itatanong mo??”
“Ano pong ikinamatay nya?” yun ang una Kong tanong kahit alam ko na
“Leukemia. Hindi nya sinabi samin kahit napapansin na nya iyon. Isang acute na type ng leukemia ang dumali sa kanya” isang butil ng luha ang tumulo galing sa kanyang mga mata “Napakabait na bata nya, kung pwede nga lang na ako ang nagkasakit ehh. Masayahin at makulit, yan ang katangian nya. Nung malaman namin ang sakit nya ay huli na ang lahat. Stage 4 na ang sakit nya. December 24 2014, nag flot line sya pero nagawan ng paraan. Bago yon. Namayat sya na halos bakat na ang buto nya. Nalagas din ang kanyang buhok, mas naaawa ako sa kanya pag kikukuhanan sya ng dugo sa bone marrow para i-test. Hindi ko sya kayang tingnan. Kahit nasa labas lang ako, rinig na rinig ko naman ang sigaw nya. Alam Kong hirap na hirap na sya. December 25 2014, at 2:30 PM nawala na sya” tuloy tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha habang nakatingin sa lapida ni cindy “Eksaktong pasko sya namatay. Sinisi ko ang sarili ko dahil napabayaan ko sya. Nag sisisi ako na hindi ko nasabi sa kanya na mahal na mahal ko sya!!” biglang may tumulo na luha sa mga mata ko. Pero buhay sya....
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala