A/N :
Hi guys. Gusto ko lang sabihin na thank you sa lahat ng nagtyatyaga sa walang kwentang story na to.
Actually, parang fantasy na rin sya pero nilagay ko parin sya sa teenfiction kasi nga ewan ko din.
Atttt si Kevin sa multimedia. Kung gusto nyo lang naman syang makita. Siguro naman kilala nyo na yan sa unang tingin pa lang. Kung hindi, si Chen lang naman yan ng exo. Kilala nyo sya kung fan kayo.
Jeomal gamsahamnida!!!🙏
________________________________________________________________________
Dave's POV
Napahilamos ako ng muka ko. Bwiset!!! Umiiyak sya!!!! Umiiyak ang taong mahal ko!!!!
Hindi ko naman alam na mag-aalala sya ng sobra. Kung alam ko lang....
Aish!! Umakyat ako. Kakatokin ko sana si Cindy ng marinig ko ang paghikbi nya. Napabuntong hininga ako tsaka kumatok.
“Cindy...buksan mo to oh. Nakikiusap ako. Makinig ka naman sa'kin. Mag-usap naman tayo”
“Umalis ka nga dyan!!! Ayaw kitang makita!!!”
“Bakit ka ba umiiyak?”
“H-hindi ko ala-alam!!”
Napabuntong hininga uli ako at unti-unting binuksan ang pinto. Nakita ko syang nakaakap sa tuhod nya, ang muka nya naman ay nakasubsob sa muka nya.
“Cindy...”
“Ayaw kitang makita. Hindi ka nag-iisip!!!”
“Sorry na...”
Umupo ako sa tabi nya tsaka tumingin sa kanya. Iniangat naman nya ang ulo nya tsaka tumingin sakin. Basang basa ang muka nya.
“I forgive you”
“English yon ah!!” hinampas naman nya ako sa balikat.
“Grabe ka sakin ha!! Pero, bat ka ba naglasing. Sixteen ka pa lang naglalasing ka'na!!!” sabi nya. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya “Bakit ba??”
“Tinawagan ako ni daddy kanina”
“Edi ok”
“Hindi OK yon. Tinawagan nya ako para sabihing pagtung-tong ko ng eighteen ay magpapakasal ako sa babaeng hindi ko naman kilala at hindi ko naman mahal. Hindi ako pumayag pero ang sabi nya, hindi na nya daw ako ituturing na anak kung hindi ko sya susundin. Anak nya ako at hindi pambayad ng utang. Atsaka may babae akong mahal, mahal na mahal”
“Lumalablayp ka na pala Dave, huh!” tinusok tusok pa nya ang tagiliran ko. “Sino yang malas na babaeng nagustuhan mo. Sabihin mo na, sige na Dave parang hindi naman tayo magkaibigan!”
“Anong malas ka dyan!! Hindi mo pa dapat malaman” sabi ko tsaka tumayo.
Napanguso naman sya “Malihim ka pala!!” natawa naman ako.
“Bakit ikaw hindi!!?”
“Kelan ako naglihim!!” tumayo din sya pumamewang.
“Tinago mo na multo ka!!” sabi ko habang nakaturo sa kanya.
“Syempre matatakot ka!! Tsaka napakatanga mo naman. Tatlong subject ang bagsak mo!!”
“For your info. Dalawang subject lang ang bagsak ko!! Grabe ka naman makatanga!!”
“Tss”
“Ano wala ka Nang masagot kasi wala ka Nang naiisip”
“Gago!!!” napasimangot ako. Grabe Magmura ang babaeng to ah.
Pinitik ko naman ang labi nya sabay sabing “Ayokong naririnig na nagmumura ka, maliwanag??”
“Yes sir!!” sabi nya sabay salute.
Ginulo ko naman ang buhok nya.
“Tara labas tayo. Ang boring dito eh”[Fast forward]
Nandito kami ngayon sa play ground, nakaupo lang kami sa swing.
“Dave sa tingin mo? Makulit kaya ang mga kapatid ko?” napatingin naman ako sa kanya. Ang boses nya.... Malungkot ang boses nya.
“Haaayyy, bat ba natin pag-uusapan yan. Hindi ba pwedeng yung masayang kwento na lang?” ng tingnan ko sya nakatingin sya sa langit kaya napatingin din ako. Ang dami palang star.
“Gusto kong makaalala. Gusto ko silang maalala. Kahit sila na lang” sabi nya habang nakatingin pa rin sa langit.
Napangiti ako ng mapait. Imposible.... Imposible syang makaalala pa dahil namatay na sya.
“Ano Dave? Ano sa tingin mo ang ugali nila?”
May dinukot ako sa bulsa ko. May picture kasi ako ng mga kapatid ni Cindy, hiningi ko sa daddy nya.
“Umh. Si cylex, makulit” tinuro mo ang isang lalaki na grade six student na. Halatang halata na magkapatid sila dahil magkamuka sila. “Si Clyde naman ay seryoso” sabi ko at tinuro ang hindi nya masyadong kamuka at second year na sa high school.
“Wow naman, ang ga-gwapo naman nila” sabi nya. Napatingin ako sa kanya. Halata ang pagkasabik nya pero ang mga mata nya naman ay malungkot. Dahil siguro sa katotohanang hindi na nya pwedeng makasama ang pamilya nya.
“Haayy, ang drama naman. Tumigil ka na nga!!” sabi ko sabay kuha ng litrato. Hindi sya umangal.
“Dave sa tingin mo masaya sila ngayon??” nakatingin na naman sya sa langit.
“Oo, pero mas masaya sila kapag kasama ka” sabi ko habang nakatingin sa kanya.
“Pano mo naman nasabi”
“Dahil anak ka nila! Kung na mi-miss mo sila na mi-miss ka rin nila”
“Alam mo ba nung multo pa lang ako, favorite kong pagmasdan yang langit kapag maraming stars. Iniimagine ko na kasama ko ang pamilya ko habang nakatingin sa langit” napabuntong hininga nalang ako. “Ang wish ko non ay pagkasapit ng umaga magiging tao uli ako. May kaibigan... Nag-aaral... Masaya... Kasama ang pamilya nila. Yung normal lang. Pero Malabo ng mangyari yon” nakita ko ang pag-agos ng masasaganang luha mula sa mga mata nya. Nanatili lang syang nakatingin sa langit at hindi pinansin ang mga luha na tumutulo sa mga mata nya.
“Nandito pa naman ako.”
“Mawawala ka din sa tabi ko. Pagkatapos ng apat na buwan babalik ako sa pagiging multo at babalik ka na sa dati. Yung hindi mo pa ako nakikilala. Kakalimutan mo din ako pagkatapos non.” nakita ko ang pagngiti nya ng mapait. Tumingin sya sakin habang umiiyak at nakangiti. “Ipangako mo... Ipangako mo na hindi mo ako kakalimutan”
“Hindi ka mawawala, hindi ko hahayaan. Hahanap tayo ng paraan” sabi ko.
Umiling na lang sya “Wala ng paraan” sabi nya.
“Lahat ng bagay may paraan” sabi ko at tumayo sa harapan nya. “Ayoko nang maging mag-isa. Nakakapagod maging mag-isa. Ngayon hindi ko hahayaan na mawala ka sakin.... Cindy”
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala