Special chapter : 1

17 4 0
                                    

Yiiiiiieeeeeehhhhhh!!!!! May 1 ibig sabihin may 2 ang special chapter. Kyaaaahhh.

Pagkatapos ng special chapter ay may author's note ako. At basahin nyo yon.

________________________________________________________________________

Cindy's POV

Thank God nakabalik ako. Sa totoo lang nabigla rin ako non eh...

Flashback :

Habang sinusulat ko ang letter pa ra kay Dave ay di ko maiwasang maiyak. Kahit na pinapatakan na ang papel na sinusulatan ko wala akong pake.

Pagkatapos kong gawin ang sulat agad ko iyong itiniklop at nilagay sa side table nya.

Tinitigan ko ang gwapo nyang muka. Mamimiss ko to. Ang ngiti nya, ang tawa nya, ang yakap nya, mamimiss ko lahat ng  sa kanya.

“Dave....” walang hiya!! Ang sakit! Ang sakit isiping iiwan mo ang taong mahalaga at mahal mo. “Mahal na mahal kita..... Oy, walang kalimutan huh?? Pag ako kinalimutan mo nako Dave Keaton, ewan ko lang kung anong mangyayari.” sinubukan Kong tumawa ng totoo. Pero hindi ko magawa.

Hinaplos ko ang muka nya. Sana makabalik ako.... Sana makita ko uli sya.....

Nagulat ako ng malaglag sa kama nya ang singsing na suot ko, yung sing sing na regalo nya. Nalaglag din ang hawak kong ballpen. Bumalik ang suot ko ng multo palang ako. Bumalik na ako sa pagiging multo.

Nagulat ako ng may makita akong liwanag sa dulo ng kama ni Dave. Sa sobrang liwanag ay napapikit ako. Ng makapag-adjust na ang mata ko tsaka ako unti unting dumilat.

May nakita akong........ Isang....... Isang...... Isang anghel?? Eh??

“Tayo na, oras na ng paglisan mo sa mundong ito.”

“Pero.....”

“Kaylangan mo nang magpahinga. Sasaya din sya, wag ka nang mag-alala.” napatingin ako kay Dave na mahimbing na natutulog.

“P-pwede po ba akong makabalik?”

“Hindi ko alam iha. Nasasayo ang sagot sa tanong na yan.”

“Huh??”

“Kaylangan na nating umalis.”

“Pero ang matanda....” naguguluhan na ako. Kung hindi ko nakita ang matandang yon, hindi sana ako mahihirapan ng ganito. Pero... Kung hindi ko din sya nakita, hindi ko makikilala si Dave...

“Kagaya mo, isa din syang kaluluwa na naging tao uli.”

“Pero bakit ako..... Bakit ako mawawala?? Mahal naman namin ang isa't isa!!”

“Sabihin na lang natin na isa itong pagsubok sa inyong dalawa. Ang sumuko, talo.” naguluhan naman ako sa sinabi nya.

“Kaylangan na nating umalis. Tara na.” lumakad ako papunta sa liwanag. Pero bago ako pumasok don, tiningnan ko muna si Dave.

Dave..... Paalam....

End of flashback.

Hays, at gusto nyo rin ba na malaman ang estorya kung bakit ako nakabalik?? Geh.

Flashback :

Pinagmamasdan ko lang si Dave na kinakausap ang lapida ko.  Natatawa nga ako sa kanya eh.... Pero namimiss ko na rin sya. Isang taon na pero ang sakit sakit parin.

“Namimiss mo na sya.”

Tanging tango lang ang nasagot ko sa kapwa kaluluwa ko. Nasa isa nga akong paraiso pero may kulang parin.....

Biglang may lumapit saking anghel sabay sabing. “You deserve to live...” hinawakan nya naman ang ulo ko. Biglang nagliwanag ang kamay nya kaya napapikit ako.

Dinilat ko ang mata ko. Pero nakahiga na ako sa kama, kisame... May kisame! Tiningnan ko ang paligid. Nasa kwarto ko ako!!

Hinawakan ko ang muka ko. B-buhay ako.... Buhay ako!!! Napatingin ako sa wall clock. Napangiti ako ng makita na 4:34 na. Pauwi na sya.

Agad akong pumuntang kusina at binuksan ang gripo. Hindi sya naghuhugas.

Narinig ko naman ang pagbukas ng ilaw.

Maya-maya may narinig akong yabag ng paa.

Pinigilan ko ang matawa sa reaksyon nya.

“Dave!!!”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Cindy...”

End of flashback.

“Penny for your thoughts.” nabigla ako ng may yumakap sakin mula sa likod.

“Hays Dave, ayokong magkahiwalay tayo.” at alam nyo ba, magpapakasal kami. Kaso dun sa lugar na hindi kilala ang pamilya ko at alam nyo na kung bakit.

Niyakap ko sya ng mahigpit. “Asus!! Naglalambing ang baby ko.” pinalo ko naman sya. At isa pa, alam na nila Sandra ang lahat. As in lahat, hindi nga maipinta ang muka nila non kaya natawa ako ng sobra. Pero ok na daw sa kanila yon.

“Hindi ako baby, Dave.” sabi ko. “Tsaka hindi ako naglalambing.”

“Hahaha, Tara kila Sandra. Nandon si kev eh, Tara na.” tumango nalang ako bilang sagot.

The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon