Dave's POV
Napatingin ako kay Cindy na ngayon ay nasa tabi ko. Gusto nya daw kasi akong katabi matulog eh.
OK lang naman sakin kase gusto ko rin naman yon. Ang cute nga nya nakakabanas!!
“Hmm, Dave bat hindi ka pa natutulog??” sabi nya. Kinusot naman nya ang mga mata nya at tumingin sa wall clock. “12:43 na oh...”
“Ok lang.... Nandito ka naman eh..” sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis tamis..
“Siraulo!! Matulog ka na!!” galit na sabi nya. Wala akong magagawa mahal ko eh.
“Yes boss!!”
KINABUKASAN
Hmm. Sino ba'yon. Kainis sino ba yung nagyuyugyog sakin?? Nakakabwisit sya ah.
“DAVE!!! HINDI KA PA BA BABANGON DYAN!!! MALI-LATE KA NA!!! ANO BA DAVE!!!” kung makasigaw naman ang isang to kala mo sya yung mali-late...
“Cindy 5 minutes pa.. ”
Nakarinig naman ako ng buntong hininga. “Dave 6:30 na at 7 ang pasok mo. Kakain ka pa tapos maliligo.” napabangon naman ako sa sinabi nya.
“BAKIT HINDI MO AGAD AKO GINISING!!!”
“Tsk, gising ako ng gising sayo hindi ka naman nagigising. Kaya sisihin mo ang sarili mo! Pumunta ka na lang ng baba para Kumain huh??” tumango naman ako sa sinabi nya.
Agad akong pumunta sa banyo. First time na sya ang unang nagising at ang mas lalong nakakakilig ay ang pagluluto nya sakin ng umagahan...
Naligo na ako at nagbihis ng uniform tsaka bumaba.
Nakaamoy ako ng... Ng.... Ng ewan!! Basta mabangong pagkain. Na-excite tuloy ako.
“Oh Kumain ka na.”
“Hindi ka ba sasabay??” umiling naman sya tsaka pumasok sa kusina.
Narinig ko naman ang pagbukas ng gripo. Ng matapos akong Kumain agad akong pumunta sa kusina. Naabutan ko syang naghuhugas ng pinggan.
Pinatabi ko sya saka naghugas ng kamay...
“Dave bilis male-late ka na!!!” sigaw nya sakin. Take note nasa gilid ko lang sya non.
“Oo na mommy!!” nakasimangot kung sigaw. Hayyyy, kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng to malamang sa alamang pinalayas ko na to.
*school*
“Ano pre. Nakaamin ka na??”
“Pano makakaamin eh takot mareject. Hahahahaha!!!” sige lang pagtawanan nyo ako yari kayo kay Cindy.
“Hahahahahhahahah!!!!”
“Torpe! Wahahahahahahahahahahahahah”
“Sige lang. Yari kayo sa girlfriend ko!!” napatigil sila sa pagtawa at napatingin sakin.
“Sino!!??” sigaw nilang lahat maliban kay kev. Alam na siguro ng mokong.
“*ehem* sino pa ba!! Edi si Cindy!!!” inis na sabi ko.
At mukang hindi naniwala ang mga mokong. Loko talaga ang mga toh oh. Sinusura ako!!!
“Weh/ows/di nga!!”
“Yeah at nung isang araw lang din naging kami!!” sabi ko tsaka pumasok sa classroom.
Narinig ko naman na sumunod sila at naguunahan pa..
“Kwento!!”
“Wag chismoso ok?? Masama daw ang maging chismoso.” sabi ko sabay yuko.
“Parang di naman tayo magkaibigan oh!!!”
At dahil makulit. Kiniwento ko lahat ng nangyari at alam nyo ba ang reaksyon nila??? Tumawa ang mga mokong..
“Wahahahahahahahahahahahahah!!!! Ang drama nyo naman!!! Pero ang ganda ng kwento nyo ah. Pwede Nang gawing pelikola. Tapos ang gaganap ay si empoy sa scene mo!! Wahahahahahahahahahahahahah” ang gwapo ko naman para maging si empoy.
“Sa gwapo Kong toh?? Si empoy?? Eh wala pa sa kalingkingan ko yon eh!!!” hangin ko ba?? Yaan nyo na minsan lang naman eh...
“*ehem* *ehem* grabe ha. Nasagot ka lang ng oo humangin ka na!!”
“Mga gago kasi kayo!!”
“Ano konek??”
“Tsk shut up!! Isusumbong ko kayo kay Cindy!!” sabi ko dahilan para tumawa ang mga mokong na to!!
“Sige lang pagtawanan nyo ko lagot kayo kay Cindy!!” pero mas lumakas naman ang mga tawanan nila!!!
Cindy's POV
Nandito ako sa kusina. 3:00 na kasi kaya maghahanda lang ako ng makakain namin ni Dave.
Hindi ko alam kung tama pa ba ang disisyon ko na maging kami eh... Baka walang paraan at masaktan ko lang sya.
Nagulat ako ng may yumakap sakin. “Penny for your thoughts.” sabi nitong lalaking nakayakap sakin.
Nakatalikod ako kaya hindi ko sya makita. “Nah, wala lang toh...” humigpit naman ang yakap nya kaya napatingin ako sa kanya. “Anong trip mo??”
“Inaasar kasi nila ako kanina sa school eh. Pinagtatawanan ako kasi ano.... Yung ano..... Ang torpe ko daw.” napangiti naman ako sa kacutan nya. Pano ba naman kasi kinakamot nya pa ang batok nya habang sinasabi yon.
Nahihiya ang mokong....
“At least nakaamin ka di ba?? Hayaan mo na sila. Inggit lang sila.” nilagay ko na yung sandwich sa plato. “Mag palit ka ng damit mo!! Amoy ka pawis. Ang baho mo tsaka baka magkasakit ka!!”
“Uuyy, concern sya!!” OK na sana eh.... Paepal lang sya!!
“Shunga. Sayang kasi yung pera na pinang bili ng gamot tsaka ayaw ko ngang mag-alaga ng isang siraulong gaya mo!!! Anong akala mo sakin maid. Umakyat ka na at baka mapingot pa kita!!”
Nakapout naman syang lumabas ng kusina. Ang kulit ng lalakeng yun. Pero ang pogi....
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala