chapter : 11

13 2 0
                                    

Cindy's POV

Ilang araw na ang lumipas at lunes na ngayon. May napansin akong kakaiba kay Dave Simula ng makarating kami dito.

Para kasi syang abnormal. Paglumalapit ako, aligaga sya, tapos parang iniiwasan nya pa ako.
Siguro may...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sayad na sya sa ulo. Brrr!! Hala!! Baka nga may sayad  na sya sa ulo.

Hala... Ayoko makasama ang lalaking  may sayad sa utak, baka kung anong mangyari sakin. Pero..... Bakit parang normal naman ang kinikilos nya? Baka may problema? Ewan, siguro.

Maya-maya biglang bumukas ang pinto, malamang pinto ang bubukas hindi ang pader. Pwede ba yon??

“Hoy! Ba't ang aga mo? Nag-cutting ka no?”

“Tsk, 3:00 ang uwi namin at 4:33 na. Anong maaga don?” sabi nya sabay talikod. Aakyat na sa'na sya ng magsalita ako.

“Teka nga!! Iniiwasan mo ba ko?”

“H-huh?” anak ng tipaklong. Siguro na-siraan na nga to. Nabinge eh!!

“Ay nabingi. Bakit mo ko iniiwasan?” nagsususpetsyang tanong ko.

“Huh? Hi-hindi na-naman k-kita ini-iniiwasan ah”

“Bat ka nauutal?”

“Aish!! *kamot batok* BASTA!!!” ta mo yon. Sya pa galit ah. May gana pa talaga syang magalit? Concern lang naman ako sa kanya!!! Hmp, bahala sya sa buhay nya. Wala na akong pakialam sa kanya.


Dave's POV

Aish!! Bat ko ba sya iniiwasan?? Tangina lang!! Dahil ba sa..... Aish!! Wag na nga lang nating pagusapan pa. Nakakahiya!! Pero.... Hindi naman nya yon narinig eh, ba't ako mahihiya?

Pero....waaaahhhhhh. Para akong babae nito, nakakahiya talaga. Buti na lang at inaantok sya non at binulong ko lang ang sinabi ko!! Kung hindi waaaahhhhhh!!! Patay na ako.

Kasi eh. Crush lang naman!! Oo tama! Crush lang! Siguro?

Napatingin ako sa wall clock ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na 6:00 PM na!

Agad Kong kinuha ang jacket ko tsaka nagmamadaling lumabas.

Naabutan ko si Cindy na natutulog sa sofa. Ang cute nya naman, inggit ako. Pero syempre joke lang yon, gwapo ko kaya. Bagay kami ni cin---.

Nagulat ako ng makita ko na nakatingin sya sa'kin. “A-anong tini-tinitingin tingin m-mo dyan!”

“Eh ikaw, anong tinitingin tingin mo dyan?” tiningnan nya ako Simula ulo hanggang paa sabay sabing... “Saan ka pupunta?”

“Sa grocery. Ubos na kas---”

“Kabibili mo lang ng mga noodles at delata nung isang araw” natigilan ako. Oo nga pala, aish tanga mo Dave.

“Ah, may bibilhin lang” tumango naman sya at pumikit uli.

Habang naglalakad bigla na lang may babaeng bumangga sa'kin. Tsk, papansin. “Ano ba ha!” inis na sabi ko.

“Ano ba yan insan akala ko makikilala mo ko!!” teka si Sandra bato??

Tinanggal nya naman ang hood nya. “Ano na insan? Umaasenso ka na ba sa kanya?” ngumisi naman sya.

“A-anong uma-umaasenso?”

“Ba't ka nauutal?”

“Wa-wala k-ka na don!!”

“Aminin mo na kase!! May gusto ka sa kanya ano?”

“EWAN!!!” sigaw ko. Kabwisit.

“Uyyy, si insan, pumapag-ibig!!!” tinusok tusok nya naman ang tagiliran ko. Hindi ko naman sinasadyang mapangiti. “Hala!! Si insan ngumingiti!! Waaaahhhhhh inlove ka na talaga!!”

“Tsk, oo na!!”






The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon