chapter : 7

21 3 0
                                    

Dave's (P.o.v)

Nag da-drive ako pauwi. Kung patay na sya sino ang kasama ko?? Hindi kaya nag paretoke yun. Hinde, hinde, hinde, bakit naman nya gagamitin ang muka ng isang patay na???

Sa pag iisip ko ay nawala ang atensyon ko sa daan kaya may nabunggo akong matandang babae

Agad akong lumabas at tiningnan sya. Tumayo sya na parang walang nangyari

“A-ayos lang po ba kayo??” kinakabahang sabi ko

“Gusto mong malaman ang totoo tungkol kay Cindy morforri” sabi nya

“Paanong....”

“Sasabihin ko sa iyo lahat kung pasasabayin mo ako sa iyong sasakyan” agad naman akong tumango

Gusto ko lang naman ng katotohanan

Yun lang ang gusto ko, wala nang iba pa

Cindy's (P.o.v)

Isang linggo na naman ang lumipas pero hindi na ako pinapahirapan ni gagong Dave. Hindi ako sanay. Noong dumating sya noong isang gabi, namumutla sya pagkatapos parang iniiwasan nya ako

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Baka nabaliw na ng tuluyan si gagong Dave wahahahahahahahahahahahahah!!!

Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan Nang dumaan sya sa likod ko

“Oy, sabi mo mamamasyal tayo??” sabi ko at humarap sa kanya

“H-ha?” napasimangot ako. Ano na naman kayang nakain nito??

“Mamamasyal ba kako tayo??”

Sumeryoso naman ang panget nyang muka “Mag-usap tayo mamaya” pag uusapan kaya namin kung saan kami mamamasyal?

Ang dami Kong gustong puntahan. Gusto Kong pumunta sa mga play ground atsaka........sa ano........saan ba'yon........ah basta manahimik na lang kayo. Sinong tumawa mumultohin ko kapag bumalik na ako sa pagiging multo ko!!!

Pagkatapos ko agad akong pumunta kay gagong Dave. Nag iisip ako ng pwedeng itawag sa kanya kasi nung isang araw nalaman Kong bad pala ang gago

“Ano ang pag uusapan natin??” excited Kong tanong

“Mag sabi ka ng totoo” sabi nya, kumunot naman ang noo ko. Honest kaya ako weheheheh “Multo ka ba?”

Dave's (P.o.v)

Halata ang pagkagulat sa muka nya. Para syang binuhusan ng malamig na tubig sa pwesto nya

“A-ano ba-bang sina----”

“Ayoko sa lahat ay ang sinungaling. Mag sabi ka ng totoo. Wala akong kinatatakutan bukod sa multo kaya magsabi ka ng totoo” nakita ko ang pag lunok nya ng laway

“Pano mo nalaman?” nakayuko nyang tanong

“Nag search ako tungkol sa'yo. At ang lumabas patay ka na. Namatay ka sa sakit na leukemia. Nakita ko ang puntod mo. Nakausap ko rin ang ama mo. May nakapagsabi din sakin na multo ka talaga”

“Kung ganon alam mo kung sino ang magulang ko?” kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Nang makita nya ang reaksyon ko nag salita sya “Wala akong na-aalala kahit ano sa buhay ko. Kahit lasa ng mga pagkain kahit magulang ko” napabuntong hininga ako

“May dalawa kang kapatid. Si cylex at si Clyde. Sikat na designer ang mama mo at sikat ang kompanya nyo. 14 years old ka ng mamatay ka sa sakit na leukemia. Nag aaral ka sa school na pinapasukan ko” sabi ko. Yung jolly na Cindy na lagi Kong nakikita nawala. Maya-maya ngumiti sya ng malapad

“Salamat sa impormasyon mo, ngayon kelan tayo mamamasyal?” alam Kong tinatago nya ang nararamdaman nya. Sinusubukan nyang takpan ng pag kajolly nya ang tunay na nararamdaman nya

Kahit ano pang sabihin nya, nakikita ko sa mga mata nya ang pangungulila, ang lungkot, at kagustuhang makita at mayakap ang pamilya nya

“Ang sabi ko ayoko ng sinungaling” takot ako sa multo oo, pero hindi ko magawang Matakot sa kanya. Buhay naman sya.... Sa ngayon. Alam ko na lahat, Simula sa umpisa at kung pano sya naging tao. Mga hindi kapani-paniwalang bagay

Hindi na ako nagulat ng makita ko ang mga masasaganang luha galing sa mga mata nya “Ang galing mo naman” pinunasan nya ang mga luha sa pisngi nya pero nag tuloy-tuloy ang pag agos nito “Ang sakit isiping hindi na ako pwedeng magpakita sa kanila. Hindi ko na sila mayayakap. Kahit gustohin ko mang makita uli ang mga muka nila hindi pwede. Napakasakit” tumayo ako at niyakap sya

“Umiyak ka pa” halatang natigilan sya sa sinabi ko “Umiyak ka hanggat kaya mo, umiyak ka hanggang may luha ka pa. Kung yan ang magpapagaan ng Pakiramdam mo hindi kita pipigilan” sinubsob nya naman ang muka nya sa balikat ko. Maya-maya naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko

Kahit pala ang masayahing gaya nya ay nasasaktan din

Mas masakit ang pinagdadaanan nya kaya nandito ako bilang sandalan nya, para sa kanya gagawin ko ang lahat dahil..... Dahil.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maha------ dahil kaibigan ko sya

The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon