Third person POV
Habang pasan pasan ni Dave si Cindy ay nag-iisip sya para hindi mawala sa kanya si Cindy.
“Hindi ko yon hahayaan” bulong nya sa sarili.
“Dave, hehe” tulog na sabi ni Cindy kaya napangiti sya ng wala sa oras.
“Ang bigat naman ata ng babaeng to?”
Ng makarating sila sa bahay ay agad nyang iniakyat si Cindy. Ng maihiga nya ito sa kama ay umupo sya sa tabi nito.
Hinimas himas nya ang malambot at mabangong buhok nito. “Bakit nga ba sayo pa?? Wala sayo ang mga katangian na gusto ko sa isang babae. Nakakairita ka at napakakulit mo pa. Isa ka pang multo” napabuntong hininga si Dave tsaka tumayo sa kama.
Basta ang gusto nya lang ay ang makasama si Cindy ng habang buhay. Sa tana ng buhay nya ngayon nya lang naramdaman na hindi sya nag-iisa na hindi sya pinaplastic, ngayon nya lang naranasang magmahal ng totoo.
Cindy's POV
Aaaannnnggggg sarap matulog. Pero teka? Diba nasa play ground kami? Wag mong sabihin na binuhat nya ako? Kyyyyaaaaaa!!!! Nakakahiya.
Anong oras kaya sya natulog, mamaya nagpuyat yun may pasok pa naman sya.
Matapos ko kasing magdrama nakatulog ako. Napaisip ako sa mga salitang binitawan nya kagabi.
Imposible......
Imposible lahat ng sinabi nya. Wala nang paraan, wala na kaya sumuko na sya. Papahirapan nya lang ang sarili nya.
Fast forward
“Nandito na kami!!!” sigaw ng isang lalaki na kilalang kilala nyo, sino pa? Edi si Dave!!
Teka, kami?? Ibig sabihin may kasama sya?? Eh?? Sino naman?? Baka yung babaeng nagugustuhan nya?? Pero bakit naman nya yun isasama!!?? Tsk, napakalandi naman n----
“Huy Cindy, nandito si Kevin” sabi nya habang nakadungaw sa pinto ng kusina.
“Huh? Ah oo!!”
“Bilisan mo dyan!!” sabi nya.
Nakahinga naman ako. Akala ko kung sino na ang kasama nya eh. Huh? Di'ba dapat matuwa ako kasi makikita ko yung malas na babae na nagustohan nya?? Eh?? Ano bang nangyayari sakin??
Dave's POV
Ng bumalik ako, naabutan ko si Kevin na nakangiting aso. “Mukang umaasenso na ah!” sabi nya ng makaupo ako.
“Gago ka” sabi ko sabay batok sa kanya.
“Close na close ah!!” napangiti ako. “Alam na nya ba?” umiling ako. Hindi ko kayang sabihin. Baka kasi lumayo sya sakin.
“Ang hina mo pre. Para kang bakla!! Alam mo sa tingin ko... May gusto din sya sa'yo pero.... Hindi nya pa alam.”
“Kalokohan mo!! May ganon ba?!”
“Yeah, yung girlfriend ko” sabi nya at isinandal ang ulo nya sa headrest nitong sofa.
“Di wow” binatukan naman nya ako. Aray ko naman!! Tsk, bagay talaga sila ng girlfriend nya. Parehas sadista!!
“Uy, bat mo binatukan si Dave” napatingin ako sa nagsalita. Si Cindy na ngayon ay nagpupunas ng kamay nya.
“Cindy oh, inaaway ako!!”
Sabay turo ko Kay kev.“Bat mo inaaway si Dave!!” napangiti ako sa sinabi nya.
“Hindi ko yan inaaway.”
“Bat ka nga pala napadaan dito??”
“Ah wala”
Tumingin naman sakin si Cindy kaya tinaasan ko sya ng kilay.
“Kakain na” tumango na lang ako at napakamot sa ulo. Mag-aral din kaya akong magluto?? Good idea!!
“Wow naman. Hindi na noodles at delata ang nakahain ah!” °o°.
Edi wow sa kanya.
“Oy Dave, di'ba walang pasok bukas?”
“Oo bat mo natanong”
“Basketball tayo. Isama natin sila Josh”
“Geh”
“Sama ako!!!”
“Bawal/Sige” sabay na sabi namin ni Kevin.
“Sige na Dave. Ayoko dito mag-isa eh” nakapout na sabi nya. Bwiset ang cute nya nakakainis!!
“Si-sige na nga!!” kunyaring napipilitang sabi ko.
“Thanks!!”
________________________________________________________________________
Naiinis ba kayo sa katorpehan ni Dave?? Sige lang ilabas nyo lang yang galit nyo!!
Wahahahahahah!!!😂
Gamsahamnida!!🙏
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala