chapter : 4

20 2 1
                                    

Cindy's (P.o.v)

Uwaaaahhhhh kawawa naman ako dito sa impyernong to!!!! By the way eto ako ngayon naglilinis ng walang kwenta nyang kwarto. Hmmp!! Hindi naman magulo to dati, napaka ayos pa nga ehh.... Ngayon parang dinaanan ng tsunami dahil sa gulo

Pinapahirapan nya talaga ako ha!!!!

"Pagkatapos mo dyan hugasan mo yung mga hugasan" sigaw nya. Hindi pa nga ako tapos dito ehh

"Bakit hindi na lang ikaw, tutal sa'yo naman yon" bulong ko

"May sinasabi ka??" nagulat ako ng makita sya sa tabi ko. Ano toh!! Multo din kagaya ko??

"Wala...." bwisit!! Hindi nya lang alam na pinapatay ko na sya sa isip ko!!

Ng nakatapos ako, agad akong pumunta sa kusina para hugasan ang pinagkainan NYA!!! Oo, tama kayo ng basa. Sa kanya lang yon, alam nyo ba kung pano ako kumakain?? Simple lang.... Sa dahon!!... De joke yon na hindi na kakatawa

Cup noodles lang naman ang kinakain ko. Swerte ako pag nakakakain ako ng pagkaing delata tsk

Kung may trabaho lang talaga ako naku!!!hindi ako mag dadalawang isip na iwanan sya, wala akong pake kahit nakakaawa sya....pinapahirapan nya ako!!!:(

Mamaya ehh....panget na pala ako edi wala ng magkakagusto sakin... de joke lang ulit , hindi ako malande, hindi ako katulad ng ibang mga babae dyan tss

5 month lang akong magiging tao kaya kaylangan kong sulitin waaaaaahahahahahahaha

May sasabihin akong sekreto sa'inyo.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maganda ako!!! Oh di'ba!!! Kala nyo kung ano noh. Wahahahah

Dave (p.o.v)

Pinapanood ko sya habang naghuhugas sya ng plato KO. Nagiisip din ako kung anong susunod na ipapagawa ko sa kanya

Naisip ko lang.....bakit kaya ako pumayag sa kanya?? Maluwag pa naman ang turnilyo nya sa utak, kung hindi mo kilala eh... Aakalain mong takas sa mental!!!

Minsan kasi naaabutan ko syang kumakanta, minsan sumasayaw kahit walang tugtog, minsan naman kinakausap nya ang sarili nya habang na'sa tapat ng salamin. Oh di'ba?? Aakalain mo talagang takas sya sa mental. -_-

Pero.....maganda naman sya. Kung tutuusin mas maganda sya kay Elene eh. Hindi ko alam kung saan sya nanggaling eh??

Nag search ako ng konti sa kanya pero..... Ang pinagtataka ko ay....

Flashback :

"Mor....fo..... rri.......fami.....ly" sabi ko habang tinatype yon

Nakita ko lahat ng member nila pati na rin sya sa isang family pic pero ng tingnan ko ang files nila may isang bagay ang nakaagaw ng pansin ko..... Yun ay ang files ni Cindy

"Cindy morforri
Cause of death: leukemia
Date of death: December 25, 2014
Age: 14 y/o" basa ko. Kumunot ang noo ko dahil don. 2017 na ngayon kaya 3 years ago na toh

Binasa ko pa ang ibang impormasyon. Dapat sya ang tagapag mana ng negosyo nila. Panganay sya sa tatlong magkakapatid. Pero bago pa man mapamana ang negosyo sa kanya ay namatay na sya. Nag-iisa lang din syang babae at close sya sa dalawa nyang nakababatang kapatid. Nag-aaral sya sa school na pinapasukan ko ngayon. Hindi ko sya naabutan kasi transferee ako noong mga oras na yon.

Namatay sya??? Pero...... Sino ang kasama Kong Cindy morforri

Tiningnan ko uli ang pictures nya at kamukang-kamuka nya ito pero.....pano??

Kung patay na si Cindy morforri sino ang kasama ko??? At isa pang tanong, kung tagapagmana sya ng negosyo nila.... At kung buhay nga sya.... Ano namang dahilan kung bakit sya pinalayas????

End of flashback

At ngayon punong puno ng tanong ang utak ko dahil sa kanya

Sino ka ba talaga??..... Cindy............ Morforri





The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon