chapter : 19

13 3 0
                                    

A/N:

Papabilisin ko na lang ha. Masyado kasing matagal kasi three months pa yung natitirang araw sa kanila. Kaya papabilisin ko na.

At bago ang lahat ryza tatanungin kita kung anong gusto mong ending. Ang balak ko kasi tragic pero baka may magalit na isa dyan kaya ryza ano bang gusto mong ending. Tragic, open o happy??

Comment ka....

Jeongmal gamsahamnida!!!!🙏

Enjoy!!!😊

________________________________________________________________________

Cindy's POV

Isang buwan na ang nakalipas pero hindi parin namin nahahanap yung matandang yon. Medyo nawawalan na ako ng pag-asa pero kaylangan ko paring maniwala na may sulusyon dito sa lintik na problemang to!! Para kay Dave..... Para lang sa kanya. Sya na lang ang meron ako, sasayangin ko pa ba??

Nandito kami ngayon sa sasakyan nya. Anong ginagawa namin?? Well hinahanap yung matandang yun!!

At syempre pagkasama ko si Dave ang ibig sabihin non wala syang pasok. Bawal kasi ako sa school.... Buti nga walang nakakilala sakin nung acquaintance ehh.....

“Dave gutom na ko!!! Kain muna tayo!!!” sabi ko habang hinihimas ang tyan ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.

“Sige, saan mo ba gustong Kumain??”

“Ahm, sa kahit saan! Basta may pagkain!!! Gutom na talaga ako!!” naiiyak na sabi ko. Eh sa totoong nagugutom na ako eh!!! Food is life kaya..... pero syempre Dave is life din!!!

Naghanap kami ng malapit na karinderya. Habang kumakain may nagsalita sa likod ko.

“Pwede bang makiupo??” para akong binuhusan ng yelo dahil sa boses ng taong nasa likod ko. Si Dave naman ay natulala...

Para namang natauhan si Dave. “Matagal ka na naming hinahanap.” lumingon ako sa likod ko. Nakita ko ang matandang matagal na naming hinahanap.

Ngumiti sya ng pagkatamis tamis na syang ikinataas ng mga balahibo ko sa katawan. Umupo na sya kahit wala pa kaming sinasabi na maupo na sya.

“Alam ko......” tumingin sya kay Dave tsaka tumingin sakin. “At alam ko din ang dahilan kung bakit nyo ako hinahanap.” mas lumapad naman ang ngiti nya ng makita akong napalunok.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa! May sulusyon pa ba?? Sabihin mo.” halatang gustong makakuha ni Dave ng magandang sagot mula sa matanda.

“Hahahahahaha, huminahon ka! Isa lang ang alam kong sulusyon. Kaylangang mahanap ni Cindy ang kanyang tunay na pag ibig.” eh?? Lalim Nang tagalog natin ah...

“Wag kayong pakakasiguro. Madaya ang tadhana. Hindi porket nagawa nyo na ang dapat ay mangyayari na ang inyong nais..... Good luck na lang sa inyo..... Pero bago ang lahat ito ang tatandaan nyo, ang tunay na pag-ibig hindi nasisira ng kahit anong pagsubok basta para sakin kaylangan nyong sulitin ang mga araw na magkasama kayo dahil lahat ng bagay may limitasyon.”

***

'Lahat ng bagay may limitasyon'

'Lahat ng bagay may limitasyon'

'Lahat ng bagay may limitasyon'

'Lahat ng bagay may limitasyon'

Parang akong sirang radyo dahil Paulit ulit yun sa isip ko. Limitasyon?? Eh?? Kung ganon may limitasyon din ang kasiyahan na to??

Sa bagay...... Sabi nga nila, lahat ng araw na masaya ka, ang kadugtong non ay ang napakalungkot na pangyayari.

Aish!! Nahawa na ata ako sa matandang yun!! Ang lalim ko na ding magtagalog!!

Maya-maya may kumatok sa kwarto ko.  Tiningnan ko lang yon ng nakataas ang kilay. Wag kayo!! Pag hindi ako sumagot ibig sabihin pwede na syang pumasok!!!

Iniluwa nito si Dave. Ngumiti ako kaya ngumiti din sya. Humiga sya sa tabi ko tsaka tumingin sakin.

“Mahal kita......... Kaya......... Hindi...... Ka mawawala.” hinalikan nya ako sa.........

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

...... Ilong..

Hahahahaha, kala nyo kung saan no?? Hahahahahaha....

“Luto ka na nga!! I'm hungry!!” sabi nya sabay himas ng tyan nya. Tsk, pabebe naman masyado nitong lalaking to!!

“Ang pabebe mo!!” sigaw tsaka tumayo at Dali daling tumakbo sa pintuan.

“CINDYYYYYYYY!!!!!!!!” bago lumabas humarap ako sa kanya tsaka kumindat.

Agad akong tumakbo sa kusina at tsaka naghugas ng plato.......

________________________________________________________________________

Hanggang dyan lang muna yung ud ko huh??

May isa kase dyang atat eh....

The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon