Cindy's (P.o.v)
Kumalas ako sa pag kakayakap, baka kasi isipin nya na humohokage ako. Never akong mapo-fall sa kanya ano!!! Kasi baka umiyak lang sya. Hindi dapat ako magkagusto sa kanya, atsaka pano ako magkakagusto sa gagong to!!! Tell me!!!!!
“Sya nga pala may nirecord ako dyan. Pwede mo Nang isumbong si Elene sa mommy nya” sabi ko at inabot ang cellphone nya
Kinuha nya naman ang cellphone nya ng nakakunot ang noo “Bakit na sa'yo toh’’
“Kasi dahil sa kashungahan mo naiwan mo yan, eh sakto namang sumugod dito si Elene”
“Huh, ano namang kaylangan ni Elene dito” nagkibit balikat na lang ako
“Sya nga pala, bukas acquaintance namin at kaylangan namin ng date” natuwa naman ako. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko na parang mag rerecite
“Ako ang date mo ha!!!” tuwang tuwang sabi ko
“Sige, akyat lang ako” sabi nya sabay tayo. Pagkadating nya sa tapat ng hagdan tumingin sya sakin at sinabing “Linisin mo yung kotse ko” ay!!walang ya to ah!!! Mas gusto ko pa kapag iniiwasan nya ako, hindi nya ako pinapahirapan
Dave's (p.o.v)
Natatawa ako sa itsura nya kanina nung inutusan ko sya
Agad Kong pinakinggan yung nirecord nya
Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa sinabi nya at kung pano nya napaamin si Elene
Bukas, guest ang mommy ni Elene kaya may Plano na ako kung pano ko masusumbong si Elene sa mommy nya
Teka.... Kung si Cindy ang date ko bukas, wala syang damit na susuotin
Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Cindy na dala dala ang mga panglinis sa kotse
“Cindy, Tara sa mall” halata namang na na-excite sya
“Bibili lang naman tayo ng gown mo Para bukas” sabi ko. Agad naman nyang binitawan yung mga panglinis at agad na lumapit sakin. Tinitigan ko ang suot nya. Maong na short at white T-shirt na may heart na design. Maganda pala ang sense of fashion nya
Ilang minuto ang lumipas at nakarating din kami sa mall. Dumiretso kami sa bilihan ng gown. Gusto ko sya ang pinakamaganda bukas
Ilang minuto ang lumipas at lumabas na sya ng dressing room. Binigay nya sa isang staff ang iba pang gown na kinuha nya. Napatingin naman ako sa napili nya. It's a color blue
“Tara na” lalakad na sana kami ng biglang tumunog ang tyan nya
“Pwede Kumain muna tayo?” tanong nya kaya natawa ako, nagpout naman sya
“Tara na nga”
***
Pagkatapos kumain, agad kaming umuwi. Kaylangan ko pang kontakin ang pinsan ko para maayusan sya bukas
Agad Kong tinawagan ang pinsan ko
[Hello]
“Insan!!! Pwede bang pumunta ka sa bahay ko bukas mga around 3:00 PM”.
[Bakit]
“Sayo ko papaayusan yung date ko sa acquaintance”
[Maganda ba yan]
Napakagat labi ako “Sobra!!”
[Mukang tinamaan ka ng gago ka ah]
“Grabe ka naman sa gago, tsaka baliw kaya ang babaeng yun, kaya hinding hindi ako magkakagusto don. Maganda lang sya!!!!”
[Oo na, oo na. Dami mo pang sinasabi eh. Malayo ang mararating mo pagganyan ka. Sige na, ba-bye. Pupunta ako dyan ng 3:30 PM. K?]
“K” yun lang at binaba na nya. Sya nga pala ang pangalan nya ay Sandra
KINABUKASAN
Cindy's (P.o.v)
Naiwan na naman ako dito sa walang kwenta nyang bahay, pero thankful naman ako sa kanya kasi nakalabas ako dito sa palasyo nya at!!!! Binili nya pa ako ng gown, hindi na sa ukay ukay! Kundi sa mall!!! :))
Sabi sakin ni Dave may pupunta daw dito para ayusan ako, nagtaka nga ako kasi maayos naman ang itsura ko.
Ang huling sinabi nya sakin ay napakashunga ko daw, kung makapag sabi naman sya ng shunga, kala naman nya hindi sya shunga. Same lang kaya kame!!!
At ang sabi pa nya linisin ko daw ang kwarto nya na mas lalong kumalat. Pagkatapos daw, linisin ko na daw ang buong bahay. Yah!!!! Nakakapagod kaya! Mabait daw? Mabait na pala ang tawag don, iba na din pala meaning ng mabait sa kanila!!! Dimonyo kaya ang tawag don!!!
Kuskos dito kuskos don na naman ang ginawa ko. Walis dito walis don. Hugas dito hugas don. Hay naman kasawa!!!
Sya nga pala. Half day lang si Dave para daw makapag prepare sila para sa acquaintance na yon. Na eexcite ako!!! Para kaya akong si Rapunzel dahil para akong nakakulong sa isang mataas na tore, yun nga lang.... Mas maganda ako kay rupanzel
Napatingin ako sa wall clock habang nag mamap. It's all ready 12:00 am pero wala pa rin si Dave
Nakalipas pa ang ilang minuto ng narinig ko ang pagbukas ng gate
“Naligo ka na ba??” tanong sakin ng kapapasok lang na si Dave
“Hindi pa kasi pinaglinis mo ako ng buong bahay eh” reklamo ko
“Ano pang tinatayo tayo mo dyan?? Maligo ka na!!” agad naman akong pumunta sa banyo at naligo
After a few hours
It's already 3:25 PM, nasuot ko na ang gown kasi yun ang sabi sakin ni Dave. Anong mang oras daw eh pupunta na si Sandra na pinsan nya para ayusan ako
Maya-maya may nag doorbell
Nag tuloy-tuloy ang pag do-doorbell kaya nagulat ako sa pagsigaw ng walang yang katabi ko “SANDRA!!! PUMASOK KA NA!!!!!” iritang sigaw nya
Maya-maya may nagpakita na magandang babae, weheheheh nakakatibo, pero joke lang yon noh. Mas maganda kaya ako kay Sandra
“Nasan na ang aayusan ko” tinuro naman ako ng dimonyong Dave. Napapansin ko paiba-iba ang tawag ko sa kanya ano?? May gagong Dave at may dimonyong Dave tapos------
“Oh my gosh. Your so beautiful kaya pala natama----”
“Ehem” sabi ni Dave kaya napatigil sa pag dada si Sandra
“Ok. Hindi mo naman sinabi na ganto kaganda ang aayusan ko” sabi ni Sandra na inaayos na ang mga gamit para maayusan ako
“I already said” sabi ni Dave habang papaakyat sa taas “Ikaw na ang bahala sa kanya”
“Sure”
“Kaylangan, sya ang pinakamaganda mamayang gabi” na OP ako bigla ah. Nakalimutan kong sabihin na 6 PM ang simula ng acquaintance
Kyaaaaaaaaaaa!!!! Naeexcite ako!!!!!!
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala