Dave's (P.o.v)
Nag bihis na ko kasi malapit na ang program. Iniisip ko kung anong itsura ni Cindy. Nakailang alok sakin si Elene kanina pero tinanggihan ko lahat, ang sinasabi ko hindi ako pupunta!
Natamaan na ba talaga ako?????????
Mukang hindi naman. Tingin lang nila yon kasi mabait ako sa kanya wahahahahah
Bakit ko ba iniisip toh?? Hay buhay. Pano nga ba mainlove?? Hindi ko alam ang Pakiramdam ng mainlove
Ano nga ba ang sign ng inlove ka na?? Hindi ko alam, kasasabi ko lang kanina na hindi pa ako naiinlove di'ba???
Teka, para na akong baliw dito ah!! Nakakabwisit kasi si Sandra ehh
Maya-maya may kumatok sa pinto ng kwarto ko, hindi namang pwedeng kumatok sa pader di'ba??
“Cousin, nandyan ka ba!!!!!” bobo talaga ang babaeng to kahit kaylan. Hindi ko alam kung pano nasama to sa achiever nila sa school. Siguro mas bobo sa kanya yung mga kaklase nya
“HOY!!!! KANINA PA AKO DITO!!!! BUBUKSAN MO O SISIRAIN KO ANG PINTO MO!!!” aish, bwisit talaga sya
“Bakit ba” iritang sabi ko
“Ready na sya” mas muka pa syang excited kesa kay cindy ah “Oh, by the way. Your so, so, so, so handsome” tinabig ko sya para makadaan
“Grabe ka sakin insan ha” sabi nya habang naka pout. Seriously??? Bakit ang hilig mag pout ng mga babae kahit hindi naman bagay??
“Insan” tawag ko
“Bakit”
“Your so, so, so, so ugly” napasimangot naman sya sa sinabi ko.
Dinambahan nya ako ng suntok kaya tumakbo ako pababa
Napatigil ako sa nakita ko. Oh my goodness!!!! She's so pretty, ay Mali, she's so beautiful
“Ok na ba?” halatang nahihiyang sabi nya
“Hi-hindi, ang panget mo” sabi ko, pero syempre joke lang yon
Maya-maya biglang may tumamang kamao sa batok ko.
“Sinabihan ka na ngang gwapo tapos ang sasabihin mo sakin eh pangit. Asan ang hustisya” ang drama nya naman
“Walang justice para sayo. Tsk” sabi ko sabay talikod “Ikaw, anong tinatayo tayo mo dyan. Tara na” sabi ko, nauna na akong maglakad
“Teka naman sandali, ang naka-heels kaya ako” napatingin ako dahil sa kaartehan nya
“Ang arte mo naman, hindi ka nagmana sa magulang mo. Sigurado akong kapag nakita ka--” natigilan ako ng makita ko ang pagyuko nya “Sor----”
“Tara na” tinago nya na naman ang tunay nyang nararamdaman. Napaka-insensitive ko kasi eh!! Nauna na syang maglakad at naiwan akong nagi-guilty.
***
'Oh my god, sino yung kasama ni Dave. Ang ganda ah. Mas maganda pa kay elene'
'Ganda pre oh, pustahan tayo isang libo girlfriend nya yan'
'Who's that girl??'
'Kyaaaaa, bagay sila. Kesa naman kay Elene bitch naman yun eh'
“Wag mo silang pakinggan!” inis na sabi ko. Tsk. Mga bubuyog. Bubulong na lang rinig pa. Teka, bulong pa ba tawag don.
May tumapik sa balikat ko kaya napaharap ako. Si Kevin lang pala
“Bespren!!” masayang sabi sa kanya ni Cindy. Magkakilala pala sila?? At ano daw?? Bespren??
“Uy, hindi mo naman sinabi na sya ang date mo. Ano? Umaasenso ka na ba??” napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nya
“I mean, umaasenso ka na ba sa kanya” sabi nya sabay sulyap kay Cindy.
Natawa naman ako. Akala nya rin siguro may gusto ako kay Cindy
“Loko!!” binatukan ko sya. Bwisit kase eh, baka marinig ako ni ci--- bakit ko naman proproblemahin kung marinig nya?? Pake ko ba?? Tsaka wala naman akong gusto sa kanya.
“Deny pa more pre, malayo ang mararating mo dyan” kumaripas naman sya ng takbo matapos non. Baka mapatay ko lang sya dahil sa mga kabalastugan nya
Ng makaupo kami ay napatingin ako sa kanya na pinaglalaruan ang kamay nya.
“S-sorry” nakayuko kong sabi
“Bakit naman?”
“Kasi hindi ko inisip yung mararamdaman mo, sorry”
“Ok lang yun, ah ang saya ko kaya. Ikaw ang first best friend ko kaya mahalaga ka sakin. Tsaka.......... Salamat din sa impormasyon mo tungkol sa mga pamilya ko. Tsaka gwapo ka niloloko lang kita ng sinasabi ko na panget ka. Uy, wag lalaki ang ulo mo ha” ngumiti ako sa kanya at nilahad ang kamay ko sa kanya.
“Anong gagawin ko sa kamay mo??”
“Bobo, inaaya kitang sumayaw!!
“Arouch ha!! Same lang kaya tayo” sabi nya habang nakapout. Bakit pag sya ang nakapout ang cute tingnan, pero pag si Sandra at ng iba pang babae ang panget nang tingnan
Teka, anong sabi nya!! Same!! Aba mas tanga kaya sya sakin.
“Tara na nga” sabi ko
Maya-maya gagawin ko na ang Plano ko Kay Elene
***
Nakaupo na ang mommy ni Elene sa tapat ng stage dahil sa maraming nagpe-perform
"May nakiusap sakin na i-play itong isang record"
Sinuksok na ang USB na pinaglagyan ko ng record.
'Teka, sino ka??'
'Cindy ang pangalan ko hindi ako sinuka'
Napuno ng tawanan dito sa venue.
Nakita ko ang pagakyat ni Elene sa stage at sinigawan ang stuff na itigil ang record.Ng matapos na, mas lumakas ang tawanan sa loob ng venue. Maya-maya may tumapik sa balikat ko.
“Tagumpay ang misyon natin ah. Eh sa kanya, magtatagumpay ka ba??” sinuntok ko naman sa balikat si Kevin.
“Gago”
Umalingaw-ngaw ang sigaw ng mommy ni Elene.
“Mom, hindi yon totoo!”
“Anak, ikaw na mismo ang nagsabi!!!”
“Bakit ka ganyan”
“Mom sila Dave ang may pakana nito, kung hindi----”
“Kung hindi ano?? Nagpapasalamat nga ako kila Dave eh. Siguro kung hindi pa sila gumawa ng paraan para masumbong yang katarantaduhan mo, edi hindi ko pa'rin alam hanggang ngayon!!!!!!”
BINABASA MO ANG
The Ghost
FantasyLahat ng tao takot sa multo Pero pano pag ang isang multo ay mabigyan ng second chance para maging tao ulit Pano pag maynakilala syang lalaki na magpapa-ibig sa kanya pero..... Pano kung ang binigay sa kanyang second chance ay may katapusan pala