NERRY CARANDANG
SUNDAY
@9:20PM"NERRY, PAKI-ABOT nga 'nung panggupit ng wire."
Iniabot ko kay Ferdi ang maliit na plais at agad naman niya iyong kinuha nang kan'yang kaliwang kamay habang ang isa nama'y nakakapit sa may kahoy na parte ng kisame. Dito kasi sa sulok ng sala kami unang nagkabit ng camera sa pangunguna ni Ferdi s'yempre. S'ya lang naman kasi ang nakakaalam at gamay ang mga gawaing gan'to.
Captured ng camera dito sa sulok ng sala ang halos kabuuan ng unang palapag ng bahay maliban na nga lang sa hallway na madilim doon sa may tagiliran ng kusina na hindi pa namin napupuntahan kung saan papunta iyon. Doo. kasi nagmula kanina yung pagkalabog kaya nakakatakot na puntahan 'yon. Totoo ba ang nasabi ko? Natatakot ako?
Kitang kita rin sa CCTV na 'to ang kusina kahit na medyo malayo. Nakatingin na kasi ako ngayon sa laptop ni Ferdi kung saan nakikita na namin ang ayos ng lagay ng CCTV1. Si Nico ang naglalaptop dahil s'ya ang mas magaling pagdating sa computers at sa ginagawa n'ya ngayong pagkokonekta ng CCTV camera sa laptop. Hindi ko alam kung paano ang ginawa n'ya at kahit na tingnan at panuodin ko pa s'ya, hindi ko na ata mapapagaralan kung papaano 'yon.
"Okay na ba?" tanong ni Ferdi habang nasa taas parin ng hagdanan habang nakatapat sa kisame sa pinagkabitan n'ya ng CCTV1.
"Okay na okay na." sagot naman ni Nico. Hinawakan ni Alvin ang hagdanan para makababa ng maayos si Ferdi. Nasa isa n'yang kamay ang kan'yang camera na kumukuha ng activity footage.
Nakita kong itinutok ni Alvin ang camera n'ya sa kan'yang mukha sa malayo.
"So, as of now.. sinisimulan na naming apat nina Nico, Nerry at Ferdinand ang pagaayos at pagkakabit ng mga CCTV cameras. Nakapagkabit na kami ng isa at iyon 'yon," sabay harap ni Alvin ang kan'yang camera sa kisame sa sulok ng sala.
"Kami? Ako lang." birong sabi ni Nico. Iniharap ni Alvin sa amin ang camera.
"Napaka selfish mo talaga Ferdinand." sabi ni Alvin.
"P'wede bang Nand nalang o Ferds? Napaka old fashion naman kasi ng pangalan ko." ngungutu-ngutong sabi ni Ferdi. Yes, I have his different nickname on me.
Nag-ayos na ulit ng panibagong camera si Ferdi. Kinuha ko ang hagdanan sa may sulok at tinanong ko si Ferdi kung saan ang next.
"Nand? Ferds? Eew. Amoy old fashion parin. Haha!" biro ni Alvin. Pero hindi iyon tinake na joke ni Ferdi kaya napaismid s'ya. Minsan kasi, jokes are haft meant, so..
"Sa itaas ng front door. Hoy, Alvin, kung ikaw kaya ang nagbubuhat ng hagdan?"
"Ay, sorry Ner. Hehehe." ibinitang na muna ni Alvin ang kan'yang camera sa lamesa sa tabi ni Nico. Nakita ko namang itinaas iyon ni Nico at itinutok sa akin. May sinasabi pa s'ya na hindi ko na marinig.
Itinapat ni Alvin ang hagdanan sa front door na nakasarado. Umakyat roon si Ferdi at iniabot ko sa kan'ya ang panibagong camera at ang maliit na wire na nakakonekta roon. Ang wire na 'yon ang nagsisilbing connection and signal para maiconnect iyon sa laptop na inaayos naman ni Nico. Kakaiba ang cctv cameras na mga 'to dahil ang alam kong CCTVs ay yung mga may mga mahahabang wire na talagang ikokonekta mo pa sa computer o laptop. Itong kay Ferdi, ilalagay at ilkakabit nalang sa dingding at voila!
SUNDAY
@9:45PMNAKAPAGKABIT NA kami ng tatlong na CCTV dito sa baba. At kasalukuyan ay ikinakabit na nina Ferdi at Alvin ang CCTV4 dito sa may kusina sa itaas ng mga matatas na cabinet na hindi ko abot. Kakailanganin ko pa ng silya para maabot ko iyon. Hindi ako pandak, okay? Matataas lang talaga ang mga cabinets na umiikot sa kabuuan nitong kusina.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...