NERRY CARANDANG
DAY ONE - MONDAY
@12:51AMANG AKALA KONG masayang early breakfast kasama ang mga ka-grupo ko, ay nauwi sa isang katakot-takot na pangyayari. Napurnada na naman iyon sa pangalawang pagkakataon. Nasaktan ako. Madali naman kasi akong masaktan kapag nababalewala ang inihanda o pinaghirapan ko. Lalo na't hindi lang ako ang naghanda ng mga pagkain kanina, kun'di pati narin sina Alvin at Nico. Mukhang nadissapoint din sila. Pero, hindi ko lang alam. Hindi ako kasing galing ni Nico na magbasa ng isip. Kaya kong magbasa ng body language, expressions at iba pa pero mahina ako sa pagbabasa ng isip.
But, thanks to Leo. Pinuri n'ya ako kanina at hanggang ngayon dahil sa mga luto ko. Sa katunayan, s'ya lang halos ang umubos ng lahat ng pagkain noong nawalan na kami ng gana dahil sa napanuod namin sa camera ni Alvin. Nagpatuloy rin sa pagkain sina Nico at Ferdi kanina pero hindi na sila bumulos pa.
Hindi ko parin nakakausap si Alvin. Gusto ko s'yang kausapin dahil para bang sobra s'yang na-trauma. Can't blame him though. Ikaw ba naman ang hipuan ng isang multo na babae. Pero, multo ba talaga s'ya? Naniniwala na ba ako sa mga multo ngayon?
Inilinga ko ang paningin sa buong sala; dito sa unang palapag ng bahay. Pinakikiramdaman ko kung may tao rito. Dahil hindi parin talaga ako naniniwalang may multo. At hindi talaga ako naniniwala.
Nag-gathered muna kaming lahat dito sa sala. Tumabi ako kina Ferdi at Nico. Gusto ko rin kasing manuod ng mga CCTV footages sa dalawang laptop na nakapatong sa lamesa. Baka kasi mamaya may ma-missed kami.
Mga fifteen minutes na kaming tahimik at hindi nag-iimikan dito. Well, sanay naman akong tahimik at hindi umiimik, pero mas mabuti na sigurong hindi ko pairalin ngayon ang nakasanayan ko na. Hindi ako p'wedeng habang buhay nalang mag-isa, nagmumukmok, at tahimik.
Tiningnan ko si Alvin na tulala parin. Hindi ako sanay na ganito s'ya. Naalala kong may load pa nga pala ako kaya kinuha ko ang phone ko at nagtext ng blanko sa kan'ya.
Agad naman n'yang binunot mula sa kan'yang bulsa ng pantalon ang phone n'ya. Agad s'yang napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya pero hindi s'ya gumanti ng ngiti. Hindi talaga ako sanay na gan'yan s'ya.
Nagtext ako sa kan'ya na nagsasabing i-video n'ya ako. Hindi na s'ya nagtanong at iniready nalang ang kan'yang camera. Iba iyon doon sa isa n'yang camera na naitapon n'ya kanina. Ang pagkakaalam ko, may tatlo s'yang camera na s'yang gagamitin n'ya ngayon dito sa aming paranormal activity.
Nang maitutok na n'ya sa akin ang camera—na mukhang hindi pansin ng iba pa naming ka-grupo, including Ar—umupo na ako nang maayos at nagsimula nang magsalita. Nakuha ko ang lahat ng atensyon nila.
"It's 12:56AM of June 13, 2018. First day of our paranormal activity. We are here now at the living room—"
"Kanina, napanuod namin ang nakakatakot na video footage ni Alvin. Isa sa mga ka-grupo namin at s'yang naka-assign sa video taking sa buong linggo ng activity. Apat silang magkakasama rito sa baba. Si Nico, Nerry, Alvin at Fernand. Nakuhanan nila sa night vision doon sa parte ng hallway papuntang laundry ang isang babaeng multo. Kiniliti pa nito si Alvin at tumawa na ito ng tumawa sa hindi namin alam na kadahilanan." Mahabang litanya ni Ar. He doesn't look so nervous at all.
"Play the video in front of the camera. Yung una lang."
Everyone protest maliban nalang kay Nico. Kanina pa s'yang nag-iisip ng malalim.
"Don't ever play that damn video." Matigas na sabi ni Rich. Mukhang magsisimula na naman s'yang umiyak. Takot na takot talaga s'ya. Then a question hit me. Yung babae bang nakita ni Rich sa kwarto nila at ang babae sa nakunan ni Alvin kanina ay iisa?
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...