Chapter Five

117 8 0
                                    

NERRY CARANDANG
SUNDAY

KANINA PA NAKAHALUMBABA si Alvin habang nakaupo siya dito sa dining. Kanina pa rin siyang nakatingin sa akin at sa kamay kong naggagayat ng mga gulay katulad ng carrots, patatas, repolyo at iba pa na gagamitin ko sa paglulumpia mamaya.

"Malinis ba kamay mo? Baka mamaya nangamot k—"

"Are you serious? That's gross." sabi ko kasabay ng isang pagtawa.

Hinawi niya ang tuwid na tuwid niyang bangs na humaharang sa kaniyang mga mata. Itinaas niya iyon pero dahil tuwid na tuwid, nabalewala lang ang ginawa niya at bumaba rin iyon sa kaniyang noo. Nainis siya dahil sa hindi pagsunod ng buhok niya pero pinabayaan niya nalang. "Hindi ba talaga ikaw 'yung nanghipo at nangiliti sa akin?"

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Kung multo sa bahay na 'to ang gumawa no'n, medyo manyakis pala siya. Nagkaroon ako ng hint na baka babae ang multo sa bahay na 'to. Teka, naniniwala na ba akong may multo?

"Ilang beses na akong nagpaliwanag sa'yo at ilang beses ka naring nagtatanong ng paulit-ulit." sabi ko habang ginagayat ang patatas sa dalawa. Kumuha ako ng pinggan sa may lalagyan ng mga plato at inilapag iyon sa lamesa.

"Sayang, akala ko pa naman, ikaw na."

"Ako yung—"

"Ikaw?!"

"Gags!," sinapok ko siya gamit ang likurang kamay kong walang hawak na kustilyo. "Patapusin mo muna kasi ako."

Hinaplos haplos niya ang kaniyang ulo. "Oo na. Sige."

"Ako yung humawak sa laylayan ng shirt mo kanina. Pero bumitaw rin kaagad ako nang tumawa tawa ka na na parang kinikilig." sabi ko.

"Kung hindi ikaw.. sino naman kaya? Yung.. multo? Shocks. Sa sobrang gwapo ko talaga, pati multo, nabibighani na sa'kin." nagmamayabang niyang sabi kasabay ng isang malakas na pagtawa. Sinaway ko siya dahil baka magising ang mga kasamahan naming natutulog sa taas kaya naman agad siyang tumigil.

"Ayaw mo ba talagang magpatulong?" nakanguso niyang tanong.

Umiling-iling ako. "Kaya ko na 'to." sagot ko.

"Pst Alvin! Simulan na natin sa taas! Halika," napatingin ako kay Ferdi nang mahina siyang sumigaw habang inaayos na ang mga cctvs doon sa may sala. "Nico, ikaw na ang bahalang mag konekta, ah? Mas mabilis ka kasi." dagdag pa ni Ferdi. Tumango naman si Nico bilang pag-oo.

"Bye loves!"

Napaismid nalang ako sa itinawag sa akin ni Alvin. Agad silang nawala ni Ferdi dito sa unang palapag kaya't napuno ng katahimikan ang paligid. Ang paggagayat ko nalang ng mga gulay gamit ang kutsilyo ang pumupuno sa tahimik na ere.

Hanggang sa tumayo si Nico mula sa pagkakaupo niya sa sala at naglakad papunta sa akin. May uneasiness parin akong nararamdaman kay Nico dahil hindi kami naging close kailanman kahit noong nasa school kami. Never kaming nag-usap at nagkwentuhan dahil narin sa parehas kaming tahimik at nagsasalita lang kapag tinatanong ng iba pa naming kaklase.

Hindi ko tuloy alam kung dahil ba doon kaya kami ipinagpartner ni Ar—ng kaibigan n'ya.

"Nerry, p'wede bang ipaginit mo ako ng tubig? Medyo sumisipa na ang antok sa'kin." sabi n'ya. Umupo s'ya sa dining sa harapan ko kaya medyo nailang ako.

Binitawan ko ang kutsilyo at tumalikod sa kan'ya. "S-Sure." sabi ko.

Kinuha ko ang painitan ng tubig na nakasabit sa may sink at nilagyan iyon ng tubig galing sa faucet sa lababo. Pinihit ko ang sangkalam at inilagay roon ang painitan ng tubig. Pagkaharap ko kay Nico, nakita kong hawak hawak na n'ya yung kutilyo at may dugo na sa kan'yang kamay.

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon