NERRY CARANDANG
DAY THREE - WEDNESDAY
@11:10AMKAGAYA NG NAKAUGALIAN, kapag nasa bahay ako, tanghali na akong nagigising. At 'yun ang nangyari ngayong araw na 'to. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng ganoong katagal pero I think it's nice knowing the fact na naka-gain ako ng matagal na oras. Halos kasabayan ko lang si Rich na bumababa sa hagdan papuntang unang palapag ng bahay. Nagkukusot pa siya ng mata at halatang kagigising lang. Hindi niya ako binati ng ‘good morning’ o ‘morning’ manlang kahit na nakita niya ako. Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik.
Halos binati kaming dalawa ni Rich ng lahat ng mga kagrupo namin na nakaupo na sa sala. Binati ko rin sila pero 'dun na muna ako dumiretso sa may laundry kasi nandoon yung isa pang cr na nandito sa bahay. Nalinis na ng ilan 'yung cr sa itaas pero sira parin 'yung kaunting part ng kisame at shower curtain. Basag din ang ilang tiles sa shower. Handa naman kaming magbayad kung sisingilin man kami ni Mang Manuel o ni Mrs. Jane ng danyos sa nasira namin. Or should I say, nasira ng multo sa bahay na 'to.
Pagkatapos kong maghilamos at maglinis ng katawan, bumalik na ako sa main hall ng bahay. Dumiretso muna ako sa kusina para kumain ng mga nakahanda sa mesa. Nag-init ako ng gatas at kumuha ng pinggan ko.
"Kamusta tulog mo?"
Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Rich na nasa mismong likuran ko. Bahagya akong nagulat pero ngumiti ako kaagad para hindi siya ma-awkward-an sa akin. Kinuha ko narin siya ng pinggan niya at ibinigay 'yon sa kaniya na agad naman niyang ipinagpasalamat.
Umupo na kaagad siya sa dining at kumuha ng mga pagkain. Agad akong nakaramdam ng uneasiness sa presensya ni Rich. Naalala ko 'yung oras na nagkainitan kaming dalawa tungkol sa nakita niyang babaeng multo na kinatakutan niya. Nagkaayos din naman kaagad kami that time pero kakaiba kasi talaga ang pakikitungo niya sa akin lalo na nitong masyado kaming naging close ni Alvin at sa ginawa ko kay Alvin na . . well, kabayanihan.
"Gusto mo rin ba ng gatas?" pagtatanong ko kay Rich. She doesn't look up at me at umiling-iling lang.
Nang matapos ko ang pagtitimpla ko ng gatas, saktong naglalakad si Leo papunta rito sa kusina. Oh, how I wish na kumain din siya ngayon para hindi ako maiwan kay Rich.
"Kumain ka na, Leo?"
"Ngayon palang. Tara, sabay-sabay na tayo." sagot ni Leo. Inalok ko siya ng gatas pero umiling lang din siya.
"Do you guys . . ."
Naibaba ko ang utensils ko nang magsalita si Rich. Uminom siya ng tubig bago kami tingnan ulit. "Tungkol 'dun sa pagtakas na ginawa ko on the first day, hindi niyo ba 'yun sasabihin kina Ar?"
Sandali kaming nagkatinginan ni Leo. Nagsimula na ulit siyang kumain without giving answer kaya naman ako nalang ang nag-isip ng isasagot kay Rich na kaharap namin.
"We're not doing that. No." sagot ko na lamang. Nakahinga ng maluwag si Rich at nagsimula na ulit kumain. Minutes pasts at nauna siyang natapos sa amin ni Leo. She muttered a silent thank you Nerry bago umalis dito sa kusina. Nakita ko siyang tumabi kay Alvin 'nung nasa sala na siya.
"I never like her."
Tinapunan ko ng tingin si Leo, "You should be. Lalo na't rommate mo si Rich."
"Whatever. Hindi talaga ko traydor pero she said something bad about you 'nung isang gabi." halos ibulong 'yon ni Leo. Tumingin siya saglit sa sala at pagkatapos ay ibinalik na sa pagkain niya ang kaniyang atensyon. Agad akong kinabahan sa sinabi ni Leo. Leo's a serious big guy kaya there's no way na magsinungaling siya o mangprank sa akin.
"She said, she don't like your food which is very very bad word for me."
Hindi ko alam kung kailan ako huling tumawa ng malakas but I'm glad that I do that thing again.
"Shss. Nerry," pagsasaway sa akin ni Leo pero lalo lang akong natawa sa kaniya. Umiling-iling lang siya at napatawa narin. Sa tingin ko, nakuha naming dalawa ang atensyon ng iba pa naming kagrupo sa sala dahil napatingin silang lahat dito sa direksyon namin. 'Dun lang ako tumigil sa pagtawa.
"I'm starting to like your mom." natatawa-tawa ko paring sabi.
Binigyan ako ni Leo ng tingin na nagtataka, "Bakit?"
"For giving birth to a funny big guy." sagot ko.
@4:02PM
After the incident na nangyari kahapon, mukhang namang nakamove-on na ang karamihan. Walang may gustong pag-usapan ang nangyari. Pero halata sa lahat na takot padin sila—kami sa puwedeng mangyari sa 'min sa pagkakataon na darating.
Hindi nakaiwas sa mata ko ang lihim na pag-uusap nina Ar at Nico kaninang two in the afternoon privately sa kusina na para bang dapat sila lang dalawa ang nakakaalam ng inilalabas ng mga bibig nila. Ferdi saw that too at hindi gaya ng ginawa ko, tinanong niya 'yung dalawa kung anong pinag-uusapan nila. Sumagot si Ar ng kabado at nanatili namang tahimik si Nico.
Hanggang sa makita ko ang mga mata niya 'nung mga oras na 'yon . . . Alam kong may mali. May magiging mali.
Suddenly, bigla ko nalang naisip si Mang. Manuel at ang shirt niya na nakitaan ni Alvin na may bahid ng dugo. Hindi ko napansin ang bagay na 'yon sa damit niya pero natatandan ko pa ang ibinigay na tingin niya sa aming dalawa ni Ferdi 'nung mga oras na 'yon. Masama mang sabihin, mukha siyang lunatic no'n.
Okay, I feel bad to what I just said.
And about this thing na sinabi sa amin ni Cha kaninang madaling araw. About . . her cousin na namatay dahil ng isang website. Teka, •REC din ba 'yon? I face Nico na katabi ko rito sa sofa. "Hey,"
"Mm." tugon niya sa akin pero hindi niya ako tiningnan. Mabilis ang ginagawa niyang pagtitipa sa laptop. Ginagawa niya 'yung documentary na nakatoka sa aming dalawa. May napansin ako rito kay Nico e, hindi na niya ako madalas kausapin simula 'nung nangyaring blackout kahapon.
"Napag-usapan niyo na ba 'yung tungkol sa sinabi ni Cha kahapon?" pagtatanong ko kay Nico. Unfortunately, kami lang dalawa ni Nico ang nandito sa sala. May mga iba't-ibang ginagawa ang mga kagrupo namin. Naglalaba 'yung iba, nagte-take ng shower, kinakausap through phone ang mga magulang nila . . .
"Nope. Not yet." tipid na sagot sa akin ni Nico.
Naalala ko 'yung gabing 'yon na halos nalaman namin ang sikreto ng bawat isa. Naalala ko ang sinabi ni Nico noon. Na kapag natatakot siya, he choke himself up hanggang hindi na siya makahinga. In short, he's suicidal. Pasimple kong pinagmasdan si Nico. Nakababa na ang tirik na tirik niyang buhok at mas tumamlay siya ngayon. Gusto kong tanungin kung may problema ba siya pero natatakot akong magtanong.
"Nerry!"
Napalingon ako sa may hagdanan at nakita kong si Cha ang tumawag sa akin. Tumayo ako at naglakad papunta sa kaniya.
"I need help." nakanguso niyang sabi. Napangiti ako at napabuntong-hininga.
"Yea, sure. What is it?" sabi ko na lamang. Okay lang naman yata si Nico na maiwan dito sa ibaba.
"Basta, come here." Wala na akong nagawa pa nang higitin ako ni Cha papaakyat sa itaas. Maybe this is the time na magtanong ako sa kaniya tungkol sa sinabi niya sa amin kaninang madaling araw.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
МистикаDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...