NERRY CARANDANG
SUNDAY
@11:02PMLATE EVENING.
Napurnada ang niluluto ko dahil sa nangyari. Halos mapuno ng iyak ni Rich ang buong unang palapag ng bahay. Mabuti nalamang at kasama ko dito si Alvin sa kusina at binibigyan n'ya ako ng company. Ipinagpatuloy na namin ang pagluluto dahil gising na silang lahat at nagtipon tipon sila sa sala.
Never pa akong nakapagluto ng mabigat ang loob at nag-aalala. Pakiramdam ko, masama na ang kalalabasan ng luto ko.
Patuloy ang pagtingin ko sa dako nina Rich at Cha kahit na nagluluto ako. Gusto kong makita silang okay at gusto kong mapanatag ang loob ko kahit na makita lang silang okay. Patuloy si Cha sa paghagod ng likod ni Rich pero patuloy parin ito sa pag-iyak.
"Ner."
"Ha?" tumingin ako sandali kay Alvin.
"Your hands are shaking."
Tiningnan ko ang dalawa kong kamay na nanginginig. Mabilis kong pinahid ang dalawa kong kamay sa aking pantalon. Hanggang ngayon, nakapantalon parin pala ako.
"I-I'm fine." sabi ko na lamang. Labis parin ang pag-aalala ko sa'min. Hindi parin namin makausap si Rich dahil halos nakatikom nalang ang bibig n'ya all the time at puro iyak nalang s'ya.
"I think she's got a nightmare."
"It's not just a nightmare, Al. Tingnan mo s'ya," Itinuro ko si Rich na nandodoon sa sala. Tahimik lang ang mga boys roon pero nakita kong nakatingin sa amin si Ar. Inalis n'ya ang tingin n'ya nang makitang nakita ko s'ya.
"She's got over reacting."
Inirapan ko nalang si Alvin. There's no way na mananalo ako sa kan'ya. Imposible itong sinasabi n'ya patungkol kay Rich. Kung ako, nagkaroon ng nightmare, hindi naman ako magwawala at iiyak ng katulad nang ginawa ni Rich at kasalukuyan paring pag-iyak hanggang ngayon.
Pinatay ko ang kalan at inilagay ang luto ng gulay at giniling na karne sa malaking bowl.
"Tapos na ako rito." sabi naman ni Alvin.
"Thanks. Papalamigin ko parin 'to." pagtutukoy ko sa gulay na naluto.
"Good. Tara na muna sa sala."
"Magsasaing pa ako, e. Mauna ka na." sabi ko nang maalala kong wala pa nga pala kaming sinaing. Tumango si Alvin at kinuha ang camera n'ya sa pinagiwanan n'ya kanina. Nagpunta na s'ya sa sala pagkatapos niyon.
Kinuha ko ang malaking kaldero dito sa ibabang kabinet kasama ng ilan pang kasangkapan sa kusina. May mga malalaking kawali pa roon. Sanay na ako sa kusina—at ganito rin ang type ng kusina namin sa bahay—kaya medyo alam ko na kung saan nakalagay ang mga kawali, kaldero at iba pa.
Nasabi nadin naman sa amin ni Mang Manuel—ang landord ng bahay na 'to—na p'wede naming gamitin ang mga gamit nila dito sa bahay. Tulong na daw nila iyon sa amin kapalit ng gagawin naming paranormal activity dito.
Way narin kasi ang gagawin naming activity para malaman namin kung totoo nga bang may multo sa bahay na 'to. Babalik na ata rito ang pamilyang Clemente kapag nalaman nilang wala ng multo sa bahay nila. But, I don't think so na mapapatunayan naming wala nga. Ngayon palang.. mukhang may masama nang nangyayari.
Naglagay ako ng anim na tasang bigas sa kaldero bago iyon hugasan. Isinalang ko na sa kalan matapos ko iyong maiready. Nag-iisip pa ako ng iba ko pang p'wedeng gawin dito sa kusina dahil ayokong magpunta sa sala. Baka kasi mapaiyak lang ako roon. Kapag kasi nakakakita ako ng umiiyak
"Thanks Nerry."
Agad akong nilingon kung sinoman 'yon at nakita ko naman kaagad si Ar na nakatayo doon sa may paanan ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...