NERRY CARANDANG
DAY TWO - TUESDAY
@9:04PMWALANG MULTO. Nasa imahinasyon lang natin sila at minsa'y nasa 'ting masasamang panaginip. They're just fooling and scaring us. Paraan nila 'to para mapaniwala nila tayong totoo sila. At kumbinsing kumbinsi naman ako. Pero kung walang multo, ano 'yung mga nakikita natin? 'Yung mga . . nararamdaman at nararanasan namin ngayon dito sa bahay kung saan kami naroroon?
Hindi ko maiwasang hindi isipin ng malalim ang sinabi ni Nico sa 'kin noon. Na ang mga demons talaga ang mga multong nakikita natin. Kumbaga, nagkakatawang-multo lang sila para mapaniwala nila tayong mayro'ng such things like that. Sa kahuli-hulihan, naniwala ako sa sinabi ni Nico. Na demons ang nandito sa bahay na 'to. Ang may gawa sa sinapit ni Alvin.
Bigla ko na lamang namiss sina Mama at Basty. Parang bigla kong ginustong maramdaman ang mga yakap nila. Parang gustong ko nang umuwi at h'wag nang bumalik sa bahay na 'to. Parang bigla ko nalang inayawan ang subject naming 'to na siyang may gawa kaya kami nandito sa bahay na 'to. Kapag naiisip ko 'yung mga taong namatay dito sa bahay na 'to, mga researchers and paranormalists, parang gusto kong sabihin sa mga kagrupo kong umuwi nalang kami. Na h'wag na naming gawin 'to. Takot na takot na ako.
"Nerry," Napatingin ako kay Leo nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Sorry kahapon. Muntik na kitang masaktan." sabi niya. Tipid siyang ngumiti pero alam kong pinilit lang niyang ilabas 'yon. Hindi humingi ng tawad si Leo kahapon 'nung magkagulo-gulo kami at natutuwa naman akong sa akin siya nag-sorry.
Bahagya akong napangiti, "Wala 'yun," sabi ko, "masakit ba 'yung palo sa 'yo ni Ar?" tanong ko na lamang.
Isang pagtawa ang pumuno rito sa unang palapag ng bahay. Muntik na akong mapaismid dahil sa lakas ng boses niya pero pinigilan ko ang sarili ko. "Oo! Ang sakit ng isang 'yon." sabi niya.
"Naniniwala ka ba sa multo?"
Napatigil si Leo sa pagtawa at biglang nagseryoso ang mukha. Akala ko, mas matatawa siya sa tanong ko, pero hindi pala. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa sarili ko pero gusto kong mahingi ang paniniwala niya. Napapalagayan ko narin ng loob si Leo at magaan na ang loob niya.
Umayos siya ng upo at parehas niyang ipinatong ang dalawang tuhod sa kaniyang tuhod at hita. Naihilamos niya ang kaniyang palad sa mukha niya pagkatapos. Nakita kong tumango-tango siya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Kung gayon?
"Oo, Nerry. Naniniwala ako."
"Bakit? I mea—"
"Mga demonyo sila."
Natigilan ako sa sinabi ni Leo. Nanlamig ako, para akong nilagay sa freezer.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Leo kaya naman agad akong napatingin sa kaniya. Bagkus na matawa katulad ni Leo, nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong babae sa likuran niya. Sa likuran mismo ng sofa namin kung sa'n siya nakaupo ngayon . . .
"Nerry? M-May . . may nakikita ka ba sa . . l-likuran ko?"
Dahan-dahan akong tumango habang nakatitig padin sa babaeng nasa likuran niya. Napalipat ang tingin niya sa dalawang laptop na malapit lang sa kaniya at gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niya siguro ang footage ng camera namin dito sa ibaba. Nanatili ang babae sa likuran niya na hindi manlang gumagalaw. Nakataklob ang mahaba at sobrang gulo nitong buhok sa kaniyang mukha dahilan para kahit mukha o leeg niya ay hindi ko makita.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...