NERRY CARANDANG
DAY TWO - TUESDAY
@2:02AMHINDI KO alam kung ilang minuto kaming nagtitigan ni Ferdi at ng baril na nakalapag sa counter. Wala namang masamang dating sa akin ang baril na nakita ni Ferdi pero sa kaso ng lalaking kasama ko, kakaiba ang dating nito sa kaniya. Nase-sense kong may trauma na siya sa mga baril. Hindi ko alam kung tama ako ngayon sa conclusion ko. Hindi ko mapapagkatiwalaan ang hula ko minsan.
"F-Ferd—"
"S-Sasabihin ba natin sa . . . s-sa iba ang tungkol sa bagay na 'to?" tanong ni Ferdi. Napatingin ako sa salang walang katao-tao at nag-isip ng malalim. Wala namang problema sa 'kin kung sasabihin namin sa iba 'to.
"Walang problema sa 'kin kung sasabihin natin sa iba ang tungkol d'yan sa baril. Nasasa 'yo ang desisyon." sabi ko. Nakita ko ang pagkabalisa niya. "Ferdi, tumingin ka sa 'kin."
Sumunod siya sa sinabi ko at agad akong tumango-tango. "Ngayon, ibalik mo ang mga nakuha mo sa pinagkitaan mo." Sinunod niya ako at maingat na ibinalik ang baril at ang mga balang inilagay na niya ulit sa lata. Hinigit ko siya papunta sa sala at umupo kami parehas sa couch namin.
"Ngayon, magkwento ka." sabi ko.
Nagulat si Ferdi sa sinabi ko pero agad niya ring napagtantong may nalalaman ako sa nakaraan niya na kailangan niyang sabihin ngayon.
"Teka, anong tawag mo sa 'kin?"
Muntik na akong matawa sa itinanong niya. "Hindi na mahalaga 'yun." sabi ko, "Your secret safe with me." sabi ko.
"Sa Real Steel naman 'yan, e."
Tuluyan na akong napatawa sa sinabi ni Ferdi. Napatawa narin siya dahil do'n. "But seriously. Tell me."
The hesitation crossed to his pretty face. Ngumiti muna ako para pagaanin ang loob niya. Pero agad ding nag-sink-in sa utak ko ang ginagawa ko. Nagmumukha kasing pinipilit ko siya. Umilling-iling ako. "My bad. Pasensya ka na sa 'kin. Ayoko namang pilitin ka. Sa ngayon, nasasa 'yo ang desisyon kung sasabihin natin sa iba ang nakita natin." sabi ko, "Pero sa ngayon, magluluto na muna ako ng puwede nating kainin." Tumayo na ako at iniwan si Ferdi sa couch.
Nag-init ako ng tinapay na pang-amin ni Ferdi sa toaster at nagtimpla ng gatas. Mas minabuti ko na munang hindi kape ang inumin namin. Tiningnan ko si Ferdi 'dun sa sala at nakita kong nakapikit siya habang nakahiga ang ulo niya sa headboard ng couch. Bakit kaya ganun nalang ang reaksyon niya 'nung makiya niya 'yung baril? I mean, oo; pati rin naman ako nagulat, pero iba 'yung gulat niya kanina. I can't be wrong this time.
Nang matapos ang gatas naming dalawa, pinalamanan ko na 'yung tinapay namin. Tig-tatlo kaming pares. Natawa ako, para naman atang ang takaw ko. Ferdi likes mayonnaise kaya 'yun ang nilagay ko sa kaniya. Mines peanut butter. Naglakad na ako pabalik sa sala dala ang dalawang pinggan kung saan nakalagay din ang mug namin ng gatas.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...