Chapter Eight

111 8 1
                                    

NERRY CARANDANG
SUNDAY
@11:11PM

KUNG TUWID NA TUWID ang buhok ni Alvin at nakabagsak ito sa noo n'ya, ang buhok naman ni Nico ay nakataas na parang isang super saiyan. Tuwid rin iyon at itim na itim na bumagay naman talaga sa kan'ya.

"Don't mind my hair, Nerry."

"Ah?" react ko na lamang nang basahin nanaman n'ya ang utak ko. Itinuon ko nalang ang pansin sa ginagawa kong pagbabalot ng lumpia.

"Do you want to know the story behind this house, right?"

"O-Oo. Ito rin ang subject natin kaya normal lang sigurong alamin ko kung anong nangyari rito noon." sabi ko. Inilagay ko sa malinis na pinggan ang lumpia na nabalot ko na. Kumuha ako ulit ng wrapper doon sa isang pinggan at nilagyan iyon ng isang kutsarang puno ng gulay at karne.

"But your eyes doesn't telling me that that's reason kaya gusto mong malaman ang nangyari rito. You are... curious."

"I'm not curious!" sabi ko. Huli na nang mapansin kong napalakas pala ang boses ko kaya nagtinginan sa amin ni Nico ang lahat na nandun sa sala.

"I'm sorry. Okay, ngayon, magsasabi na ako ng totoo." mahina kong bulong kay Nico. "Yes, I'm.. curious sa bahay na 'to. Curious ako sa nakikita ko dahil buong buhay ko'y wala naman akong nakikitang mga multo. Kaya gusto kong malaman kung anong nangyari dito sa bahay na 'to noon." Tumigil ako saglit, "Gusto kong malaman kung may nagpakamatay ba talaga dito noon, sa ganung way, maiidentify ko kung multo nga talaga ang mga nagpapakita sa'tin dito."

"What do you mean by may nagpakamatay dito?"

Tiningnan ko si Nico. Umubo ako ng mahina. "Joke lang ni Alvin kanina."

"He always doing jokes kahit na nasa ganito na tayong kalagayan." medyo may pagkainis na tono na sabi ni Nico. I can't blame him. Medyo, nakakainis nga rin talaga minsan si Alvin. Pero.. gusto ko yung ibinibigay n'yang jolliness at mga biro kapag ganitong pagkakataon. Kahit papaano'y nawawala ang takot ko.

"Well, we should thank Alvin for that."

"Stop reading my mind, will you?" sabi ko kay Nico. Ngumiti lang s'ya at umiling-iling na para bang hindi s'ya papayag sa gusto kong pabor.

"Oh, I think luto na ang kanin."

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinihit ang kalan. Naglagay muna ako ng pot holder sa kamay bago ko iyon buksan. Baka nanaman kasi mapaso ako. Nakita ko iyong luto na. Napangiti pa ako dahil maganda ang pagkakaluto ko sa kanin.

Sa bahay kasi, hindi ko maperfect ang pagluluto ng kanin kahit na ano pang measurement ang gawin ko.

"So, back from we are talking.. i-kwento mo na sa akin ang nangyari sa bahay na 'to." sabi ko kay Nico nang makaupo ako sa upuan ko kanina. Sandali akong tumingin sa relo sa itaas ng hallway na iniwanan naming bukas ang ilaw.

Ipinakita ni Nico ang phone n'ya sa akin kaya agad ko naman iyong tiningnan. Isang bahay ang nakita ko na kaparehas na kaparehas nitong bahay kung saan kami naririto.

"Handle it. Nagbabalot ako." sabi ko. Tumango naman si Nico. "Read it for me."

"So, sabi dito.. Itinayo ang bahay na 'to noong 1980's. Famous 'to dahil sa nangyaring mga paranormal activities na laging nauuwi sa pagkamatay ng lahat ng mga paranormalist."

Bago pa man makaimik si Nico kinut-off ko na kaagad s'ya.

"Teka, ano? May mga gumawa na ng mga paranormal activities rito and they end up all to death?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Is this a kind of joke? Because it isn't funny!

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon