NERRY CARANDANG
DAY ONE - TUESDAY
@8:58AM“IT’S EIGHT fifty ei—nine in the morning at nandito kami ngayon sa sala. Our ghost sound detector just detect some energy sa itaas ng bahay base sa layo nito. Puwede ring sa laundry pero masyado iyong malapit,"
Rinig ko mula sa aking tayo ang pagbi-video ni Alvin sa amin. Ibinalik ko ang tingin sa mga ka-grupo ko na nakabilog padin. Kami nalang ni Nico ang nakaupo rito sa couc at sila'y nakaupo sa lapag at nakabilog sa machine.
"Totoo ba talagang may multo?" I dare to ask Nico. Halos bulong ang ginawa ko. Alam ko naman kasi na sasagutin niya ako ng maayos. At baka kapag nadinig ng iba naming ka-grupo ang tanong ko, baka matawa lang sila.
"There's no such thing about ghosts, Nerry. It's the devil's thing. Well, 'yun ang paniniwala ko."
Nakakunot ang noo kong napatingin sa kaniya. Devil? "Anong koneksyon ng devil sa multo?" pagtatanong ko.
"Ang mga multong nakikita mo ay gawa lang ng mga... devil. Mga devil talaga sila, na nagpapanggap na mga multo just to scare people. It's the devil's nature. Ang mapaniwala nila tayo. Pero ang sabi ko nga, ito ang paniniwala ko. H'wag kang maniwala kung ayaw mo."
Hindi na ako nakaimik pa sa sinabi ni Nico. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya. Pero tama siya, 'yun ang pinaniniwalaan niya. Nasasa'kin nalang kung maniniwala rin ako run. Siguro, kailangan ko pa ng mabuting eksplenasyon.
Nakita ko nalang na papunta na sa itaas sina Ferdi, Alvin at Leo. May hawak na kahoy si Leo na nalaman kong 'yun din 'yung pinanghampas sa kaniya ni Ar. May hawak namang kutsilyo si Ferdi na siya ring hawak ni Cha kanina nung nagluluto siya. Camera lang ang hawak ni Alvin, nasa hulihan siya 'nung dalawa.
Napatayo ako sa kinauupuan ko, ganun din si Nico.
"Kinakabahan ako." bulong ko sa sarili ko.
Nakita kong nasapo ni Rich ang dalawa niyang palad sa kaniyang mukha. Napaupo naman si Cha sa lapag habang punung-puno ng pag-aalala ang mukha. Muntik ko nang makalimutan na mayro'n nga pala siyang niluluto kaya tinapik ko siya at sinabing may niluluto siya. Ngayon niya lang din naalala na nagluluto siya. Agad siyang pumunta sa kusina na may nag-aalala paring ekspresyon sa mukha. Napadako naman ang tingin ko sa aming lider. Nakatayo siya at pabalik-balik sa iisang puwesto. Okay lang ba siya?
"Ar's not fine. Ganiyan siya kapag nag-iisip ng malalim."
"Ikaw, okay ka lang ba?" pag-iiba ko ng aking tanong. Sandali siyang natigil at napatitig sa akin. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na papunta roon sa hagdanan. Sumigaw si Ar na huwag akong aakyat sa itaas pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa 'kin at bakit bigla ko nalang ginustong umakyat.
"Al..Alvin?" pagtawag ko sa pangalan ni Alvin nang makaakyat ako sa itaas. Wala sila sa paningin ko kaya sandali akong tumigil sa paghakbang at pinakiramdaman ang paligid. Hindi dapat ganito ka-tahimik dito sa taas pero bakit ganito? Inilinga-linga ko ang paningin sa mga bukas na kwarto sa malayo pero hindi ko marinig sina Alvin doon.
"F-Ferdinand?" pagtawag kong muli. Humakbang ako papunta sa unang kwarto; kwarto nina Rich, pero agad akong napalayo nang maramdaman kong parang may umihip sa aking kanang tainga.
"Haa!" gulat kong daing sabay lingon sa aking kanan. Wala akong nakitang kahit na ano roon kun'di isang painting ng bulaklak na nakasabit sa lumang pader. Nang tingnan ko ang harapan ko, agad na nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong babae sa aking harapan. Para akong napunta sa makalumang type ng bahay na ito dahil nang tingnan ko ang paligid ko rito sa itaas ng bahay, ang mga pader ay mas lumuma at nagkabitakbitak. Ng lapag na inaapakan ko ay hindi na sementado kun'di kahoy na mukhang anumang oras ay puwede akong ibagsak papunta sa ibaba. Mahaba ang buhok ng babaeng kaharap ko at mayroon siyang buhaghag na nakasaklob sa kaniyang mukha. Nakasuot siya ng panjama at damit na puti na mukhang hindi napapalitan ng ilang linggo. May bahid siya ng dugo sa damit at may malaking dugo sa gitna ng pajama niya sa tapat ng maselan niyang parte na roon na natuyo.
"Haaa.." walang sigaw na lumabas sa bibig ko kun'di isa lamang hirap na pagkuha ng hangin. Napaatras ako nang humakbang ang babaeng nasa harapan ko papunta sa akin. Itinaas niya rin ang isa niyang kamay na para bang gusto niya akong abutin papunta sa kaniya. Agad kong napansin ang mga pudpod niyang kamay na nagdurugo. Nanginginig ang buo niyang katawan habang humahakbang na para bang hirap na hirap siyang maglakad pero pinipilit niya lang dahil gusto niya akong maabot.
Hindi ko alam na napaatras na pala ako sa hagdanan dahilan para mawalan ako ng balanse at tuluyang bumagsak. Nakaramdam ako ng matagal na sakit bago ako mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...