Chapter Twenty Three

70 4 0
                                    

NERRY CARANDANG
DAY TWO - TUESDAY
@2:04PM

HINDI KO ALAM kung ilang oras na ba akong nandito sa kwarto namin ni Nico—hindi, nasa kama niya talaga ako, nakaupo, habang naghihintay na magising siya. Kanina pa siyang five in the morning hindi nagigising 'nung makita namin ang kalagayan niya sa footage ng camera ng kuwarto namin 'dun sa baba. Si Ferdi ang nakakita no'n, night vision din kasi ang cctv cameras na pagmamay-ari niya, at siya rin naman ang may toka sa laptop 'nung oras na 'yun dahil nagha-hack kami ng isanh website. Nakita nalang namin si Nico na nakahiga sa lapag ng kuwarto namin at nangingisay. Hindi parin siya nakakakain manlang. Nag-aalala na kaming lahat sa kaniya. Most of all, me.



At nang tingnan namin ang back footage ng camera 'dun sa kwarto namin bago mangisay si Nico sa lapag, nalaman namin nagblack out pala ang camera. Nagpitch black at walang macapture ang camera 'nung 4:35 at naging okay naman na ulit si Nico nang um-okey nadin ang camera sa oras na 4:48 in the morning. Unbelievable. Alam na ng lahat ang nangyari sa footage na 'yon at maging si Ar at Ferdi, hindi rin makapaniwala. Nalaman din namin 'nung oras na may nakita si Rich na babae run sa kuwarto nila ni Leo, naging pitch black din ang footage ng camera sa kuwarto nila. Hindi namin magawang malaman kung anong dahilan at bakit para yatang kapag may nangyayaring masama, nagiging pitch black ang footage sa ilang mga camera. Dahilan para hindi namin makita kung ano talagang nangyari.



Tiningnan ko ulit si Nico na tulog padin hanggang ngayon. Natetempt akong punasan ang noo niyang mayro'n nang mga butil ng pawis pero 'di ko magawa. Alam ko kasi na makikita ako ng mga footage cams sa baba; si Ferdi at si Leo ang nagbabantay do'n ngayon. Isa narin sa dahilan ay dahil 'yung ginagawang hacking ni Ferdi sa website na •Rec na hindi alam ng iba naming nga ka-grupo.



"Nico." pagtawag ko sa pangalan niya. Pero hindi ako nakakuha ng sagot o gumalaw manlang siya ng bahagya.



Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nakitang iisa lang ang bar ng signal na nando'n. Naalala kong mage-expire na pala ang load ko mamayang gabi kaya dali-dali akong nagtype ng message para replayan si Mama sa mga texts niya.

To: Ma
Okay lang kami rito, Ma. Kumakain kami ng maayos at ako ang nagluluto rito madalas. Mag-iingat kayo ni Basty. Hindi ko masasagot ang mga tawag mo Ma dahil busy kami rito. Text nalang ulit kita Ma.
Sent. 14:10

Nagbrowse ako ng mga messages na natanggap ko na hindi ko pa nabubuksan. Karamihan sa mga messages na natanggap ko'y galing sa sim network ko na nangeenganyong magload na ng bago nilang registering instructions para sa bago nilang promo. Perks of being single kaya ganito halos ang messages sa inbox ko. Pero bukos sa sim network messages ko at kay Mama, isang unknown number ang nakita kong naligaw sa inbox ko. Binuksan ko kaagad 'yon.

Sender: 09464358669:
Hi :)
Sent at 13:44:12

Napakunot ang noo ko at agad na napaisip kung sino kaya ang taong nasa likod ng message na natanggap. Dahil may load pa naman, nireplyan ko ang message ng, Sino 'to?.

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon