NERRY CARANDANG
DAY TWO - TUESDAY
@11:25PMNARINIG KO ANG malalakas na mga sigawan ng mga kagrupo ko sa pangalan ko nang bigla na lamang akong magtatakbo papunta sa direksyon ng bahay na kanina pa naming kinatatakutan pasukin.
"Nababaliw ka na ba Nerry?! NERRY!"
Nadinig ko ang malakas na sigaw ni Rich sa malayo. Nalaman ko na lamang na nasa harapan na ako ng front door ng bahay. Siguro nga baliw na ako. Siguro nga kabaliwan itong mag-alala ng sobra sa kalagayan ni Alvin na naiwan pala sa itaas. Agad kong pinagsisihan na hindi ko kaagad naalala si Alvin kanina. Madami naring minutong lumipas at ni hindi ko manlang siya naisip. Mahina akong napamura. Hindi talaga ako palamura pero kapag natatakot ako at nasa kapahamakan ako, otomatiko akong napapamura kagaya nalang ngayon.
Sandali akong tumigil sa tapat ng front door ng bahay. Ito ang pinasukan noon ng mga paranormalists and researchers who end up all dead. Nasa lupa na ang mga bangkay nila at baka sumunod na ako sa kanila kapag pinasok ko ang bahay na 'to. Ngayon, naniniwala na ako sa paranormal. Naniniwala na akong mayroong beyond normal sa mundo na nagaganap.
Hindi ako nagdalawang-isip na pasukin ang loob ng bahay kahit na sobrang dilim. May kaunti na akong naaaninag sa loob ng kabahayan pero halos ang malawak lang na sala ang nakikita ko. Naririnig ko pa ang mga sigawan ng mga kagrupo ko sa pangalan ko pero hindi na ako babalik pa at aatras. Naiwan namin si Alvin dito sa loob at hindi ko matatanggap kung may mangyari pang masama sa kaniya. Malala ang lagay ng katawan niya dahil sa hindi pa namin matukoy na dahilan at kung mas lalala 'yon baka ikamatay pa niya. Napailing ako, walang mamamatay sa 'min dito. Kung anumang mayro'n sa lintik na bahay na 'to, we're not going back. Kakayanin namin 'to at makakauwi kami ng ligtas; ng magkakasama.
Inilinga ko ang aking paningin sa kusina pero purong itim lang ang nakikita ko ro'n. Black out. Para akong susugod sa kadiliman na kailanman ay hindi ko naging kasundo. Noong bata ako, I'm always scared of the darkness. Gusto ko, palagi akong nasa liwanag dahil pakiramdam ko, safe ako mula sa mga kinatatakutan ko sa dilim pero tingnan niyo 'tong ginagawa ko ngayon, susugod ako sa kadiliman para magligtas kahit na sobra akong natatakot.
Dahil naaanig ko pa ng kaunti ang direksyon ng hagdanan, naglakad ako papunta roon. Sobrang tahimik dito sa loob ng bahay pero kagaya sa mga movies at babasahin, parang may nakatingin sa akin at pinagmamasdan ng mabuti ang mga gagawin kong galaw. Pakiramdam ko, anumang oras, may kukuha sa katawan ko at itatapon ulit ako sa pader katulad ng nangyari sa akin kanima.
Iwinakli ko lahat ng iniisip ko at nagtatakbo na papuntang hagdanan. Umakyat ako at habang tumataas ako, sobrang dilim na ng nakikita ko. Pero biglang may lumiwanag ng kaunti mula sa taas na para bang galing sa isang flashlight. Nabuhayan ako ng loob.
"A-ALVIN?!" sigaw ko. Pero walang tumugon sa sigaw ko. Ni kaunting tunog na maaari kong madinig, wala. Nakakapanindig balahibo ang katahimikan at kadiliman dito sa loob.
For the second time, may kaunting liwanag na sumulpot sa itaas ng bahay. Inihakbang ko ang paa ko papataas sa natitirang isang baitang ng hagdan. Inilinga ko agad ang mata ko sa pinanggagalingan ng maliit na ilaw. Nakita kong nasa unang kuwarto 'yon na halos ilanh hakbang ko lamang ang layo. Ngayon ko lang napagtantong ito ang kuwarto nina Alvin at Ferdi.
"Alvin?!" tinawag ko ulit ang pangalan niya bago ako pumasok sa kuwarto na sadya ko. Sobrang dilim sa kuwartong 'to kagaya rin ng buong kabahayan pero agad na bumaba ang tingin ko sa phone na nasa lapag. Nagpapatay-buhay 'yon na para bang may tumatawag. Nagtatakbo ako papasok ng kuwarto at agad na dinampot ang phone sa lapag na hindi ko alam kung sinong nagmamay-ari. Siguro'y sa katarantahan ng lahat kanina'y naiwan nila ito rito.
Pero agad akong natigilan nang may malamig na bagay ang humawak sa paa ko. Napairit ako't napatalon ng bahagya. Nang tingnan ko ang lapag gamit ang ilaw ng phone na hawak ko, nakita ko roon ang isang lalaking duguan. Hubad baro at tanging shorts lang ang nagtatakip sa ibaba niyang katawan. Napaluhod ako sa lapag at saglit na nabitawan ang aking phone na hawak. Gumawa ang phone ng kaunting tunog nang hayaan kong malaglag sa lapag.
Kilala ko kung kaninong katawan 'to. Kilala ko ang taong nakahiga ngayon sa lapag na 'to na halos pinilit niya lang na hawakan ang paa ko para mapansin at makita ko siya. Ito 'yung lalaking minsan nang nagpasaya sa 'kin at mananatiling pasasayahin ako. Hinawakan ko ang dibdib niya, kinuha ko ang ulo niya para maihiga 'yon sa mga hita ko. Nagkatinginan kami ni Alvin at kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Kung may paraan lang para marehistro ang sakit na kanina pa niyang iniinda papunta sa 'kin, baka kanina ko pang ginawa.
"A-Alvin . . . Alvin . ." pagtawag ko sa kaniya. Pumatak ang luha ko sa mismong pisngi niya kaya naman pinahid ko iyon gamit ang nanginginig kong kamay. Naramdaman kong basa na ang kamay kong nakahawak sa ilalim ng ulo niya kaya naman nataranta akong baka dugo 'yon. Nahulog ba siya rito sa lapag? Bakit hindi ko siya naisip kanina? Dapat pinuntahan ko siya rito sa itaas.
Hindi parin namamatay ang phone na nasa tabi namin. Ito ang ang nagsisilbing ilaw namin sa letcheng kadiliman na baka kainin kami anumang oras. Sa totoo lang . . natatakot nadin ako ngayon katulad nang nakikita kong ekspresyon ni Alvin ngayon. This is the first time na makita ko siyang natatakot at naiinis ako. Ayokong katakutan 'tong bahay na 'to dahil hindi 'to deserving sa takot namin. Anong deserving? 'Yung takot na baka may mawala sa 'yo—na mahal mo, na nararamdaman ko ngayon.
"Nerry . . ," iniyuko ko ang mukha ko para marinig ko ang sinasabi ni Alvin. Ibinaba niya ang kamay niya papunta sa kaniyang tiyan na may pasa.
"What is it?" bulong ko sa kaniya.
"I . . I never had a chance noong freshmens pa tayo na sabihin ko sa 'yong crush kita. N-Ngayon lang taong 'to at semester na 'to ako nakakita ng pagkakataong makaclose kita kaya naman—aghk."
"Anong masakit?" agad kong tanong. Umiling-iling si Alvin at hinawakan ako sa aking pisngi gamit ang kaniyang kamay.
"Stop crying."
"I'm n-not crying you chipmunk." agad kong sabi. May maliit na ngising lumabas sa bibig ni Alvin dahilan para mapatawa ako nang mahina. Sandaling nawala ang mga takot namin sa isa't-isa dahil don'n. Pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa dalawa kong pisngi. Ayokong makita ni Alvin na umiiyak ako. Gusto kong makita niya akong malakas para maging malakas din ang loob niya.
"You can stand? Tara, bumaba na tayo." ibinangon ko ang ulo ni Alvin pero dahil mabigat siya at masakit ang nararamdaman niya sa bawat parte ng kaniyang katawan, doble ang ginawa kong puwersa para maibangon siya. Malaki rin kasing tao itong si Alvin.
"Hindi mo alam kung gaano ko ginustong tawagin mo ako sa pangalan ko."
Tagaktak ang pawis ni Alvin na halos parang katatapos niya lang maligo dahil basang-basa ang buhok niya. Nakita ko nga ang pagpatak ng butil ng pawis mula sa dulo ng buhok niya na nakababa sa kaniyang noo.
Tinitigan ko siya, "Seriously, Al? Ngayon ka pa nagko-confess? Bumaba na muna tayo at sa baba ka magconfess. Let's go." Itatayo ko na sana siya pero hinigit niya ako pabalik dahilan para mapaupo ako sa lapag.
"Ano ba Alvi—"
"M-Maybe I'm gonna die here just like those people na namatay dito."
Bago pa man siya may masabi pang iba, hinigit ko na siya papatayo at agad na hinawakan ang baywang niya. Itinaas ko ang isa niyang kamay at ikinapit sa aking leeg habang nakahawak naman ang kamay ko sa kamay niya.
"Walang mamamatay sa 'tin dito. Wala nang kukuhanin ang bahay na 'to. Hindi tayo." bulong ko. Matapos kong sabihin 'yon ay ang pagpatay din ng ilaw ng phone na nagsilbing liwanag namin kanina. Nabalot kami ng kadiliman na para bang gustong gusto nito kaming kainin. This is why I never like the darkness.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
FantastiqueDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...