Chapter Nine

126 8 0
                                    

NERRY CARANDANG

DAY ONE  - MONDAY
@12:01AM

SAKTONG ALAS DOSE ng gabi, luto na ang lahat ng pagkain. Ayos na narin ang walong pinggan na nakalagay sa lahat ng harapan ng mga upuan. Saktong walo ang mga upuan. Tatlong magkakaharapan at dalawa na nasa magkabilang gilid. Ininit nalang ulit ni Nico ang tubig at pinaglalagay sa lahat ng mga mug sa tabi ng bawat pinggan.

Napagkasunduan rin namin na pagkatapos nalang naming kumain, linisin yung dugo sa itaas. Baka masuka kami kapag inuna namin iyon bago kumain.

"Hooo! Salamat Nico." sabi ko sa kan'ya. Nagpahid ako ng pawis gamit ang dalawang braso ng damit ko.

"Ayos lang. Sige, tawagin ko na sila." sabi ni Nico. Tumango nalang ako. Naisipan kong mamaya nalang muna ako magpapalit at maliligo.

Agad na nagsipuntahan ang lahat dito sa kusina. Nakaramdam ako ng pagkahiya kaya tumalikod ako at kumuha ng tubig sa ref. Pagkaharap ko, muntik ko nang mabitawan ang pitchel na hawak ko kun'di lang nahawakan iyon ni Alvin.

"B-Bakit? Tabi." sabi ko. Hindi ako makatingin sa mga mata n'ya. Kinuha ko ang pitchel sa kamay n'ya at umiwas kaagad sa kan'ya. Umupo ako sa upuang inupuan ko kanina.

Uupo na sana sa tabi ko si Nico pero agad na umupo roon si Alvin.

"Sorry p're. Dito ko na talaga balak na umupo kanina pa." sabi ni Alvin. Ngumiti lang ng tipid si Nico at doon umupo sa inupuan n'ya kanina sa harapan ko. Mabuti nalang at s'ya na ang naga-adjust sa ugali nitong si Alvin.

Naglagay ako ng tubig sa baso ko at ininom iyon. Nang makaupo na ang lahat, nag-open si Rich ng isang panalangin.

"Kain na tayo! Salamat sa amin ni Nerry, nagawa namin lahat ng 'to!"

Napaismid ako sa sinabi ni Alvin. Medyo pasigaw pa n'ya iyong sinabi. Hindi ganoong kahina ang ulo ko para hindi malamang pinaparinig n'ya kay Nico na kami lang talagang dalawa ang nagluto.

"Salamat Nerry." nakangiting sabi ni Cha. Ngumiti nalang ako ng tipid.

"Tulung tulong kami ritong tatlo nina Alvin at Nico." sabi ko. Nagkatinginan kami ni Nico at ngumiti s'ya sa akin. Napansin iyon ni Alvin kaya agad siyang napa tsk!.

Ano bang problema n'ya? Mabait ang pakikitungo ni Nico sa akin kaya magaan ang loob ko sa kan'ya. Wala nang lalampas pa ro'n.

...Wala na nga ba?

Nagsimula nang kumain ang lahat. Medyo okay na si Rich dahil nasa mukha na ulit n'ya ang normal n'yang mga mata. Namumula parin ang mga mata n'ya pero makikita mo talaga na okay na s'ya.

Halos tunog lang mga kubyertos ang maririnig sa buong unang palapag ng bahay. Walang may gustong magsalita. Napatingin ako kaagad kay Leo nang umubo s'ya.

"Hindi ko alam na nagkabit na pala kayo ng mga CCTV cameras. Akala ko, ngayon palang natin gagawin 'yon?"

Nagkatinginan kaming apat nina Ferdi. Napatingin ang iba pa naming ka-grupo sa mga kisame na mukhang ngayon lang nila nalamang may mga cameras na roon.

"Oo nga 'no? Hindi ko napansin. Anong nangyari? We have a plan." medyo may pagkainis sa tono ng pananalita ni Ar. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa aming apat nina Ferdi.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong hinawakan ni Alvin sa braso. Hindi ko alam pero may dumaloy na kuryente roon kaya napatahimik ako bigla.

"Nakakita si Nerry kanina.. kami pala ng.."

"Ng ano?" si Cha ang nagtanong. Tumayo si Alvin sa kan'yang upuan at kinuha sa sala ang kan'yang camera. Mabilis s'yang nakabalik dito sa dining.

"Watch this."

Inilagay ni Alvin ang camera sa dibdib n'ya para kitang kita ng lahat. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko ng tahimik. Gumaya sa akin sina Nico at Ferdi.

Plinay rin ni Alvin ang video na kinunan namin noong may makita akong silhouette doon sa madilim na hallway. Nanunod narin ako dahil hindi ko pa iyon napapanuod.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig nang mapanuod ang video namin roon sa madilim na hallway. Dahil may night footage ang camera ni Alvin, kitang-kita namin ang isang babaeng nakatalikod na dahan-dahang naglalakad kasabay namin. Napaatras ako nang humarap ang babae sa video na may nakakatakot na mukha. Maputi s'ya pero malaki ang mga mata at may sabog na buhok na mukhang hindi naliguan ng matagal na panahon. Hindi ko ma-identify kung multo s'ya oh ano dahil hindi parin talaga ako makapaniwala na may mga multo.

Nakabig ko ang baso ko na may tubig pero mabuti na lamang at nakapitan agad iyon ni Ferdi bago pa man mabuhos sa akin ang tubig. Itinutok ko ulit ang mata sa camera. Lahat kami'y nanunuod at halos maiyak na sa takot ang dalawa ni Cha at Rich. Nanlalaki naman ang mukha ni Ar at mukhang hindi s'ya makapaniwala sa nakikita.

Nakatitig ang babaeng nakakatakot sa mismong camera ni Alvin na mukhang nasa below ng dibdib n'ya nakatutok. It means, na nakayuko yung babae sa video pero naglalakad parin papaatras kasabay namin. Nagsimulang tumawa si Alvin at magsalita na tigilan ko na ang ginagawa ko sa kan'ya. Pero nalaman naming lahat na ang babae pala na kasalukuyan paring nakatutok sa camera ang gumagawa niyon kay Alvin.

"Teka, ano nang nangyayari?" tanong ni Alvin. Mukhang hindi pa n'ya nakikita ang footage na 'to. Pipigilan ko sana s'yang tumingin sa camera pero naiyuko na n'ya ang ulo n'ya. Napasigaw s'ya ng malakas at naitapon n'ya sa malayo ang kan'yang camera. Pero patuloy ang sounds niyon na umaandar. Nagpapatunay na hindi namatay ang camera noong maitapon ni Alvin.

Nagkatinginan kaming lahat na magkakagrupo nang marinig namin sa video ang mahinang pagtawa noong babae. Napansin ko ang panginginig ng mga kamay ni Alvin na nasa tabi ko kaya agad kong hinawakan ang mga kamay n'ya. Takot na takot parin s'ya at nanlalaki parin ang mga mata n'ya.

"Please! Turn off that cam! Ahhhh!" nagsimula nang umirit si Rich pero wala ni isa sa aming may lakas ng loob na umalis sa kan'ya-kan'yang upuan.

Hanggang sa tumayo si Leo sa silya n'ya at nagmartsa papunta sa pinagtalsikan ng camera ni Alvin. Hindi kakikitaan ng takot ang mukha n'ya bagkus, pawang pagkairita lang ang nakaplaster roon. Ini-off ni Leo ang camera kaya nawala ang nakakarinding mahinang pagtawa noong babae sa video. Inilapag ni Leo ang camera doon sa malapad na patungan ng mga gamit dito sa kusina.

Ilang minuto kaming walang imik. Umiiyak parin si Cha at tulala naman si Rich. Si Ar, nakanganga parin at mukhang hindi n'ya inaasahan na ganoon ang navideo-han namin. Si Nico at Ferdi, normal lang ang ekspresyon ng mukha pero mukhang nagulat rin na may ganoon pala kaming naencounter kanina.

Napatingin ako kay Leo na patuloy parin sa pagkain. Tiningnan n'ya ako at nginitian na minsan n'ya lang gawin.

"Sarap ng luto mo, Nerry. Dabest."

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon