NERRY CARANDANG
DAY ONE - TUESDAY
@2:02PMNANG MAGMULAT ako ng mga mata, nakita ko ang mga mukha ng mga ka-grupo kong mukhang nakapamilog sa akin. Luminaw ang paningin ko at nalaman kong tama ako sa aking hinala; nakapamilog nga sila sa akin at mukhang kanina pa nila akong binabantayan. Wala pang nagbantay sa pagtulog ko noon kun'di sina Mama at Benny lang. Nakakahiya kung binantayan nga nila akong matulog. Ramdam kong nakahiga ako sa sofa na mukhang hinigaan din ni Leo kanina 'nung nahimatay siya. Teka, ano nga bang nangyari? Ang huli kong natatandaan. . .
"Aghn." napadaing ako nang maramdaman ko ang matinding pananakit ng aking katawan nang bigla akong bumangon. Agad kong pinagsisihan ang ginawa kong pagbangon. Masakit din ang ulo ko pero dahil mas nakakaramdam ako ng pananakit ng binti ko, mas 'dun tumuon ang pansin ko. Tinulungan ako ni Cha na bumangon. Ang huli kong natatandaan ay may nakita akong babae na nasa hindi mabuting kalagayan. Bumalik ang ala-ala niya sa isip ko dahilan para mapahawak ako sa aking dalawang ulo.
"Nerry! Okay ka lang ba?!" nakita ko si Cha na nakaupo sa lapag habang nakaharap sa akin. Pinahiga niya ulit ako at nilagyan naman ni Nico ng isa pang unan ang ulo ko para makahiga ako ng maayos. Hindi ako makapagpasalamat sa kanila dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Napansin ko si Alvin na nasa kabilang couch at nakatingin sa akin. Ganun padin kalamig ang ambiance niya pero hindi makakalusot ang pag-aalalang nakaplaster sa mukha niya. Maisip ko lang na nag-aalala siya sa'kin, may kakaiba akong nararamdaman.
"Ferds! Dalhan mo ako ng pagkain dito, dali!" rinig kong sigaw ni Cha. Napatitig nalang ako sa kisame. Gusto kong magtanong kung anong nangyari pero mamaya nalang siguro. May naamoy akong beef spicy noodle dahilan para maglaway ang loob ng aking bibig. Nakita ko na lamang na may ibinigay na bowl si Ferdi kay Cha. Umalis nadin si Ferdi pagkatapos.
Sumandok ng sabaw si Cha sa bowl at pagkatapos ay hinipan niya 'yon. Iniaro niya ang kutsara sa akin nang malaman niyang wala na iyong gaanong init. Ibinuka ko ang bibig at nang maramdaman ko ang sabaw sa aking bibig, medyo umokey na ang pakiramdam ko.
"Ramen 'to. Beef spicy flavor. Favorite mo. Kailangan mong maubos 'to." nakangiting sabi ni Cha. Gusto ko ron siyang ngitian pero hanggang tingin nalang ako. Napaismid ako ng maramdaman ang sakit sa aking binti.
"Ar, wala ba tayong pain killer diyan? Nakakaramdam na ng sakit si Nerry."
Agad akong kinabahan sa sinabi ni Cha. Ano ba talagang nangyari sa'kin?! Hinawakan ko ang braso ni Cha kaya naman nagulat siya. "Nerry naman! Nakakagulat ka." sabi niya.
"...A-Anong.. nangyari?" pagtatanong ko. Mabuti nalang at nakakapagsalita pa ako. Kung may nangyari mang masama sa'kin, salamat at hindi nadamage ang bibig ko.
Dumating si Leo at Ar sa harapan namin. Dahil nakahiga ako, kitang-kita ko ang mga mukha nila. "Sasabihin ba natin sa kaniya?" rinig kong tanong ni Cha sa dalawa. Ramdam ko parin si Nico sa may kabilang sofa at si Alvin doon sa kabila.
"Nerry, nahulog ka sa hagdanan. Medyo nabalian ang paa mo pero okay na siya ngayon," nakahinga ako nang maluwag nang malamang okay lang ang kalagayan ko at walang naputol sa'king kahit na nong parte base sa sinabi ni Ar. "mabuti nalang at naligtas ka niya."
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...