Chapter 31: Her Father

600 34 19
                                    

This chapter is for you @drthyntv_. Enjoy!

-------

River Ehren Cruzveda's POV

Nagising ako sa loob ng isang maliit na kubo. Where the hell am I? Ginala ko yung paningin ko tsaka inalala yung nangyari kahapon.

"Sh*t..." napabangon ako tsaka lumabas. Nadatnan ko dun yung lalakeng sumundo sa akin kagabi. Yuwi's Father, Arch Corveral.

"You're awake." sabi niya habang nagsisiga ng kahoy.

"I'm sure their hunting me. Hahaha." sabi niya tsaka binaba yung palakol na hawak niya. Kahapon habang naghahanap kami ng treasure para sa treasure hunting, nakita ko siya habang nakatitig sa akin. Akala ko kasamahan siya ni Dr. Algor pero nagulat ako nang abutan lang niya ko ng papel. May nakasulat doon na "I'm Yuwi's father. Please do cooperate, Kenneth's Son." Pagkabasa ko nun, sinikmuraan niya ko hangang sa magising na lang ako kanina.

"Base sa itsura mo iniisip mo ba yung pagsuntok ko sayo kahapon? Hahaha... Ok lang yun, medyo napasakit lang kasi balita ko may gusto ka sa babae kong anak." sabi niya kaya umayos ako ng tayo. That reminds me, tatay siya ni Yuwi kaya kailangan kong umayos.

"Babae mong anak? May iba ka pa bang anak bukod kay Yuwi?" tanong ko para maiba yung usapan. Hindi din naman nagkukwento si Yuwi ng tungkol sa buhay niya.

"You're sharp. Meron pa, lalake." sabi niya tsaka tumayo.

"Ahh... Tumatanda na ko. Are you hungry? Baka sabihin naman nila ginugutom kita." sabi niya habang nag-iinat kaya tumango ako. He seems to be carefree. Ang layo kay Yuwi.

"Edi tara na. Alam kong madami kang tanong kaya sa kainan na natin yan pag-usapan." sabi niya tsaka pumasok sa kubo. May maliit na lamesa doon na may mga nakatakip na pagkain.

"Kumakain ka naman siguro ng pritong palaka di ba?" tanong niya kaya napalunok ako. Remind yourself River, tatay siya ni Yuwi.

"I see. Sa itsura mong yan, mukhang hindi. Ahas ba gusto mo? Huhulihan kita?" tanong niya kaya napailing ako. Mas gugustuhin ko na yung palaka kaysa sa ahas.

"No sir. I... I think I'll like the frog more." sabi ko tsaka umupo sa tapat niya. Safe naman siguro tong kainin.

"Good. Hahaha... Let's eat?" sabi niya kaya nagsandok na ko ng pagkain ko. It's awkward!

"So anong gusto mong malaman?" tanong niya tsaka sumubo ng pagkain. Nagkakamay kami, it's not like I have a choice. Wala talagang kutsara o tinidor dito.

"Bakit iniwan niyo si Yuwi?" tanong ko tsaka siya sumeryoso kaya napalunok ako. Sh*t River, ang tanga mo naman. Bakit ganun yung pagkaka...

"Well, it's not like I want to leave her." sabi niya tsaka ngumisi sa akin. "Mukhang natakot ka sa itsura ko ah. Hahaha... Wag kang mag-alala good shot ka pa din sa akin." sabi niya tsaka sumubo ulit ng pagkain.

"Hmmm... I don't know if it's right to say this pero sabi ni Yuwi sa akin, mas gusto na niyang pa..." I stop it. Tama bang sabihin ko yun?

"Patay na ko? Don't think about it too much. It's normal, her wishing for my death. Mas mabuti nga yun kaysa isipin niyang iniwan ko siya o kaya naman eh ang mga kapatid ko." sagot niya tsaka uminom ng tubig. Binabantayan ba niya palagi si Yuwi? Bakit alam niya yun?

"Yuwi, Venice, Winter and Xinon, kahit magpipinsan sila, magkakapatid ang turingan nila. Ang paghihirap ng isa, paghihirap ng lahat. Kinaya nilang wala kami kaya siguro ayaw umasa ni Yuwi na buhay ako. Ayaw niyang maiwang walang magulang ang mga pinsan niya." sabi niya kaya tumango nalang ako at sumubo ng pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Doll like GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon