Chapter 4

121 6 0
                                    

Chapter 4: Hang Man

Tapos na ang tatlong araw ng pagkakasuspende ng dalawa kong kaklase na sina Analyn at Trixie. At nakabalik na rin sa pagtuturo ang gurong si Mr. Borromeo. Pero bakas pa mukha ni Analyn ang kalmot na natamo niya mula kay Trixie noong araw na sila ay nag-away.

Ngayon rin ang araw na kung saan ire-release ng mga guro. Ang bawat markang nakuha ng mga estudyante. Naging magulo ang mga magulang na kukuha, ng marka.

Pinagmasdan ko lamang ang mga magulang na nakaupo sa ilang lumang armchair, na may kinakalawang na bakal na nakaderetang naka konekta sa isang kahoy na malapad. Na kung saan nakaupo ang mga magulang. Ang bawat upuan, ay nakahelra na may animmang armchair ang isang linya. At bumubuo ito ng dalawang grupo ng mga silya. Ang isang grupo ay naglalaman ng labin-limang silya, na kung saan nakapwesto ito sakaliwang parte ng kwarto kasama ang ilang bintana.. At sa kanang bahagi ay isa pang grupo ng mga silya.

Hati ang dalawang grupo ng silya kung kaya't nagkaroon ito ng daan sa gitna. Sa unahang bahagi ng kwarto ang isang lamesang kulay abo. Na kung saan naroroon ang aming guro.

Sa likod ng nakupong guro na paharap sa mga magulang na nakupo sa tatlumpong silya sa loob ng kwarto. Sa likod nito ang isang malapad na plywood na may kulay lumot, na mayroong pabalagbag na kulay itim na guhit. Sa taas ng naturang blackboard. Na hindi ko alam kung bakit ganoon ang tawag pero hindi naman ito kulay itim.

Nasa taas nito ang litrato ni Hesus. Sa gawing kaliwa nito ang isang styro foam na dinikitan ng kulay pulang papel na inukit sa ilang mga letra. Na kung saan bumuo ito ng salita. "Honesty is the
best policy" sa kanang parte nito ang isa pang kasabihan. Sa gawing kanan ng kwarto na unahan ng grupo ng mga silya ay naroroon ang isang pinto. Na kung titingnan mo sa bandang likuran ng kwarto ito ay parteng sa kanan.

At kung nasa unahang parte ka ng kwarto ito ay sa kaliwa. Muli kong pinagmasdan ang kwarto, sa kanang bahagi ng kwarto mula sa kinatatayuan ko,  naroroon ang isang pinto mula sa unahan at ang katabi nito ang mga bintana. Sa dulo nito na kung saan gawing kanan ko ay ang isa muling pinto.

Ang buong kwarto ay pinalilibutan ng kulay ulap na pintura. Sa bandang likuran naroroon ang isang kabinet na naglalaman ng mga nilumang libro. At sa tabi nito ang isang kahon na gawa sa kahoy, doon nakalagay ang pinagsamang walis tingting, tambo, bunot, basahan.

Muli kong ineksamin ang kwarto. Sa unahan naroroon ang dalawang bentilador na nakadikit sa itaas ng dalawang karatula. Sa dalawang gilid ng kwarto naroroon din tig-isang bentilador na nakadikit sa dinding ng kwarto at sa gawing likod nito naroroon ang isang bentilador na nakapwesto sa gitnang bahagi ng dingding. Kung tutuusin mayroong limang bentilador ang isang kwarto at sa gitna ng kisame ng kwarto naroroon ang dalawang mahabang bagay. Ang ilaw na nagsisilbing liwanag ng kwarto.

Tahimik kaming magkaklase na kung saan nakatayo kami sa bandang likuran. Nakikinig kami sa ginagawang diskusyong mga mga magulang namin na nakaupo sa armchair at kausap ang aming guro, patungkol sa ilang bayarin.

Kung tutuusin halatang kinulang ng badyet ang pamunuan ng paaralan para matugunan ang lahat ng pagkukulang ng bawat kwarto at mag-aaral kung kaya't nagkakaroon ang mga silid-aralan ng ilang usapan patungkol sa mga pondong makakatulong sa mga estudyante. Isang tipikal na senaryo ito para sa mga estudyanteng nag-aaral sa isang pampublikong paaralan.

At mabilis na dumaan ang oras. Ang kaninang puno ay nabawasan at kumonti.

"Hey, kamusta grades mo?" tanong ng isang dalaga sa akin. Mula sa suot nitong kulay itim na damit na may malaking nakaimprentang "199X" at sa pambaba nito ay ang isang itim na leggings, na nagpakita nang kurba ng kanyang balakang at ang kapansin-pansin nitong puting sapatos na bumasag sa kulay itim nitong pangitaas at leggings.

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon