Chapter 5

106 5 2
                                    

Chapter 5: Debate

Isang panibagong linggo, Lunes na naman, tinatamad akong bumangon mula sa aking higaan. Ang bilis ng araw, parang kanina lang weekend. Agaran kaagad akong tumayo at inayos ang aking sarili.

Kumain. Naligo. Nagbihis. Voila!

Matapos kong gawin ang aking daily routine agad akong lumavas sa kwarto ko. Nadatnan ko ang aking inang nasa terrace ng aming bahay, at maagang nakikipag chismisan sa dakilang chismosa ng aming bayan si Aling Marineth.

"Ma, alis na po ako." pagpapaalam ko sa aking ina. Na kaagad ring naputol ang usapan nila ni Aling Marineth na kung saan utas na sa kakatawa.

Walang anu-ano'y lumabas na ako ng aming bahay patungo sa kanto para sumakay ng pampasaherong jeep patungo sa eskwelahang pinapasukan ko.

Ng makarating ako, sa eskwelahan magulo ang classroom, us usual. Nagkalat ang ilang estudyante sa labas hawak ang kanilang mga walis at dustpan para magwalis ng mga damo na nagkalat sa ground ng eskwelahan ang iba naman ay mabilisang naglailinis ng kwarto may nagwawalis, nagpupunas ng bintana.

Tumunog ang bell na kung saan unti-unting naubos ang kaninang nga estudyanteng naglilinis sa school ground. Agad rin nagtakbuhan ang mga jagaya kong tinanghali nang pumasok.

Nagkakagulo ang mga kaklase ko ng dahil sa assignment namin sa Literature. Bukod sa mamaya na ang pasahan ng mga assignment ay may isa pa kaming gagawing assignment sa P.E.

Nagkakagulo ang lahat. Hila ang armchair, dala rin ang kani-kanilang ballpen at kwaderno. At grupo grupo silang gumagawa ng takda.

Muli naming narinig ang tunog ng isang mataas na sapatos ng isang babae. Pumasok ang gurong naka uniporme  ng kulay pula at may burda itong maliliit na guhit katapat ang dalawang bulsa.

Nakapusod ito. At bitbit ang isang pahabang kwaderno. At isang puting sobre.

"Back to your own sit." maotoridad nitong saad. Kumilos ang lahat, hinila ng bawat isa ang kani-kanilang silya at ibinalik ito sa dating katayuan. At dala ng bawat paghila sa silya ay lumikha ito ng nakakangilong tunog.
Makalipas ang tatlong minuto ng kaingayan ng silya at ng mga estudyante.

Biglang nawala ito.

Tumahimik muli ang lahat. Walang ingay na nililikha. Ang lahat ay nakatuon sa gurong nasa unahan nakupo sa silya at nakapatong ang dalawang braso sa lamesa, ipinagkrus ang mga daliri at itinapat sa kanyang labi at nakaharap sa mga estudyanteng ubod ng tahimik.

"Sinong absent?" maririnig mo sa boses noya ang otoridad. Napataas pa ang kilay ng guro,  at ibinabay-bay nito ang kanyang dalawang pares ng mga mata sa mga esthdyanteng tahimik.

"Si David po," tugon ng isang lalaki na may hindi kaitiman ang kutis, may bilugang mukha,  ang labi nito'y may pagkaputla, at may taling ito sa kaliwang bahagi ng mukha. Si Lim Macalalad.

Biglang may dumating na isang guro, halos kaedaran lamang ng gurong pumasok sa kwarto o ang adviser ng mga estudyanteng kanina pang tahimik at nakikiramdam.

"Ma'am pwede ko po ba kayong makausap saglit?" tanong ng gurong ito. Kaagad namang lumabas ang gurong nakaupo sa silya o mas kilala bilang si Ginang Imelda Reyes.

Lumabas ang guro sa kwarto, at doon nag-usap sa may hallway katapat ng pinto ng kwarto. Tila ba naging pipi ang mga ito. Tanging ang pagbuka lamang ng mga ang tangi lamang na matatanaw mula sa labas.

Unti-unting nilukob ng kaingayan ang kwartong kanina lamang ay tahimik. Wala pang ilang minuto pumasok ang gurong kanina lumabas. At umalis na rin ang kausap nitong isa pang guro.

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon