Chapter 14

52 3 0
                                    

Chapter 14: Jumbled Letters

Nagising ang lahat mula sa kanilang napakasarap na pagkakatulog. Lumabas ang mga ito sa kani-kanilang kwarto na kung saan natulog na magkakaksama ang mga lalaki sa Room  303 at Room 304 naman ang mga babae.

"Nasaan na ba si Ma'am Imelda Reyes?" maaga pa lang pero mainit na kaagad ang ulo ni Trixie.
"Wag bunganga ang ipaghanap." napairap naman ang kagigising lang din na si Samantha.

Rica

Huli akong bumangon sa amin, lumabas ng kwarto at nagtungo sa hagdan pababa. Naramdaman ko naman ang presensya ng isang tao  na nasa magkabilang tabi ko. Kahit kailan hindi nila naisipang iwanan ako.

"Hoy, bruha anong nangyare sa'yo kagabi?" medyo natatawa pa ang babaeng kasalukuyang kasabay namin. Marahan niyang hinahagod ang kaniyang buhok para mapugon ito ng maayos.

"Ha, wa-wala. May feeling butterfly lang na ipis kagabi." sinabayan ko ng pagtawa ang pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling. Anong meron sa akin? Muli na namang nag flashback sa akin ang nakita ko kagabi.

Ang nakakatakot na anyo ng isang babae, sunog ang kalahati ng mukha nito. Maraming sigat ang katawan nito. Maging ang damit nito ay puno ng dugo. Madungis at gula-gulanit.

Nabalik ako sa ulirat ng makarinig kami ng sunod sunod na pagsigaw.

"Aaaaaaah!"

"Aaaaaaah!"

Makabasag pinggan ang tili ng mga kaklase kong babae ng makarating kami sa Lobby. Halos nasa labas silang lahat. Hindi ko alam kung bakit..

"Kaagad kaming napapasok nina Sheena sa loob, halos bumaligtad ang aming mga sikmura sa isang masarap na agahan ang aming natagpuan.

Ang maputla at wala nang buhay na si Ma'am Imelda Reyes.

Ang payat na katawan nito ay puno ng dugo habang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nasa gitna ito., sa paligid nito ay ang mga pinggan, baso at iba pang gamit sa amin sanang agahan. Nagmistula itong masarap na putahe. Nakasalaksak sa bunganga nito ang stick na ginagamit ng kalimitang guro sa pagtuturo, dilat ang mga mata. May gilit rin ang leeg nito na halos humiwalay na sa katawan niya. Ang mga kamay at paa nito ay nito ay puros sugat rin. Kagayang-kagaya ng sugat na tinamo ni Belinda.

Ang kapansin pansin rito ay ang mga white folder na  may sukat na one/fourth at pilitang itinindig at itinahi mula sa tiyan hanggang sa dibdib ng kaawa-awang guro namin. Basa ito nang dugo na na nanggaling sa katawan mismo ni Ma'am Imelda Reyes.

Mga numero.

11, 19 20, 5, 5, 5 16, 15, 18,
18, 25, 15, 21 23, 14 19, 5, 3

"25, 15, 21." usal ng katabi kong si Sheena, napakunot pa ang mga kilay nito habang titig na titig sa sa mga numero at papel  na nakalagay sa katawan ni Ma'am Reyes.

Dahan-dahang bumukas ang bubog na pinto ng Lobby, hudyat na may pumasok. Nilingon ko ito. Mugto na naman ang mga mata ng mga kaklase ko. May mga napatakip ang mga bibig gamit ang kanilang mga palad. Parang pilit napinipigilan ang mga sukang maaring lumabas sa kanilang mga bibig.

"A-ano yan?" natatakot na tugon ni Kyla. Bakas sa mukha nito ang takot. Ngayon ko lamang ulit ito napagmasdan palagi kasi nitong kasama si Xyriel.
"Boba! Letter at cards" binara ito ng kaklase kong si Eternity.

"Para saan yan?" tila naguguluhang tanong ni Caitlyn mula sa likod ko.Ilang linggo rin itong nawala sa klase dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Ang masamang pagkakakapatak nito mula sa ikalawang palapag, dahil sa pilit nitong inaabot ang kaniyang bag na inilagay sa dulo ng veranda. Nagawa niyang maabot ang bag ngunit dahil sa mga walang hiya kong kaklase ay itinulak nila ito.

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon