Chapter 2

180 9 14
                                    

Chapter 2: Suspended

Matapos ang kaguluhang nangyari kanina, na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami ma ka get-over. Buong section namin ang pinaguusapan sa faculty. Ganoon naman talaga. Hanggat may nakita silang mali sayo o sa inyo paguusapan ka.

Iritang-irita na dumating sa kwarto ang dalawa naming kaklase na sina Analyn at Trixie.

"Ano? Masaya ka na na suspend tayo ng tatlong araw? Ha!" agad na hinarap ni Trixie ang nakaupo at nagmamake up na si Analyn.
"Yes. Im so glad na kasama ka sa pagkakasuspend. Staka wag kang sumigaw hindi ako bingi!" maarteng tugon ni Analyn habang naglalagay ng mapulang tinta sa kanyang labi. Mabilis lamang nitong tinapunan ng tingin ang kanina pang mainit ang ulo na si Trixie.

"Bwisit ka!" kasabay muli ng pagsigaw at pagkairita ni Trixie ay ang muling pagniniig ng dalawang ito. Halos mahiga na sila sa pagsasabunutan.
Mabilis ang pagkakatapon ni Trixie mula sa kaliwang bahagi ng classroom na kaninang nakapaibabaw kay Analyn.

Puro kalmot ang  inabot ng kaawa-awang si Analyn. Na halos kumalat ang lipstick na pula sa kanyang mukha. Bakas sa mukha ng mga ito ang galit.

"Wala na ba kayong hiya? Nagkakababae kayong tao ganyan ang inaasta ninyo?" Malakas na sigaw ni Hanz sa dalawang babaeng nagtalo. Bakas sa mukha ni Hanz ang pagkagalit sa dalawang ito. Tila ba sumabog na rin si Hanz dahil sa walang tigil na pag-aaway ng dalawang babae.

"Pwede ba Trixie? Ayusin mo ang sarili mo, nakakahiya ka! Nagkakababae kang tao ganyan iniaasta mo, at isa pa. Bakit ko sinisisi si Analyn sa pagkakasuspende n'yo? Di 'ba kagagawan mo rin iyon kung bakit nangyari? Kaya umayos ka!"  bakas ang galit at inis sa pananalita ni Hanz. Bilang isang officer ng  Supreme Student Goverment o SSG, tungkulin niyang panatilihin ang katahimikan at kapayapaan sa eskwelahan.

Wala siyang sinasanto. Kaklase man nya ito o kapwa kamag-aral.

"Bwiset!" Padabog na inayos ni Trixie ang sarili. At muli siyang humarap kay Analyn. "Humanda ka Analyn! Hinding-Hindi pa tayo tapos!" huling salita niya bago siya lumabas ng kwarto.

Tahimik pa rin ang lahat. Ng dahil sa eskandalong nangyari.

"Salamat, Hanz." tipid na ngumiti at nagsalita si Analyn, matapos na ayusin ang kanyang sarili. Ang kaninang magulo, nakakaawa at puno ng galos na si Analyn, ay bumalik sa dating anyo nito. Ang pagiging maarte. At matapos ayusin ang kanyang sarili, ay kagaad rin siyang umalis ng naturang classroom.

Analyn

"Nakakainis, sirang sira na naman ang araw ko nito." wala akong nagawa kundi  ibato ang aking telepono sa gitna ng daan, tinitigan ko lang ito kung paano madurog ng rumaragasang sasakyan.

Hanggang ngayon masakit pa rin ang mga kalmot at galos na tinamo ko mula kay Trixie. Ang  bruhang 'yon nagawa pa akong idamay sa eskandalo niya kanina. Bwiset!

Iritang-irita pa rin ako hanggang ngayon. Wala akong pakielam kung may mabangga akong mga tao, kasalanan na nila iyon. Masyado silang tatanga-tanga.

Masyadong napuno ang aking isipan sa pagkainis ko kay Trixie at hindi ko na namalayang malapit na pala akosa amin. Mabilis akong maglakad at walking distance lang din naman ang eskelahan kong pinapasukan kaya mabilis akong nakarating.

Ngunit dumoble ang pagkainis ko, ng madatnan kong nagtatalo na naman ang mga magulang ko, sa walang katapusang selos.

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon