Chapter 12: Trash Attidutes
Belinda
Madilim ang paligid ng imulat ko ang aking mga mata. Sinubukan kong igalaw ang aking sarili ngunit kaagad akong napapikit dahil sa sakit. Nakagapos ang aking mga paa gamit ang barb wire. At nakatali patalikod ang aking mga kaamay sa aking inuupuang armchair.
Suot ang aking uniporme, madumi. sumasakit rin ang tuhod ko. Puno ng sugat. May busal rin ang bibig ko. Napaiyak na lamang akong nangmapagtanto kong nakidnapped ako.
Rinig ko mula sa labas ang huni ng mga nagkakagulong mga ibon. Iginala ko ang aking paningin natatakluban ng mga plwood ang mga bintana at sumisinip mga mununting liwanag rito.
Nakakapanghina.
Nangangatal na lang ako ng dahil sa sobrang gutom at panghihina. Madilim na ang paligid ko. Pero may naaninag ako, kung hindi ako nagkakamali nasa isa akong lumang gusali.
May naaninag akong isang bulto ng katawan. Kahit bagsak na ang hanggang balikat kong mga buhok, basa na rin ng pawis ang noo ko at patuloy na dumadalot sa mukha ko ang mga pawis na nagmumula sa aking ulo.
Pinagmasdan ko ang bulto ng katawan na nagmumula sa isabg pinto. Hindi ko maanina ang mukha nito ng dahil na rin sa sobrang dilim.Narinig ko ang paghila niya sa tubo. Lumikha ito ng nakakangilong tunog. Ang sakit sa gilagid ng ngipin. Nakakangilo.
Unti-unti itong nakalapit sa kina roroonan ko. Nakatakot ang mga mata niya. Matals ang titig na ibinabato niya sa akin. Nagsimula na akong magpumiglas. Kahit na nasasaktan ako, unti-unti na ring nagtutubig ang mga mata ko.
Narinig ko kung paano tumunog ang laman ng bitbit niyang bag, hindi ko alam pero parang ang daming bakal sa loob. Nakita ko kung paano sumindi ang isang palito ng posporo at itinapat niya sa maliit na gasa, unti-unting nagliwanag ang paligid.
Kaagad kong inilinga ang aking paningin mula sa kaliwang bahagi ko ang isang malaking grills na nakapatong sa dalawang pinagdikit na lamesa, sa gawing kanan ko ang isa pang lamesa kung saan naroroon ang bitbit na bag ng taong ito at ang gasa. Naabot pa ng paningin ko ang nasa likod kong dalawang bintana na tinakluban ng malalapad na plywood. Ito siguro ang natatamaan ng liwanag kanina noong magaa pa. Tining nan ko ang sahig na kung saan naroroon ako. Ang dumi ang kalat. Tinatapatan ko ang pinto isang pintong nakatayo sa gitna ng dalawang malalaking dingding.
Hinarap ko ang taong ito ng puno ng takot.
Ang sakit na nang mga kamay at paa ko, para bang nahaklit na ang laman ko ng dahil sa mga barbwire na tumutusok rito."Kamusta aking kaibigan?" naaninag ko ang maskarang itim na tinataman ng kulay kahel na liwanag na nagmumula sa gasang may apoy. Nakakainis.
"Mmmmp!" galit na galit ko itong tinitigan. Kahit mga mata lang ang nakikita ko sa kanya, alam kong tuwang-tuwa na ito sa loob-loob nya.Parang narinig ko na ang boses na iyon, hindi ko lang matandaan kung saan.
"Bibigyan kita ng tatlong segunda kung paano ka pipili ng kamatayan mo, or else gusto mong ako na lang ang pumili para masaya?" nilukob ang buong kwarto ng malakas niyang pagtawa. Nakakapangilabot ito.
Babae? Babae ang nasa likod ng maskarang ito?
"Ok ito ang iyong pagpipilian," napapitlag ako nang muling magsalita ito. Naguguluhan pa din ako sino ang babaeng nasa likod ng maskarang itim? Nagsimula nang umagos ang masagang luha sa aking mga mata ng makita kong inilabas niya ang muriatic acid mula sa bag niyang bitbit.
"A.Bubuhusan kita ng muriatic acid hanggang matunaw ka." lumingon ito sa direksyon ko at saka tumingin ng matalim sa akin. Puno ng galit ang mga mata nito ng galit.
BINABASA MO ANG
Missed Call
Mystery / ThrillerHindi mo ba nasagot ang tawag niya? Ihanda mo na ang iyong sarili. Dahil katapusan mo na. All Rights Reserved 2017 acuham08 Book cover made by: @InkOfSeptember