Chapter 1

343 15 16
                                    

Chapter 1: Class Record

Kanina ko pang pinagmamasdan ang buong silid na kung saan nagkakagulo ang mga kaklase ko. May mga nagsisigawan, nagtatawanan, nag-aaral. Isang tipikal na araw para sa mga ordinaryong estudyante dito sa Sta Monica Senior High School.

Isang panibagong pagkakataon ang aking masisimulan sa paaralang ito. Ilang masasayang mga memorya na naman ang aking mabubuo. Napangiti ako sa aking nakita. Mukhang magiging masaya ang pagpasok ko sa eskwelahang ito.

Muli kong naalala na tatlong buwan pa lamang ako sa eskwelahang ito. At marami-rami na rin ang mga naganap sa klase namin. Gaya ng mga tipikal na paaralan. Discuss. Test. Quiz. Discuss. Oo. Ganyan naman palagi.

Isang tunog nang napakataas na takong ang aming narinig na paparating sa kwartong aming kinaroroonan. Lahat kami ay natahimik ng may isang mapayat, matangkad at may kayumanging kutis ang pumasok sa silid-aralan namin. Nakakatakot ang titig nito, at halata mo sa tindig nito na isa siyang striktong guro.

"Magandang tanghali, ako nga pala si Mrs Imelda Reyes. At ako ay isa sa makakasama ninyo sa isang napakalaking event ng ating eskwelahan." Ang lahat ay nagkatinginan, natuwa at kita sa mga mata nila ang pagkagalak ng malamang may event na magaganap sa eskwelahang ito. At nagsimula na namang umugong ang ilang bulung-bulungan.

"Bago ko sabihin ang mga susunod na detalye ay magtatala muna ako kung sino- sino ang mga wala sa araw na ito." lahat ay tahimik. Halatang takot sa gurong nasa unahan. At nagsimula nang magtawag ang guro ng mga estudyante.

"Rosie Adalia." panimula nito.Agad namang gumalaw ang mga sarili kong mata para hanapin ang taong ito.
"Present Ma'am" tugon ng isang dalaga, napakunot noo ako ng makita ko ito na ang ipit ay dalawang ponytail sa dalawang gilid at hawak-hawak nito ang isang lollipop. Hindi ko makakakila, na maganda ang babaeng ito. Ngunit isip bata nga lamang ang dating niya sa mga mata ko. Mukhang masayahin siya at hindi bakas sa mukha nito ang pagiging stress bilang isang Senior High School student.

"Hanz Añonuevo" sumunod na tinawag nito ang isang lalaki mula sa gawing kanan ko. Na may tatlong silya ang agwat mula sa akin. Matipuno ang pangangatawan nito. Maputi at nakabrace. Oo. Nakabrace agaw pansin din ang isang ngiting sumilay sa kanyang mukha matapos itong tumugon sa pagkakatawag ni Mrs. Reyes, ngunit nabigla ako ng bigla itong lumingon sa akin at ngumiti. Hindi ko alam kung saan ako babaling kaya nagsawalang bahala na lamang ako at humarap muli sa unahan.

"Alitha Balmes" muli akong napatingin sa isang babae, maganda ito. Sa sobrang ganda hindi mo maipagkakaila na pwede siyang maging isang artista.

At muling nagpatuloy ang pagtatawag ni Mrs. Reyes sa mga kaklase ko. Na mas tahimik pa sa dilim na ang kaninang magulo at maiingay kong kaklase. Sa loob ng tatlong buwan kong pagpasok sa paaralang ito, nga-ngayon ko lamang sila natitigan isa- isa.

Tila ba galak na galak sila na maging kaklase ako. Gayong bago lamang kaming magkaklase at parang hindi tatatlong buwan na kaming nagkakasama-sama.
Sobrang sarap sa pakiramdam na makitang ganito kami kasaya.

Hindi ko kaagad napansin na sasampong minuto na lamang ang natitira at maari nang matapos ang klase namin kay Mrs. Reyes na bagong guro namin sa Filipino.

"Okay. Class Dismissed." tila muling nagbago ang kaninang tahimik ay muli na namang naging magulo. Bumalik na naman ang dating mga kaklase ko. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi na napakaswerte ko, kasi sila ang mga naging kaklase ko. Muli kong naalala ang matamis na pag-ngiti sa akin ni Hanz, unang beses ko siyang nakitang ngumiti sa akin. Dahil kahit araw-araw ko siyang nakikita ay hindi ko naman ito nakakausap. Dahil busy ito sa pagiging isang aktibong Supreme Student Goverment Officer.

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon