Chapter 3: Ranking
Magdadalawang araw na simula ng masuspende ang dalawa kong kaklase na sina Trixie at Analyn. At napakalaking kakulangan iyon para sa kanilang grado, ngayong papalapit na ikalawang araw ng pamimigay ng marka.
Sa biyernes pa ang labas ng mga marka, ng bawat isa. Pero ganun pa man, mauunang ilabas ang mga taong pasok sa, ranking ngayong ikalawang markahan.
At sa aking inaasahan, kasama ako sa sampung estudyante, na nakakuha ng matataas na marka.
Halos, maiyak na ang aming top 1, dahil alam kong pinaghirapan niya iyon at buong markahan. Wala naman akong masasabi dahil bukod sa napakasipag niyang tao, palagi pa siyang nakakakuha ng matatas na iskor, sa tuwing nagbibigay ng pagsusulit ang aming mga guro.
TOP 10
Top 1 Rica Boongaling ---- 89
Top 2 Cairon Marasigan ---- 88.25
Top 3 Xyriel Fernandez ---- 87
Top 3 Fritz De Guzman ---- 87
Top 4 Diether Manalo ---- 86.20
Top 4 Alvin Royo ---- 86.20
Top 5 Hanz Añonuevo ---- 85
Top 6 Caitlyn Reyes ---- 84.75
Top 7 David Fortu ---- 83.25
Top 8 Belinda Martinez ---- 82.15
Top 9 Cyrus Singson ---- 82
Top 10 Alitha Balmes ---- 81Malungkot akong lumabas ng kwarto, hindi na naman ako nagtagumpay. Hindi na naman ako nagtagumpay na maging Top 1, kahit na buong markahan na ako nag-aral ng nag-aral.
"Oh, bakit parang tulala at malungkot ka Xyriel?" tila ba nag-aalalang tanong ni Kyla sa akin. Kitang-kita ko sa mata niya ang sinseridad, ngunit isang matipid na ngiti lamang ang aking ibinigay sa kanya. Ngunit hindi pa rin ito natinag, patuloy pa rin siyang sumunod sa akin hanggang sa makarating kami sa round tables ng eskwelahan. Ang round table, ang isa sa mga pambansang tambayan ng section namin.
Naupo ako sa isang bench, at umupo rin sa harap ko si Kyla. Masasabi kong maganda si Kyla. Maamo ang mukha, Ang maririkit niyang mata. Mga matang palaging nangungusap. Ang mga labi niyang kay pula. Hindi ko alam kung bakit gandang-ganda ako sa kanya.
"Alam kong may problema Xyriel, sabihim mo sa akin. Mapapagkatiwalaan mo ako." ani Kyla. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.
"Hi-hindi ko kasi nagawang maging Top 1 ngayong ikalawang markahan," inilihis ko ang aking paningin para maiwasan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.
"Yun ba ang dahilan, kaya kang malungkot? Hindi ka pa ba masaya na nasa Top 3 ka sa section ranking?" napakunot ang noo niya, tila ba hindi nasiyahan sa sinabi ko. Ang hirap kasi. Ang hirap magpaliwanag, lalo na kung ang pamilya ko ay sobrang taas ng expectations sa akin.Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.
"Alam mo Xyriel, hindi numero ang batayan ng isang estudyante. Nasa abilidad mo yan." ngumiti siya, ito ang unang beses siyang ngumiti. Ngumiting sobrang saya, na walang bahid ng lungkot.
"Xyriel! Kyla!" parehas kaming napalingon ni Kyla sa lalaking tumawag sa amin. Si Philip pala, hindi ko ba alam kung anong meron sa kanya. Sobrang nakakadala ang mga ngiti niya sa labi e.
Agad kaming lumapit sa kinatatayuan ng grupo nila.Nakapaikot sina Diether, Rica, Philip, Danica, at Sheena sa isang round table na ang nasa gitna nito ay ang isang puno ng acacia. Walang klase ngayon dahil busy ang mga guro sa pagsasaayos ng marka ng mga estudyante sa bawat grado, kaya napilitan kaming kumalat sa buong campus.
BINABASA MO ANG
Missed Call
Mystery / ThrillerHindi mo ba nasagot ang tawag niya? Ihanda mo na ang iyong sarili. Dahil katapusan mo na. All Rights Reserved 2017 acuham08 Book cover made by: @InkOfSeptember