Chapter 11

56 3 0
                                    

Chapter 11: Multiple Choice

Rica

Hindi ko inaasahan ang nangyari kanina kung paano nila pinagtakpan ang totoong nangyari.

Siguro nga ganoon ang lahat ng tao handang pagtakpan ang bawat sikretong kanilang tinatago. Bumalik ako mula sa malalim na pagiisip ng biglang magsakita si Ginang Imelda Reyes.

"So, masyadong maraming nagyari sa ating section nitong mga nakaraang araw.  At ngayon siguro ang tamang simula para sa ating buong section.." inilibot niya ang kaniyang mga mata sa mga estudyanteng nakaupo sa mga armchair na ito.

"Napagkasunduan ng faculty na ituloy na ang nasabing event sa inyo, kung ito'y naalala nyo pa." mukhang na excite sila sa nasabing event ni Mrs. Reyes ang iba naman ay parang nalungkot.
"Syempre, hindi mawawala ang bayarin patungkol rito. At syempre dahil kayo ang kahuli-hulihang  section sa Senior High, kaya kayo rin huling masasabihan sa naturang event.

"Pero bago ko iyon sabihin, ikinalulungkot kong balita na drop out na ang isa ninyong kaklase na si Luzviminda Ortega. Dahil sa Halos ilang araw na siyang absent at ni anino niya ay hindi lumilitaw napagpasyahan nang i-drop out na ito." nagpatuloy ito sa kaniyang litanya, parang ako lang ata ang nagulat sa sinabi ng guro naming ito. Marahil ay alam nilang nasa Rule book ito. Na once na umabsent ang isang estydyante mula isa hanggang limang araw at hindi ito nagpapakita ni anino ng magulang or guardian. Mapipilitan silang i-drop out ito.

"Ikinalulungkot ko rin ang pagkamatay ni David, Danica, at Dominic." malungkot ang guro naming ito. Tahimik ang buong klase tila ba muling inalala ang mga araw na kasama namin ang mga namayapang taong ito.

"At mamaya ay pupunta tayo sa burol ng namayapa ninyong kaklase na si Danica Rizal at kay Dominic." muling nagpatuloy soya sa pag-anounce ng mga maaring mangyari mamaya.
"Mam? Di ba masama po ang dalawang patay na magkasubod na pupuntahan?" napatayo mula sa kaniyang upuan ang kaklase kong si Cyrus.

"Masamang pamahiin po iyon diba?" senugundahan naman ito ng isa rin sa mga kaklase kong si Lim.
"Lim, seryoso 2017 na naniniwala ka pa sa pamahiin?" sarkastikong sumagot si Trixie. Kahit kailan talaga ang babaeng ito, agaw eksena.
"Ang mahalaga ay nakadalaw tayo sa burol ng mga kaklase ninyong sina Danica at Dominic.

"At simulang sa lunes, ay ang pagsisimula ng sembreak," naghiyawan ang mga kaklase ko. Hindi ko na namalayan ang  buwan. Parang kanina lang September. Ngayon malapit nang matapos ang October
Napailing ako. Masyadong naging magulo ang mga nagdaang araw nakaka stress.
"Quiet please, " tumahimik ang lahat ng kumumpas ng isang guhit mula sa hangin ang dalawang kamay ni Mrs. Reyes.

"Since, gaya nga nga sabi ko sa inyo. Huli kayong makakatangap ng announcement ng event. At ang event na ito ay hindi kagaya ng ibang school na pare-parehas ang pinupuntahan ng iba't ibang year. Since kayo ang kauna-unahang batch ng Senior High. Dito sa Sta Monica kayo ay nagkaroon ng kapalarang makaranas ng extraordinaryong event."

Lumakad pakaliwang bahagi ng classroom,  habang hawak ang isang stick na mahinang inihahampas sa kaniyang kaliwang palad.

"Mula sa section one na nagkaroon ng pagkakataong pumunta sa Fantasy World sa Lemery Batangas at doon isa gawa ang kanilang aktibidades. Ang Section two naman ay nagkaroon ng pagkakataon na umakyat sa bundok ng Makulot sa parteng Laguna. At ang section three naman ay nagkaroon ng isang pagtulong sa part ng Visayas." huminto ito sa pagsasalita, halatang binibitin kami sa mga pangyayari. Hindi ko akalain na malayo at masyadong magastos para sa isang public school ang gagawin nila. Pero since seniors na kami mas magiging masaya ito.

"At kayo fourth section na magkakaroon ng Ghost Hunting sa eskwelahan ng Sta Monica Senior High School. At lahat ng nabanggit na iyon ay sabay-sabay na isasagawa sa loob ng dalawang linggo."

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon