Chapter 6

97 3 0
                                    

Chapter 6: Touch and Go

Tahimik ang mga estudyanteng lumabas ng Conference Room. Halata sa mukha ng iba na para bang nabunutan ng tinik, ang iba naman ay umiiyak. Pasado alas-nuebe na ng umaga ng sila ay makalabas sa naturang kwarto.

Pinagtitinginan na rin sila ng ilang estudyante na nagkalat sa hallway ng mga naturang gusali. Ang iba sa sa kanila ay nagtuloy sa kanilang kwarto para kumuha ng ilang walis tingting at dustpan.  Ang ilang kalalakihan ay nagbitbit ng basurahan, ang iba naman ay nagsimula nang maglimot ng mga natuyong dahon sa school ground.

Ang ibang kalalakihan ay tumuloy sa isang kwarto malapit sa canteen ng eskwelahan na kung saan naroroon ang mga asarol, kalaykay at ilan pang kagamitan na makakatulong sa kanila para makapaglinis ng eskwelahan.

Nakadikit sa mukha ng mga estudyante ang pagkatuwa marahil ay tuwang-tuwa ang mga ito dahil hindi  nila makikita ang ilan nilang mga guro na boring magturo. Ang iba naman ay naiinis dahil kasagsagan ng init sila naglilinis at iba naman ay parang wala lang sa kanila ang parusang kanilang natanggap at nagawa pa ng mga itong magharutan habang naglilimot ng mga natuyong dahon.

Rica

Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit napakababaw ng ipinataw sa aming kapasurahan. Naguguluhan ako hanggang ngayon maging si Sheena halata sa mukha niya ang pagtataka.

Umupo muna ako saglit sa isang mababang semento na kulay berde na ang bawat gilid nito ay ukab-ukab na. Pinagmasdan ko ang kapaligiran ng eskwelahan, ang daming estudyanteng naglalakad na hindi ko alam kung saan patungo. Maiinit sa mga oras na ito. Mag-aalas diyes na rin kasi ng umaga. Kung kayat nanunuyo na rin ang lalamunan ko, dala ng init at pagod sa pagwawalis.

Nagulat ako ng may basong trasparent ang aking nasa harapan, at may kulay pula itong likido. Kaagad kong ipinaling ang akin ulo at nakita ko ang dalawa kong kaibigan. Sina Belinda at Danica. Nakangiti parehas ang mga ito. Parang hinihilayat ako na ngumiti rin at magpatianod sa kapaguran kong tinamo.

"Nakakapagod bes," utal ko sa kanilang dalawa habang nakaupo pa rin sa ukab-ujab na sementadong upuan. Tumabi na rin sa akin sina Danica at Belinda.
"Oo nga e, d'yos ko. Papatayin ata tayo e." matawa-tawang saad ni Danica na halatang namumutla na dahil sa sobrang pagod.
"Mga bhe, hindi ata tayo estudyante e, mukha tayong janitor.Hindi makahustisya ang ipinagagawa nila sa atin." atungal naman ni Belinda. Na halos mangupas na ang kulay pulang tinta sa kaniyang labi, gawa ng pagkakainom ng juice na binili mula sa kantina ng paaralan.

"Tama ka dyan bhe," pagsang-ayon ko naman. Alam kong walang janitor sa eskwelahan namin kung kaya't makalat pa rin sa eskwelahan. At halos ganito ang makikita mo sa isang pampublikong paaralan. Ang mga estudyante, guro at iilang staff ng paaralan ang nagtutulong-tulong para maging maayos at malinis pa rin ang eskwelahan.

"Pero bakit kaya, nagpakamatay si David? Bakit tayo ang sinisisi ng mga guro natin?" humarap sa akin ang namumutlang si Danica, na noo'y naka-titig sa malawak at singkad ang kainitan ng school ground ng aming paaralan.

Bakit nga ba siya nagpakamatay?

Ni miski ako napatanong rin sa aking sarili. Alam naming may pinagdadaaanan siya at may 'trust issue' siya sa mga kaklase ko. Pero mali parin ang magpakamatay siya, lalo na't napaka halaga ng isang buhay.

"Nabully ng kaklase natin si David. Marahil kaya tayo sinisisi dahil kaklase tayo ni David." sagot naman ni Belinda na kasalukuyang tinitirintas ang kaniyang kulay itim at tuwid na buhok.

"Bakit hindi siya humingi ng tulong sa atin? Kaklase niya tayo." sagot naman ni Danica, at kita ko sa mukha niya ang pagkalungkot.
"Kung mabibiktima ka ng bullying, mawawalan ka ng pag-asang humingi pa ng tulong." ang sagot ko naman.

Missed CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon